Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o

higit pa na mga salik katulad nglipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan.
Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan
na Austranesyano, at naging Kristiyano mula sa
pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlong daang
taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga
pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga
Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing
Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang
batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing
na Pilipinoang mga Negrito sa Pilipinas.

Ang South Africa, opisyal na Republika ng South Africa, ay isang bansa na matatagpuan
sa katimugang dulo ng kontinente ng Aprika. Matatagpuan sa hilaga ang mga
bansang Namibia, Botswana at Zimbabwe; sa silangan ayMozambique at Swaziland; at sa
loob nito matatagpuan ang Lesotho.[6]

Isa sa may pinakamaraming pangkat etniko sa kontinente ng Aprika ang South Africa. Dito
ang pinakamaraming Europeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon na Indiano,
gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at
Aprikano). Naging malaking bahagi ng kasaysayan at politika ng bansang ito ang
pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti.
Nagsimulang ipakilala ng National Party ang patakaran ngapartheid matapos nitong manalo
noong eleksiyon ng 1948; bagaman, ang partidong din na iyon sa ilalim ng pamumuno
ni F.W. de Klerk ang nagsimulang pira-pirasuhin ito noong 1990 pagkatapos ng mahabang
pakikipaglaban ng mga nakararaming itim, gayon din ng maraming puti, halong etnisidad at
mga South Africanong Indiyano.

Ang bansang ito ang isa sa mga bansa sa Aprika na hindi nagkaroon ngkudeta, at regular na
malaya at walang kinikilingang halalan na ginaganap noong pang 1994. Dahil dito ang
bansang ito ang makapangyarihan sa rehiyon at isa sa pinakamatatag at pinaka-
liberal na demokrasya sa Aprika. Ang ekonomiya ng South Africa ang pinakamalaki at
masulong sa buong kontinente ng Africa, kasama ang makabagong imprastraktura na
karaniwan sa buong bansa.

You might also like