Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pag-oorganisa sa komunidad

Guerrero | Medel | Son | Villegas

Beckwith, D. & Lopez, C. (2011). Community Organizing: People Power from the Grassroots. European
Community Organizing Network. Nakuha mula sa http://www.bolderadvocacy.org/wp-
content/uploads/2012/08/Community-Organizing-People-Power-Beckwith.pdf

Ang mga may-akda na si Beckwith at Lopez ay nagmula sa Needmor Fund at Center for Community
Change na ang mga adbokasiya ay nakasentro sa panglipunang hustisya. Tiningnan nila ang pag-
oorganisa sa komunidad bilang proseso ng pagmomobilisa ng mga tao. Ito ang pagpapalakas ng
pagkakaisa ng mga tao sa isang komunidad para matalakay kung ano ba ang kanilang problema, ano ang
maaari nitong maging solusyon, at kung anong mga hakbang ang kanilang kailangang ilunsad para
maabot ang kanilang mga adhikain. Malinaw na inilahad ni Beckwith at Lopez ang pagkakaiba ng pag-
oorganisa sa komunidad at kaunlaran ng komunidad. Ang una ay tumatalakay sa proseso ng pagkakaisa
at paggigigiit ng komunidad sa mga dapat nitong natatamo. Ang pangalawa naman ay tungkol sa mga
pisikal na kagamitan na makikita sa komunidad kagaya ng mga maayos na tubo ng tubig o pagtatayo ng
mga pampublikong eskuwelahan. Masusing inilatag ni Beckwith at Lopez ang mga dapat sandigan na
kaisipan sa pag-oorganisa, sa pagiging desidido ng mga taong nakapaloob dito, pagpaplano ng mga
hakbangin ng mabuti, at patuloy na pagkakaisa sa pagkakamit ng mga layunin sa harap ng mga
problema. Mahalaga ang akda na ito upang makita ang kaibahan ng teknikal na mga termino sa gawaing
pangkaunlaran.

Bobo, K. et al. (2001). Organizing for Social Change: Midwest Academy Manual for Activist. Seven Locks
Pres: CA. Nakuha mula sa http://collectiveliberation.org/wp-
content/uploads/2013/01/Midwest_Academy_Fundamentals_of_Direct_Action1.pdf

Sa panulat ni Bobo, binigyang diin niya at ng iba pang sumulat ng libro ang teknikal na aspeto ng pag-
oorganisa. Dito ay tinatalakay ang mga modelo na maaring gamitin upang mas epektibo ang pag-
ooganisa at mga kasanayan na dapat taglayin. Kasama rin sa libro kung paano mas episyenteng
makakapagtrabaho kasama ang mga lokal na unyon, relihiyoso at masang organisasyon. Nakapaloob rin
sa libro ang pagbuo ng nag-oorganisa ng maayos na relasyon at samahan sa komunidad na kanyang
ginagalawan pati ang mga dapat niyang taglayin sa pagpapasinaya ng mga gawain at kung paano
pangangasiwaan ang mga pinansyal at legal na usapin. Sa kabuuan, sa paraan o salaysay ng isang
manwal ay idinirekta ng awtor ang mga dapat pakatandaan ng isang nag-oorganisa. Mayroong mga
pigurang nakapaloob sa babasahin upang mas maunawaan at mailarawan ang relasyon ng bawat
konsepto. Madaling intindihin ang mga nakasulat dahill sa bullet format na ginamit sa karamihan tuwing
magpapaliwanag at may mga angkop na heading na gagabay sa daluyong ng konsepto at dugtong nito
para sa mga mambabasa.
Brown, M. (2006). Building Powerful Community Organizations: A Personal Guide to Creating That Can
Solve Problems and Change the World. Long Haul Press: USA. Nakuha mula sa
https://chisineu.files.wordpress.com/2014/08/michael_jacoby_
brown_building_powerful_communitybookzz-org.pdf

Ang librong ito tulad ng iba pa ay nagbibigay ng sarili nitong kahulugan sa community organization
ayon sa punto de vista ng manunulat, mga teorya sa likod nito, mga mahahalagang konsepto tulad ng
kapangyarihan, relasyon, sariling interes at kung paano nito naapektuhan ang pag-oorganisa. Tinatalakay
rin ng libro paano magtayo ng isang organisasiyon sa komunidad pati ang pagpapatakbo nito sa
pamamagitan ng step-by-step guide para sa mga mambabasa. Mahalaga rin ang pagtampok ng
manunulat sa kapangyarihan bilang isang pwersa upang makapag-mobilisa ng isang komunidad at
maparami ang kasapi ng isang organisasiyon sa kanayunan. May mga case studies ang libro upang mas
maunawaan ang kahalagahan at dapat gawin sa pag-oorganisa pati mga kwento at gabay. Mas umiiral
ang mga paksa ng libro sa pagpapatibay ng isang organisasiyon sa komunidad kaysa sa mismong pag-
oorganisa ngunit mahalaga ang pagtalakay ng awtor sa mga kakailanganin at dapat isaalang-alang ng
mga nagnanais mag-organisa sa hinaharap.

Constantino-David, K. (n.d). Community organization and peoples participation: The Philippine


experience. Kasarinlan, 1-12, 503-596.

Ang artikulong ito ay isinulat ni Constantino-David upang ibukas ang diskusyon sa palasak at maling
paggamit ng konsepto ng kaunlaran, pag-oorganisa at tunay na pakikilahok ng komunidad sa pagdalumat
ng mga kinakaharap na banta at isyu sa ibat ibang panahon. Dahil sa patuloy na kahirapan at kaguluhan
sa bansa, hindi nawala ang pag-usbong ng mga organisador sa ibat ibang hanay at uri ng komunidad.
Ngunit sa ganitong hinuha, nagbigay din ito ng ilang kategorya sa ibat ibang uri ng organisador na
inanak ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan nagbigay ng kanya-kanyang perspektiba at pagsusuri sa
mga isyung panlipunan sa ibat ibang yugto ng kasaysayan. May mga umusbong na organisador na may
malabnaw na pagtangan sa suri ng tunggalian na siya namang nagbunga ng organisasyon sa komunidad
na nanatiling tagatanggap sa marubdob na proseso ng kaunlaran. Sa kabilang banda, binigyang diin din
nito na ang presensya ng mga organisadong organisador sa komunidad ay positibong makakaapekto sa
pagsulong at paggiit ng mga mamamayan sa kanilang batayang karapatan sa parehong lokal at nasyunal
na usapin.

Dreier, P. (1996). Community empowerment strategies: The limits and potential of community organizing
in urban neigborhoods. US Department of housing and urban development, 121-159. Nakuha
March 20, 2017, mula sa jstor.org/stable/20868413.

Ang artikulong ito ay binibigyang-diin ang mga salik na magbubunga ng matagumpay na pag-oorganisa
ng mga komunidad. Ang pag-oorganisa ng komunidad, community-based development, at community-
based service provision ay kabilang sa tinatawag na community empowerment strategies. Ang pag-
oorganisa ng komunidad ay sumesentro sa pagpapakilos ng mga residente ng komunidad upang tugunan
ang mga kinakaharap na suliranin. Nilalahad din ng artikulo ang kahalagahan ng kaunlaran ng
pamumuno ng mga residente mismo ng lugar sa pag-oorganisa ng sarili nitong populasyon nang sa
gayon ay maisakatuparan ang tinatawag na grassroot mobilizations. Ang pagkilos na ito ay nakatulong
sa mga komunidad sa kalunsuran upang solusyonan ang isyu ng pampublikong kaligtasan bunga ng
droga at iba pang gang-related na isyu. Ang mga pag-oorganisa sa komunidad ay nararapat lamang na
layuning mapaunlad ang ibat ibang salik na kinabibilangan ng bawat mamayan edukasyon, sahod, at
karapatan.

Erbaugh, E. B. (2002). Women's community organizing and identity transformation. Jean Ait Belkhir,
Race. Gender & Class journal, 9(1), 8-32. Nakuha March 20, 2017, mula sa
jstor.org/stable/41675005.

Ang papel na ito ay tinutugunan ang mga isyung pangkababaihan at kung paano nababago ng pag-
oorganisa ng mga kababaihan sa kaniya-kaniyang komunidad ang relasyon ng batayang masa sa mga
dominanteng panlipunan at pampulitikang institusyon. Isinagawa ng akda obserbasyon sa mga
mamamayan at pag-iinterbyu upang higit na maintindihan ang kabuuang dulog ng komunidad. Ang mga
miyembro ng pangkababaihang organisasyon sa komunidad ay kolektibong kritikal na sinuri ang mga
dominanteng kaisipan na nagsusulong ng mga pampublikong polisiya na hindi tumutugon sa daing ng
masa. Patuloy ang pakikipag-ugnay ng mga miyembro ng organisasyon sa mga awtoridad upang ihapag
ang kanilang mga isinusulong na mga programa. Ang mga prosesong ito ay nagbubunga ng kolektibong
pagbuo ng kanilang sariling pagpapasya at identidad bilang mga mamamayan at umaambag sa kanilang
pampulitikang motibasyon na siyang naglalayong bumalikwas sa mga dominanteng institusyon. Iginiit
din ng awtor na ang epekto ng identity formation at transformation ay mahalaga sa pagsusuri kung
naging matagumpay ang patuloy na isinasagawang pag-oorganisa sa mga komunidad.

Felicia, R.E. (2005). Panimulang kurso sa gawaing propaganda. IBON Foundation Inc., ISBN 971-0325-
56-6.

Isinulat ang akdang ito ni Felicia sa patnubay ng IBON Foundation Inc. bilang ang pangunahing layunin
ay makapag-ambag sa paghahanda ng mga lider at propagandista sa madaling pagtugon sa gawaing
masa at pag-oorganisa sa mga kinikilusang komunidad sa ibat ibang bahagi ng kapuluan. Dahil sa
pinasimple at hakbang-hakbang na pagdalumat sa mga teknikal na konteksto ng pagpopropaganda sa
mga tao sa komunidad, pinagagaan nito ang daluyang ng tamang linya at batayang kasanayan na dapat
taglayin ng mga lider sa matagumpay na pag-oorganisa ng mga komunidad na konserbatibo, ligalig pa
ng takot, at patuloy na hindi pa namumulat sa pangkalahatang situwasyon. Nakapaloob din sa modyul
ang mga mungkahing gawaing maaaring magpalakas at magpalawak ng organisasyon sa mga
komunidad tulad ng pagsasanay sa pampublikong pagsasalita, pagsasanay sa pagsusulat ng simpleng
polyeto at gawaing masmidya. Sa kabuoan, tinitiyak ng awtor na ang pagpapaunlad at pagpapatibay ng
tamang prinsipyo at pamamaraan sa gawaing propaganda ay isang susing gawain sa pagpapaunlad ng
organisasyon sa mga komunidad na may ibat ibang danas.

IBON Foundation Inc. (2004). IBON manual on facilitating participatory research. IBON Foundation
Inc., ISBN 971-0325-26-4.

Nilathala ang manwal na ito ng IBON Foundation Inc. bunga ng mga aral at makabuluhang mga
halimbawa mula sa Participatory Research on Upland Production Systems and Appropriate Technology,
isang proyekto na kinasangkutan ng komunidad ng Dibabawon sa Davao del Norte, Mindanao kung saan
pinatunayan nito na mas magiging makabuluhan ang implementasyon ng isang proyekto kung hindi ito
ididikta ng mga propesyunal na mananaliksik kundi itatakda mismo ng komunidad batay sa kanilang
kakayahan at kagustuhan. Sa ganitong pananaw, ang manwal ay nilahukan ng mga pag-aaral kung paano
mapapasama ang komunidad sa gawaing pananaliksik at sa huli ay tuluyang maorganisa upang tuwirang
lumahok sa pagtuklas ng kanilang mga problema at mga solusyon nito. Binigyang din ang mahalagang
papel ng mga katutubo dahil sila ang may taglay ng tradisyunal na kultura, gawaing pang-ekonomiya at
politika. Dahil dito, ang mga komunidad ng katutubo ay ginawang isang mabisang halimbawa bilang
mga komunidad na higit na -diin nangangailangan ng ibayong pagpapalakas ng kanilang partisipasyon at
organisasyon upang maisakatuparan ang lapat na uri ng kaunlaran sa kanilang komunidad. Sa huli, ang
pagsusuri, pagtuloy na pag-aaral sa kondisyon ng kanilang kapaligiran at nagkakaisang aksyon ang
magpapanatili ng katutubong kultura sa komunidad na patuloy namang ginugulo sa proseso ng
globalisasyon.

Mizrahi, T. (2014). Community Organizing Principles and Practice Guidelines. Social Workers Desk
Reference. Nakuha mula sa http://sssw.hunter.cuny.edu/ssw/pdf/community_organizing.pdf

Si Terry Mizrahi ay isang propesor sa Hunter at tagapangulo ng Community Organizing, Planning, and
Development Method. Bilang isang organisador sa komunidad ng 40 taon. Naglatag siya ng 14 na
prinsipyo laging dapat panghawakan ng isang organisador. Itong mga prinsipyo na ito ay tumatagos
mula sa usapin ng pagsasaayos ng iskedyul ng mga gawain; masinsing pagpaplano; pagsasaperspektiba
ng ibat ibang analisis sa mga polisiya; pakikipag-ugnayan sa mga may hawak ng kapangyarihan hinggil
sa isyu; at pagtatakda ng tamang linya o pagkakasunod ng hakbang. Binanggit din ni Mizrah na hindi
dapat tinitingnan ang mga institusyong nagkikibit balikat sa mga isyu ng lipunan bilang isang lupon ng
tao na malugod na sumusunod sa nakakataas. Inilahad niya na may mga tao na madaling mapapasama sa
ipinaglalaban ng grupo dahil sa kaniyang personal na pananaw. Kung kayat, sinami ni Mizrah na may
pagbabagong maaaring umusbong mula sa kasalukuyang sistema. Tinalakay rin ng may-akda ang
kahalagahan ng media sa pag-o-organisa. Ito ay repleksiyon pa rin ng kung sino man ang may kontrol
nito. Kung kayat kalakhan pa rin ay tinitingnan ang mga isyu sa pamamagitan ng lente ng matatataas sa
lipunan. Bagamat detalyado at puno ng karanasan ang akda ni Mizrah, hindi maitatago ang katotohanan
na ang kalakhan sa laman nito ay tungkol sa mga kailangang gawin ng isang organisador. Malaki rin ang
tiwala nito na ang mga institusyong nangangalaga sa interes ng iilan ay maaaring mabago sa
pamamagitan ng
pagpupursugi ng mga tao sa loob nito. Sa akda na ito, naipakita ang mga dapat sandigan ng isang
organisador sa pagpapatindi pa ng paglaban ng mamamayan at ang pag-asa na may inside change na
maaaring mangyari sa lente ng may-akda.

Mendoza, M. (2011). Ideals in land rights advocacy. 10 basic steps in community organizing. Nakuha mula
sa http://www.angoc.org/wp-content/uploads/2010/07/19/ideas-in-action-for-land-rights-
advocacy/13-10-Basic-Steps-in-Community-Organizing.pdf

Tinalakay ni Mendoza dito ang napagkasunduang mga hakbang sa pag-o-organisa sa komunidad na


produkto ng isang pambansang pulong ng mga nasa larangan ng pag-o-organisa sa komunidad mula sa
mga lungsod at probinsiya. Nagkaroon ng kasunduan na may 10 naturang hakbang para masiguradong
maayos ang isang organisasyon mula sa perspektiba ng mga NGO o nongovernmental organizations.
Una, ipinakita dito ang kahalagahan ng pakikimuhay o integration. Ang pagkakaroon ng panglipunang
imbestigasyon o social investigation para malaman kung ano kultura ng mga tao rito. Tinatalakay dito
ang kahalagahan ng paglalahad ng mga isyung kinakaharap at kung paano ito tutugunan. Binanggit ni
Mendoza na ang pagbubuo ng grupo ng mga susing taong mula sa komunidad ay posible lamang kapag
kinakitaan na ng pagiging aktibo ang mga tao dito. Sa ganitong pagkakasunod-sunod ang isang
malakihang pulong ay nagiging posible. Ang isang magaling organisador, ayon kay Mendozaz ay
kayang ilatag ang mga maaaring maging iasta ng mga taong may impluwensiya o kontrol sa isyung
kinakaharap ng isang komunidad. Ang hakbang na ito ay para sa paghahanda sa ibat ibang porma ng
aksiyon at pagtatasa sa mga gawain. Kagaya ng mga nauna, ang ganitong perspektiba ay hindi
kumikiling sa katotohanang maaaring magmula rin sa mismong mga tao sa komunidad ang pag-o-
organisa. Tinitingnan nito ang mga NGO bilang tagapagdala ng kaligtasan kung kayat nagmumukhang
hindi organisado ang lahat ng komunidad sa ganitong pagrarason.

Schutz, A. & Sandy, M. (2011). Collective Action for Social Change: An Introduction to Community
Organizing. Palgrave Macmillan: New York. Nakuha mula sa
https://chisineu.files.wordpress.com/2014/08/aaron-schutz-marie-g-sandy-collective-action-for-
social-change_-an-introduction-to-community-organizing-palgrave-macmillan-2011.pdf

Tinatalakay sa librong ito ni Schutz at Sandy kung ano ang community organizing at kung ano ang
hindi nito saklaw. Mayroon itong pangkalahatang ideya patungkol sa kasaysayan ng pag-oorganisa sa
komunidad sa konteksto ng Amerika sa ika-20 siglo at mga kasong maaring pag-aralan na umiikot sa
sentral na ideya ng pag-oorganisa ng isang komunidad. Ang tono ng libro ay may sadya na turuan ang
mga mambabasa nito upang makapag-organisa ng mga komunidad sa pamamagitan ng mga sipi mula sa
mga naisulat na ng mga kilalang iskolar at pagbibigay ng mga halimbawang kaso at pagbibigay
kahulugan sa mga konsepto. Malaki ang papel ni Saul Alinsky sa pagkakasulat ng libro dahil maraming
punto at ideolohiya ang hiniram ng mga sumulat sa kanya kayat mas magiging makabuluhan ang pag-
unawa rito kung nabasa na ang iba pang naisulat ni Alinsky o hindi kayay pamilyar na sa kanya ang
mambabasa.

Stoecker, R. (2009). Community organizing and social change. Sage publications, Inc. , 8(1), 20-25.
Retrieved March 20, 2017, from jstor.org/stable/41959977.

Nakasaad sa artikulong ito na ang pag-oorganisa ng mga komunidad ay may gabay na prinsipyong
nakabatay sa pamumuno ng masa. Ang primaryang tunguin ng pag-oorganisa sa mga komunidad ay
hindi lamang makuha ang kapangyarihan at maging mapagpasya ngunit pati na rin ang pagpapaunlad sa
kakayahan na gamitin ang sinasabing lakas ng masa. Ang mga may gawaing mag-organisa sa
komunidad ay hindi lamang namumuno ng mga residente dito, kundi nanghahamig at nagmumulat din.
Ang tungkuling mapaintindi sa masa ang sarili nilang kalagayan at ipaalam ang nararapat na solusyon at
pagbabagong panlipunan na posibleng makamit hindi lamang ng kanilang komunidad ngunit pati na rin
ang buong bayan. Ang patuloy na pag-oorganisa sa mga komunidad na siyang nakararanas ng mga
kahindik-hindik na isyung panlipunan ay malaking ambag sa pagmumulat ng kanilang abanteng
kamalayan at maging instrumento sa pagsasalimbayan ng teorya at praktika.

You might also like