Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

REHIYON 1

A. KANTAHING BAYAN

Halimbawa:

Da mangngalap ken agsansana (ang mga mangingisda at mag-aasin)


Manang biday
Pamulinawen

B. ALAMAT

Halimbawa:

Bakit Umakyat sa Damo ang mga Suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan
Ang Alamat ng Bigas
Alamat ng Pinaupong bangkay

C. KUWENTONG BAYAN

Halimbawa:

Ang Tatlong Magkakapatid na Lalaki


Si Juan Tamad

D. EPIKO

Halimbawa:

Biag Ni Lam-Ang ni Pedro Bukaneg

E. BURBUTIA O BURTIA (BUGTONG)

Halimbawa:

no baro ket narukop, no daan nalagda (tambak)


sangapulo iti mangiyawat, taltallo iti mangawat

F. PAGSASAO (SALAWIKAIN)

Halimbawa:

Ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na


G. SARITA (MAIKLING KWENTO)

Halimbawa:

Ti Langit Iti Innamnamatayo( Ang Langit ang Pag-Asa)


Pinakadagdag ng Pulyento na Biag ni Aida
H. NOBELA

Halimbawa:

Matilde de Sipangan (1872) ni P. Rufino Redondo


Biag Ti Meysa a Lakay Wenno Nakaam-Ames a Bales

I. KWENTONG BAYAN

Halimbawa:

Si Prinsesa Urduja

REHIYON 2

A. SALAWIKAIN

Halimbawa

Mamatugu ka ta gayan nga manututtu ta matam. (You rear a crow that pecks your eyes.)
Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta davvun. (Nobody goes up who does not come down)
Mammula ka ta mapia, gataban nu noka. (He who sows goodness, reaps gratitude.)

B. EPIKO

Halimbawa

Biuag anni Malana (Biuag at Malana)

C. PALAVVUN (BUGTONG)

Nu magitubang atannang, nu manaddak, alinno (When it sits, it is tall. When it stands it is small.-
Dog)
Sinni pano y tadday mga babay Kanan na baggi na a maguroray (Who can be the lovely lady that
eats her own body? - Candle)

D. AWIT

Pagayaya ay a metallugaring I pattaradde tam ngamin,


Pagayaya I palu paggia Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang Kegafuanan na kapawan Na ziga nganufulotan.

Salin-wika sa Ingles:

Happiness is the end May it be that this occasion,


Of our being together Bring us satisfaction
Happiness is the well-being Which will make us forget Our hatred and
And elimination of suffering. suffering
E. ALAMAT

Halimbawa:

Ang Alamat ng Kasuy

REHIYON 3

A. AWITING BAYAN

1. Basulto itoy naglalaman ng mga matatakinghagang salita na pankaraniwang ginagamit sa


pagpastol ng mga kambing, baka, kalabaw, at iba pang mga hayop.

Halimbawa:

Tinanam Kung Kamantigi at O Caca, O Caca

2. Goso tumutungkol sa moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan. Ito ay may tiyak na aral
at inaawit sa saliw sa gitara, biyolin, at tamburin tuwing Araw ng mga Patay

3. Pamuri nag-ugat sa salitang puri at inihahanay sa isang uri ng awit ng pag-ibig ng mga
Kapampangan

Halimbawa: Aruy! Katimyas na Nitang Dalaga

4. Pang-obra nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawaing ng mga kapampangan.

Halimbawa:

Bye Ning Kasamak (Ang Buhay ng Magsasaka) at Deting Tatanam Pale (Mga Taong
Nagtatanim ng palay)

B. DULA

1. Karagatan inihahayag sa paraang patula ang pagsasadula ng kanilang karagatan. Ito ay nag-ugat sa
isang kasaysayan ng isang prinsesa na sadyang naghulog ng singsing sa dagat upang mapakasal sa
katipang mahirap na maninisid ng perlas.

2. Duplo itoy nilalaro rin sa lamayan ng mga patay kung saan nagpapaligsahan ang mga kalahok sa laro
sa kanilang husay sa pagtula.

3. Kumidya laging hango sa pag-iibigan ng isang prinsipe at prinsesa. Ang lanbanan ng mga Kristiyano
at muslimang binibigyan ng mahahalgang bigat dito at laging nagtatapos sa pagtatagumpay ng mga
Kristiyano at pagbibinyag ng mga Muslim sa Kristiyanismo.

4. Zarzuela mula sa zarzuela ng mga Kastila na nag-ugat sa lugar kung saan ito ang unang
itinanghal sa Espanya,

Halimbawa: Zurzuela de la Provincia de Guenco.


C. ALAMAT

Halimbawa: Ang Alamat ng Bundok Arayat (Mariang Sinukuan)

D. EPIKO

Halimbawa: Rihawani

E. BUGTOGAN o BUGTUNGAN

Halimbawa:

Metung a butil a pale, sakup ne ing mabilug a bale. (Isang butil ng bigas, sakop ang buong bahay. -
Ilaw)

REHIYON 4A - CALABARZON

A. SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN

Halimbawa:

"Kapag ang naunay tamis, mahuhuliy pait."

"Nagpapakain kanat masama ang loob, ang pinakaiy di nabubusog."

"Anuman ang luto at siya nang siya , pilit sasawaat hahanap ng iba."

B. Mga Awiting Bayan

Halimbawa:

"Baka Maputikan"
"Sa aming pagdating" ( Harana)
"Kasagutan sa Pusong Umiibig"

C. TULA

Halimbawa:

"Sa Aking mga Kababata" ni Jose P. Rizal


"Huling Paalam" ni Jose P. Rizal
"A la juventud filipina" ni Jose P. Rizal
"Ako ang Daigdig"

D. NOBELA

Halimbawa:
"Noli Me Tangere"
"El Filibustirismo"

E. SANAYSAY

Halimbawa:

"Sobre la Indolencia de los Filipinos" ( Hinggil sa katamanran ng mga Flipino.)


"Filipinas Dendro de cien anos" ( Ang Pilipinas sa loob ng Isangdaang taon).

F. MAIKLING KWENTO

Halimbawa:

"May Daigdig sa Karagatan"


"Ang Tutong"

G. EPIKO

Halimbawa:

"Ang Biag ni Lam-ang"

REHIYON 4B - MIMAROPA

A. AWIT

Halimbawa: (Ambahan)

Ako gabay putyukan Im a common honeybee


Ako dayo mangaptan I dont want to settle down
Baliti nan-gubayan At the side of the big tree
Nakan kis-ab sugutan Bunglo The reason: because I saw
kasagunsunan Many marks of ownership
Ho bay si dis mangaptan Sa sanga The place where I settle down
panulusan Is a branch close to the top
Bilog bag-o sangbayang, Only there where I land.

Halimbawa: O, Kapalaran

B. IGUM O BUGTONG

Halimbawa:

Duwang raja kasdang lakbang. Anu atin? (Dalawang plato, sukat ay pareho. Ano ito? - Daigdig)
C. DULA

Halimbawa:

Pugutan

D. ALAMAT

Ang Alamat ng Marinduque

REHIYON 5

A. BUGTONG

Halimbawa:

Dahon saning dahon, Idi nagaborak. - Kawayan


Duwang bulang itom, harayoan an inabaton daiman inapon. - Mata
Sira ko sa Mariveles, kadakulon ang kaliskis. - Sili

B. KASABIHAN

Halimbawa:

Ang masinaginsagin, maanghit pa sa kanding. (Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.)


Ang ngusong marinota brutal siring sa ganong makinuto. (Ang ngusong maingay ay gayang
manok na pumuputak)

C. AWITING BAYAN

Halimbawa: (tungkol sa diwata)

Sarague, Dumango
Angoy Tagulaylay Kaya ayaw kong magsarili
Hoarasa sa pampang ng ilog
Kaya ako habo magisosdo na may engkanto
sa pampang nin salog dahil alam mo noong
tigwang engkanto isang tanghali na
Ta Mala pa ngani naroon ang labahan
kaso sanong adto nganit walang taong naglalaba
Yaon si labahan dai na tawo

D. EPIKO

Halimbawa:

Ibalon

E. ALAMAT
Halimbawa:

Ang Alamat ng Bulkang Mayon


REHIYON 6

A. PAKTAKON (BUGTONG)

Halimbawa:

Hiligaynon: Tagalog:

Ang dagat gin putos sang langit Ang dagat binalot ng langit
Ang langit gin putos sang tul-an Ang langit binalot ng buto
Ang tul-an gin putos sang bulbol Ang buto binalot ng balahibo
Ang bulbol gin putos sang panit Ang balahibo binalot ng balat
(Sagot: Niyog)

B. BINALAYBAY (POEM)

Halimbawa:

Luwa

C. LEGEND

Halimbawa:

Hinilawod: Ang Paglalakbay ni Humadapnon


Maragtas: Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo

D. AWITING BAYAN

Flores de Mayo (Awit ng Panalangin)

D. TULA

Don Rodrigo de Villas (Korido)

E. NOBELA

Halimbawa:

Benjamin ni Angel Magahum

F. DULA

Halimbawa:
Moro-Moro (Dula na nagpapakita ng pagkapanalo ng Kristiyano laban sa mga Muslim)

REHIYON 7

Sinasabing ang literatura sa Rehiyon VII ay di lubos na umunlad maliban sa pagsapit ng ika-20
siglo at karamihan ay pasalin-dila.

A. TIGMO (BUGTONG)

B. SANGLITAAN (SALAWIKAIN)

C. DIWATA (KASABIHAN)

D. AMBAHAN (AWITING BAYAN)

Saloma awit ng mandaragat


Hila awit panggawain
Kundu awit epiko
Kanogon awit sa namatayan
Tirana awit sa pagdedebate/pagtatalo
Balitaw awit sa pag-ibig
Hibuil o Ibalye
Dayegon awit sa paghaharana
Sambotani awit sa pagbitay sa mga kaaway

E. BALAK (TULA)

F. SUGILANON (KWENTO)

G. DULA

Halimbawa:

Wayang Orang at Wayang Purna isang maikling kwento pupet show na sinasaliwan ng brass
gong sayaw na galaw ng leeg kamay mata pabigla-biglangpaghakbang, tumatalakay sa
pagpaparusa ng mga bathala sa mga datu/sultan dahil sa kalupitang ginagawa sa mga babae.

REHIYON 8

A. SALAYSAY

"Historia natural del sitio, fertilidad y calidad de las Islas e Indios de Bisayas" (Alcina's History of
the Bisayan Islands)

B. PERYODIKO

"An Kaadlawon" unang pahayagan na nagtataglay ng sanaysay at tulang Waray


C. TIGO-TIGO - larong bugtong na nilalaro sa tuwing naglalamay sa patay upang hindi antukin

D. BALAC/AMORAL/ISMAYLING

Tula ng pag-ibig sa pagitan ng isang babae at isang lalaki. Tumatalakay sa mga bagay na ukol sa
puso na kadalasan ay pakanta.

Halimbawa:

An Iroy Nga Tuna, Ha Kan Inday, Ako An Bata

E. KWENTONG BAYAN

Halimbawa:

Ang Kataksilan ni Sinugo

REHIYON 9

A. TIGUMTIGUM / TUKOTUKOD (BUGTONG)

Halimbawa:

Kahuykahuy baubid Subalit sa gitna ng dagat


Isang pirasong kahoy na maliit Karbahal Itim na koral
Kahuy batang baibid Tubig ha liyung-liyung
Na halaman na mayroong maliit na sanga Tubig sa loob ng butas, walang dahon
Dimagtubu ha biid Hindi tumutubo sa ang di kapakpakan dahon
burol Pwedeng mahulog dito butung niyog
Subya ha gitung tawid

B. AWITING BAYAN

Halimbawa:
Inako Doringding at Dori-dori Singkil

C. ALAMAT

Halimbawa:

"Anghel sa Kalangitan" at Ang Dalawang Bundok

D. KWENTONG BAYAN

Halimbawa:

"Manik Buangsi"

Tangway ng Kasambywangaan (Zamboanga Peninsula)

REHIYON 10

A. ALAMAT

Halimbawa:

Ang Alamat ng Kagayan de Oro


Ang Alamat ng Jasaan
Pinagmulan ng Guimad (Ozamis, Mis Occ.)

B. EPIKO

Agyu (Manobo)

REHIYON 11

EPIKO

Halimbawa:

Tuwaang (Bagobo)
Indarapatra at Sulayman

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION (CAR)

A. EPIKO

"Hudhud" (Ifugao). Ito ay tungkol sa pinaka dakilang bayani ng Gonhandan. Sa kabuuan nito ay
tungkol sa buhay ni Aliguyon.
Ullalim (Kalinga)

Alim (Ifugao)

B. MGA BUGTONG NG ISNEG

Halimbawa:

"Makapal na bato sa Anayan. Ginawang palaruan ni kawitan" (Platito)


"Gumawa ng bahay si Tukay, di gumamit ng rattan" (Gagamba)
"Nangaso si Duat walang nahuli anu man" (Suklay)

C. MGA AWITING BAYAN

Halimbawa:

"Chua-ay" (Awit na pangkasal ng mga Igorot)


D. KWENTONG BAYAN NG TINGGIYAN

Halimbawa:

"Ang Buwan at ang Araw"

"Ang Pagkakalikha sa Tao

"Ang Lalaking Walang Pangalan"

E. MITO NG IBALOY

Halimbawa:

"Si Balitok at Kabigat."

AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

EPIKO

Halimbawa:

Darangan (Maranao)

Bidasari (Mindanao)

Indarapatra at Sulayman (Mindanao)

ALAMAT
Ang Alamat ng Lawa ng Lanao (Ang Higanteng si Umacaan)

KWENTONG BAYAN

Ang Pilosopo (Maranao)

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na


pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao.
Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng
Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na


kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na
namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si
Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng
halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito,
nanganaghulugang ikaw ay namatay."

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao.
Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at
madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa
tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain


ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa
pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman
ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay
nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman
nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais
dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah.
Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni


Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya
ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni
Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya
ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni
Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa
di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling
nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang
magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu.


Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong
ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng
tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan
at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban
nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na
silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay
Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

Ang Aking Mga Kuro-Kuro

Ang epikong Indarapatra at Sulayman ay kwentong epiko na punong-puno ng


kababalaghan, mahika, agimat, at kakaibang lakas ng mga karakter sa kwentong epiko. Ayon sa
ibang mga manunulat, ang mga epiko ay posibleng resulta ng pagnanais ng tao na ma-
solusyonan ang mga problema sa buhay o kaya ay mga suliranin ng isang lipunan.

Sa epikong ito, makikita natin ang mga katangian likas sa mga Pilipino, lalo na ang mga
taga-Mindanaw. Una, ipinapakita sa epikong ito na ang mga Pilipino ay tumutugon sa tawag nag
pangangailangan ng lipunan. Sa kwento, ang ibong Pah ay naghahasik ng lagim sa lipunan at
lahat ay apektado dahil mabangis ito at pumapatay din ng tao. Nakita ni Haring Indarapatra ang
problema at kanyang tinanggap ang hamon sa pamamagitan ng pagtawag sa pinakamagaling
niyang mandirigma upang puksain ang ibong namiminsala sa kanyang kaharian.

Pangalawa, makikita rin natin mas nagtitiwala tayo sa mga taong kadugo o lubos nating
kakilala. Sa kwento, walang ibang ipinadala si Haring Indarapatra kundi ang magiting niyang
kapatid na si Sulayman. Tila totoo ito dahil, halimbawa, kung kukuha tayo ng kasambahay o
magbabantay sa ating mga anak, mas nanaisin natin kung ang ating mga magulang o kapatid ang
mag babantay sa kanila. May kung anong confidence tayo kapag sila ang nagbabantay keysa
taong di mo kilala o kadugo. Marahil iniisip natin na dahil kadugo natin sila, hindi nila sasaktan o
gugutumin ang mga bata o kaya ay pagnakawan tayo.

Pangatlo, ipinapakita din ang katapangan ng mga Pilipino. Ang ibong Pah ay malakas at
malaki ngunit hindi ito inatrasan ni Sulayman. Lumaban siya ng buong tapang at buong lakas
hanggang sa kanyang kamatayan.
Katulad ng nangyayari sa Marawi ngayon, maraming mga sundalo at pulis ang pumunta
duon para pulsain ang mg terrorista. Alam nila na posibleng hindi na sila makakabalik sa
kanilang mga asawa at anak ngunit dahil sa Inang Bayan at alang-alang sa kaligtasan ng lahat,
buong tapang nilang ginawa ang kanilang tungkulin kapalit man ang kanilang buhay. Hindi sila
nag dadalawang isip na ibigay ang kanilang buhay upang magkaroon lamang tayo ng ligtas na
lipunan.

Pang-apat, ipinapakita din sa kwentong ito na tayo ay mapagmahal sa pamilya. Si Haring


Indarapatra ay hinanap ang kanyang kapatid ng makita niyang nalanta ang halaman, na ang ibig
sabihin ay namatay na si Sulayman. Kanyang nilisan ang kanyang trono upang hanapin ang
kapatid na kanya namang natagpuan.

Pang-lima, nagpapakita ito ng ating pananampalataya sa Maykapal. Nuong nakita na ni


Indarapatra ang kanyang kapatid, nanalangin siya na buhayin ito ulit. Sa makatuwid, alam niya
ang limitasyon ng kanyang kakayanan at ang kapasidad ng Maykapal.

Sa reyalidad, ang mga Pilipino ay malakas ang paniniwala sa Panginoon. Sabi ng iba, ito
ay dahil karamihan sa atin ay hindi naman namumuhay ng marangya o ubod ng yaman kaya ang
ating kinakapitan sa tuwing may mga pagsubok at suliranin tayo sa buhay ang ang magdasal at
humingi ng saklolo sa ating Panginoon. Katulad din ng kwento, sinagot si Indarapatra ng
Maykapal at binuhay si Sulayman. Tayo din ay naniniwalang sinasagot tayo ng Panginoon, at ang
kanyang sagot marahil ay: oo, hindi, maghintay.

At ang huling pinamalas sa kuwentong ito ay ating ugaling mahilig sa masayang wakas.
Ayaw natin ng mapait at masakit na wakas sa isang kwento. Tila emosyonal at apektado tayo
kapag malungkot ang katapusan ng kwento. Mas gusto natin ng masayang ending kasi
nabibigyan tayo ng pag-asa, inspirasyon, at lakas na magpatuloy sa laban ng buhay kahit mabigat
at mahirap ang sitwasyon.

Tunay nga na ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng ugali nating mga Pilipino. Dapat
natin pagyamanin pa ang ating panitikan upang ang mga sumusunod pa na henerasyon ay ma-
appreciate ang kagandahan nito at makakapulot ng magandang aral sa mga kwentong kanilang
mapakinggan at mababasa.
PROYEKTO

SA

FILIPINO

MGA PANITIKAN
NG
IBAT-IBANG REHIYON NG PILIPINAS

IPINASA NI:

Nidafe C. Villas
BEED - IV
Hulyo 20, 2017

IPINASA KAY:
Mrs. Josefina S. Dagasuan

You might also like