Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Salazar,Roland Cydney

Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute

Tauhan

Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang salitang mabuti. Matatag sa
pagsubok sa buhay.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan ang paulit-ulit na
kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para sa ibang babae.
Bilog na Tauhan:
Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti at naging interesado sa
pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

Tagpuan

Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan

Banghay

Panimulang Pangyayari

Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya
itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito
siya bihasa.

Kasukdulan

Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan.
Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot.
Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay Gaya ng kanyang
ama!. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng
pilit at sinabing, Oo, gaya ng kanyang ama. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin
niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala,
napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at
suliranin ni Mabuti.
Kakalasan

Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa
ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.
Wakas

Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang
nagpagaan ng damdamin nito.
Ang Kalupi - Benjamin P. Pascual

Mga Tauhan:
Andres Reyes ang sinisi na kumuha ng kalupi.
Aling Martha (mga nasa 50, may asawa) ang may-ari ng kalupi.
Aling Gudyang (mga kaedad ni Aling Martha, isa ring ina) ang
nag-pautang kaibigan dahil nawalan ito ng pera.
Mamang Pulis ang nag-imbestiga sa pagkawala ng kalupi ni Aling
Martha.

Tagpuan
Naganap ang pangyayari sa palengke nang mabanga ni Andres Reyes si Aling Martha at nang-hingi ito ng
paumanhin. Pinagpasensyahan sya ni Aling Martha at pinag-iingat sa susunod.

Banghay

Kasukdulan:
Ang kasukdulan ng kwento ay ang pag-iimbistiga ng pulis kay Andres na naninindigang wala itong
ninanakaw kay Aling Martha at ang tangka nitong pagtakas at paglaban dahil sa pananakit sa kanya ng
matanda. Dahil dito naaksidente si Andres sa pagtakbo nya patawid sa kalsada.

Kakalasan:
Ang ng malaman ni Aling Martha na ang nawawala nyang kalupi ay nasa bahay. Dito naliwanagan ang
lahat ng ipayo ng pulis sa babae na tawagan sa kanilang bahay at alamin kung naiwanan nya ang kalupi
at nalaman nga na nakalimutan nyang bitbitin ng umalis ito sa bahay.

Wakas:
Kung ako magbibigay ng wakas sa kwento, gagawin ay bubuhayin ko si Andres Reyes, babayaran ng
nakasagasasa kanya ang bayarin sa ospital. Dadalawin sya ni Aling Martha at hihingi ng paumanhin sa
bata at ng malaman na ulila napala ito ay kukupkupin nya si Andres at papag-aralin. Habang ang pulis
naman ay mas mag-iingat sa pagpapatupad ng batas lalo na ang panghuhuli ng menor-de-edad ng wala
naming hustong batayan.

Mamumuhay ng Masaya si Andres sa pamilya ni Aling Martha. At nabayaran na rin nito ang
pagkakautang sa kanyang kumareng si Aling Gudyang.
TRIMEX COLLEGES INC.
Trojan Building, Poblacion, Binan City, Laguna

SALAZAR, ROLAND CYDNEY

FILIPINO 2
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

BSBA
SUBA5M1-17
SUNDAY
11:30-130

ANG PANGARAP KO AY MAGING ISANG


SIKAT AT HINAHANGAANG NEGOSYANTE

DR. ERNESTO C. CABERTE


PROPESOR

DR. ERNESTO C CABIRTE


PROPESOR

You might also like