Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SERYE MO

YAN!

Magbigay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa impormatibong teksto


Maipabatid ang kaibahan ng isang impormatibong teksto sa iba pang mga uri ng
teksto
Bigyang linaw ang mga katangian ng isang impormatibong teksto

TARALETSSS

Aanhin Mo?

ni MetalDisneyPrincess

Aanhin mo ang kagandahan,

Kung utak namay walang laman?

Aanhin mo ang lalaking pogi,

Kung 1+1 pa lang ang utak na nyay tsugi?


Anhin mo ang seksing babae,

Kung lumandi naman parang bulate?

Aanhin mo ang papang macho,

Kung may lahi naming manloloko?

Aanhin mo ang babaeng maputi,

Kung ang habol lang naman nyay salapi?

Aanhin mo ang lalaking tall, dark and handsome,

Kung katawan mo lang naman ang kanyang inaasam?

Aanhin mo ang kamukha ni Paraluman,

Kung ugali naman nyay lapastangan?

Iyo itong tandaan,

Hindi lahat ng pisikal na biniyayaan,

Ay may taglay na kabutihan

Paglalahad ng Dating
Kaalaman
Konti lang bess, yun
Uy bess! Alam mo yung ano diba,
ba kung ano ang nagbibigay
impormatibong impormasyon...
teksto?
Ohhh SHOPPING
News Alert

Ang textong impormatibo ay nagpapaliwanag ng mahalagang impormasyon o


Kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa
mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.

Napag-aralan mo na ang tekstong impormatibo. Basahin mo ang ilang mahahalagang


konseptong dapat mong tandaan sa aralin.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at


mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.

2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.

3. Sa pagbasa ng tekstong impormatibo, magkaroon ng pokus sa mga impormasyong


ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.

4. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing
mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

5. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga


bagong impormasyon.

6. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.

7. Laging may nadadagdag na bagong kaalaman o kayay napapayaman ang dating kaalaman
ng taong nagbabasa nito.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan


Pag-uulat pang-impormasyon
Pagpapaliwanag

Elemento ng Tekstong Impormatibo


Layunin ng May-akda
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may akda sa pagsulat.
Maaaring ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang
paksa; maunawaan ang mga bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng
maraming bagay ukol as ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga
yugto sa buhay ng ibat ibang uri ng mga bagay na may buhay.

Pangunahing Ideya
Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi- tinatawag din itong organized markers na nakatutulong upang
agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin.

Pantulong Kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong
kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mga
mambabasa ang pangunahing ideya nais matanim o maiwan sa kanila.

Mga Istilo sa Pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa


mga bagay na binibigyang diin
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak
na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang mga paggamit ng
mga istilo o kagamitang/ sangguniang magbibigay diin sa mga
mahahalagang bahagi tulad ng mga sumusunod:
a. Paggamit ng paglalarawan ng presentasyon
b. Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita sa teksto
c. Pagsulat ng talasanggunian

Mga Mumunting Ala-ala ni Ama

Ian Odal Jordan

Labing anim na taon, Bumabalik sa aking isipan mga ala-alang kailanman hindi na maalis sa aking
isipan. Kung paano mo ako tinuruan magbasa ng abakada, habang ika'y nagsasampay ng labahan sa may
bakuran. Kung paano mo ako tinuruan kumain ng gulay, Habang nagaabang ka sa bawat subo ng aking
bibig.

Sa kung paano mo inihahampas ang sinturon kapag maiduduwal ko ang kapirasong gulay.
Kung paano mo ako turuan gumalang sa mas nakakatanda, minamatyagan bawat mano at opo sa mga
nakakatatanda. Naalala ko yung pinakamasayang parte na kasama kita. Ako'y limang taong gulang pa
lamang. Isa kang marino, isinakay mo kami ni ina sa inyong barkong pinagtatrabahuhan.
Inilibot mo kami sa bawat sulok ng barko, ipinahawak mo sa akin ang manubela at hinayaan mo akong
laruin at imaneobra.

Lahat ng iyon ay isa na lamang ala-ala,

Gusto kong makaranas ng aruga ng isang ama.


Gusto kong makaranas ng pagmamahal ng isang ama.
Gusto ko makaranas ng payo ng isang ama sa kanyang anak na namomroblema.

Ano ba ang pakiramdam ng isang anak na may nagaarugang ama?


Ano ba ang pakiramdam ng isang anak na may pagmamahal ng isang ama?
Ano ba ang pakiramdam ng isang anak na nabibigyan ng payo ng isang ama?

Pero hanggang pagkagusto na lamang iyon.


Pagkagusto na kahit anong gawin ay hanggang sa mga larawan at ala-ala ka nalang namin mabubuhay.
Mga Gabay na Tanong:

1.

You might also like