Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO

Marikina

Taong 1956 nang ang Marikina ay


simulang pamahayan ng mga
mamamayang gumagawa ng mga sapatos.
At hindinagtagal noong taong din na iyon
ay kinilala na itong kapitolyo ng mga
sapatos sa buong Pilipinas.

Noong Nobyembre 1975, nagawa


ang Metro Manila Commission sa ilalim ng
Presidential Decree No. 824 na naghahati sa
mga lunsod sa kamaynilaan at doon din
naideklarang ang Marikina ay opisyal na
naging bahagi ng National Capital Region o
ang kalakhang Maynila.

Ang katangitanging manipestasyon ng bayan ay ang kalinisan at ito ay hindi maikakaila


sa buong lunsod. Ang Marikina din ay organisado sa kanilang sistema at sa kasalukuyan ay
nakikipagsabayan sa makabagong teknolohiya na kapansin-pansin din sa loob ng kanilang
munisipyo. Lahat ng mga tao ay disiplinado at sumusunod sa mga batas na mahigpit na
ipinapatupad sa lunsod.

Etimolohiya ng Marikina

Base sa aking mga nasaliksik, napakaraming pinagmulan ng salitang Marikina. Subalit


dalawa lamang rito ang nakitaan ko ng pawang katotohanan.

Una ay ang batay sa kasaysayan at dokumento na nasa pag-iingat ng pamahalaang


bayan ng Marikina. Ang bayan ay unang tinawag na Marikit-na noong 1787 at di naglaon ay
ginawang Mariquina. Ayon kay Dr. Trinidad Pardo de Tavera, isang myembro ng Philippine
commission at isa sa nagtatag ng federal party, ang Mariquina ay ginamit para sa karangalan
ni Kapitan Berenguer de Mariquina na siyang namumuno sa ating bayan noong 1788.

Pangalawa ay batay sa pinakamaunlad na industriya sa Marikina. Kung saan sinasabi


na ang salitang Marikina ay hango sa marikit na sapatos. Sapagkat ang bayan ng Marikina ang
gumagawa ng magaganda, dekalidad, matibay at higit sa lahat ay world-class na mga
sapatos. Noong 1978 hanggang 1982, and mga sapatos na gawa sa Marikina ay humataw ang
bentahan sa Fifth Ave., New York City dahil dito nakilala ang Marikina hindi lamang sa Pilipinas
kung hindi sa buong mundo. Humigit kumulang 139 paggawaan na ng mga sapatos ang
naipatayo noong 1935. Noong 1983, ang Marikina ang nagpoprodyus ng pitumpot pitong
porsyento ng mga sapatos sa buong Pilipinas. Ngunit sa lahat ng tagumpay na ito, dumami ang
lumalaban sa paggawa ng sapatos. Nagkaroon pa ng mga isyu na ang ilang sapatos na
ibenebenta sa Pilipinas ay nagmula daw sa Estados Unidos pero sa katotohanan gawang
Marikina ito. Hindi na natin mai-aalis sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng colonial
mentality na mas binigyang-pansin ang produkto ng mga dayuhan.

Barangay Malanday

Ang kalupaan ay halos mababa at patag na may tigang na lupain sa paligid ng buong
komunidad na kung saan ginagamit ito ng mga magsasaka sa pagtatanim ng gulay.
Ang kabuuan ng barangay Malanday ay bilog at magandang komunidad na may tila
ba walang katapusang kalsada. Itoy mayroong hangganan kung saan ang Barangay
Concepcion sa hilagang-silangan, Barangay Sto. Nio sa timog-silangan, Barangay Jesus Dela
Pea sa timog-kanluran, at Lungsod ng Quezon sa hilagang-kanluran. Itoy may laki ng 1.2
kilometro mula sa Barangay Sto. Nio, na ngayon ay Marikina Poblacion at 5.2 kilometro mula sa
Quezon City.

Etimolohiya ng Malanday

Noong unang panahon, kay raming taon na ang nakalipas. Halos tatlumpung pamilya
na naninirahan sa bahaging timog ng marikina, kung saan ang ikinabubuhay nila ay
pangingisda, pagsasaka, at ang paggawa ng bilao. Ang bilao ay hugis bilog na parang
platong gawa sa mga maliliit na pilas ng kawayan, na siyang ginagamit ng mga magsasaka
para sa pag-aani ng mga pananim.ang produktong ito ay nagbigay ng malapit na
pagkakahawig sa hugis ng baryo kung saan ang mga residente ng lugar ay nakatira. Lumipas
ang panahon, ang obserbasyong ito ay naipasa na hanggang sa kasalukuyan, ang kanilang
lugar ay samakatuwid pinangalanang malanday na nangangahulugan ng isang bagay na
hugis bilog at patag. Sa tuwing nais ng mga tao bisitahin o pumunta sa lugar, ang terminong
malanday ang nakasanayang salita ng mga magsasaka na nagtratrabaho sa bukirin at ang
mga mangingisda sa timog-kanlurang lugar ng nayon. Ang salitang malanday ay naipasa
mula sa bibig ng mga dating residente magpahanggang sa ngayon, hanggang sa ito ay
naging opisyal na pangalan ng lugar.

Canlas, Ma. Kyla Joy E.


11-Newton

You might also like