Monologo Ni Jose Burgos

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sinturon ni Burgos

Pook: ang kanyang silid

Panahon: Enero 21, 1872, ilang oras bago siya aarestohin ng mga guwardiya sibil.

(Madilim ang entablado. Unti-untiy magkakaroon ng liwanag dala ng isang lamparang

nakapatong sa mesa. Sapat lamang ang liwanag nito upang masilayan ang kabuuan ng

mesa. Sa duloy may mga librong tungkol sa pilosopiya at teolohiya. Sa tuktok ng mga

itoy ang bibliya. Mapapansin din ang ilang piraso ng pluma na nakasawsaw sa bote ng

tinta. Sa tabiy ang takip ng bote at malapit ditoy mga kasulatan. Ang kalahati ng papel

ay natatakpan ng mga braso ng isang tao kung saan nakapatong ang noo nito. Siyay

natutulog. Maririnig ang taong ito na umuungol. Tila may mga salitang nais sabihin.)

Jose:(mahina) Gawing pantay ang mga karapatan

(Unti-untiy lalakas ang boses at itoy magigising.)

Jose: Ha? (Hihingalin. Lulunok at hihingang mabuti.) Nakaidlip pala ako.

(Pupunasan ni Jose ang kanyang mga mata. Tatayo at mag-uunat. Pagkakita sa mga

kasulatan, uupo siya at kanya itong kukunin. Nang simulan na niya itong basahin ay bigla

itong mapapasigaw.)

Jose: Ahas. Ahas.

(Tatayo sa kanyang upuan si Jose. Kukunin niya ang lampara at sisilipin kung ahas nga

ang naramdaman niya sa kanyang paanan.)

Jose: (tatawa) Ahas? Ang sinturon ko lang pala.

(Sabay lapag ng lampara sa mesa. Titingin siya sa may baywang.)


Jose: Kaya pala parang medyo maluwang ang suot ko. (Tatawa siyang muli.)

Kinabahan ako roon. Muntik nang malaglag ang puso ko.

(Tatawa hanggang sa siyay matitigil upang makahinga nang mabuti. Hahawakan ni Jose

ang sinturon sa magkabilang dulo. Ilalagay malapit sa lampara kung saan

mapapagmasdan niya itong mabuti. Pagkatapos, padadaanin niya sa kanyang mga daliri

ang sinturon. Kanya itong gagawin nang makailang beses.)

Jose: Kung tutuusin para ka ngang isang ahas sa unang tingin. (Tatawa muli.)

Paano ka nga ba natanggal sa pagkakatali mo? Hindi ko man lang ito napansin.

(Susubukin niyang ipatong ang kahabaan ng sinturon sa kahabaan ng kanyang braso na

tila ikinukumpara niya ito.)

Jose: Ang haba mo nga. Kasing haba mo ang haba ng inilaan ko sa aking pag-

aaral. Tama, halos dalawamput limang taon akong nag-aral. At sinong mag-aakala. Isang

napakasayang pakiramdam na malampasan mo ang lahat ng hirap dulot ng pag-aaral.

(Padadaanin ang kanyang mga daliri sa sinturon.)

Jose: Oo, malinaw na malinaw pa ang mga pakikipagdebatehan ko sa aking mga

propersor, ang mga gabing wala akong tulog na ang iniisip lang ay ang mga teoryang

dapat kong talakayin, ang mga umiinit na diskusyon na isang maling banggit mo lang sa

isang punto ay mahihirapan ka nang bumawi. Pero masaya naman ang naging kapalit

nito.

(Mabibitawan ni Jose ang sinturon sa mesa at mapapaurong sa kinauupuan. Ang kanyang

katawan na lang ang nakikita.)

Jose: Anong sabi mo? (Lalapit muli sa mesa hanggang sa makita muli ang

kanyang mukha.) Sinayang ko lang ang dalawamput limang taon ko sa pag-aaral?


(Kukunin ang sinturon habang tinititigan ito.) Kasalanan ba kung ninais kong

magpakadalubhasa? (Hihigpitan ang hawak at ilalapag nang padabog sa mesa.) Sabihin

mo. Sabihin mo nga. (Ilalapit niya ang kanyang mukha sa sinturon.) Mali ba na

maghangad ako na magkaroon ng mga lisensya sa mga kursong kinuha ko? Sa tingin mo

sinayang ko lang ang oras ko sa pag-intindi sa mga librong ito. (Sabay kuha sa mga

librong nasa mesa.)

(Ilalapag nang padabog sa katawan ng sinturon. Uupo ang padre.)

Jose: Sa tingin mo, walang naitulong ang pagsulong ko sa karapatang maging

pantay ng mga Pilipino? Kahit kailan hindi ko naatim na tratuhing mas mababang uri ang

kapwa ko. Ang mga pagtatangol ko sa mga Pilipino laban sa mga paratang ng mga

prayle, lalo ng kay Padre Coria. Kung alam mo lang kung gaano ko hinangad na mas

maraming katutubo ang makapasok sa kleriko at kung nanaisin man nilay maging

katulad kong padre.

(Mapapasuntok sa katawan ng sinturon na nasa mesa ang Padre.)

Jose: Kung hindi lang sana sakim sa kapangyarihan ang mga dayuhang ito, hindi

nila iisipin na oportunidad lang ito para sa mga katutubo upang makaahon sa kahirapan,

upang kanilang maiwasan ang buwis na sapilitang binabayaran, ang mga gawaing kusang

ipinatong sa kanila at kanilang pinagdurusahan. Hindi ito ang oportunidad na nais nilang

makamit. Ito ang oportunidad upang makapaglingkod sila, makapaglingkod kaming mga

Pilipino, sa ngalan ng Diyos. Sa tingin ba nilay wala kaming kakayahan upang maging

alagad ng Panginoon. (Tatawa.) Napakababaw nila para isipin ang bagay na iyon.

Napakababaw nila.

(Tatayo ang Padre sa kinauupuan.)


Jose: Bakit nila iniisip na ang pagsulong sa karapatang maging pantay ng mga

Pilipino sa kanila ay isang aksyong laban sa kanila? Itinuturo nila mula sa bibliya na ang

lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng Diyos pero sila mismo ang lumalabag nito.

(Magkakaroon ng panandaliang katahimikan.)

Jose: Ang mas masakit nitoy ang pang-aapak nila. Ang masaklap pa sa aking

pagkatao ay ang hindi ko man lang magawan ng paraan para mapabuti ang kalagayang

mayroon ang mga Pilipino, mayroon kami, ngayon. Sapat ba ang nagawa ko?

(Hindi namalayang naitali na pala ni Jose ang sinturon sa mga libro.)

Jose: Ahas. Ahas ka ngang talaga.

(Bibilisan niyang tangalin mula sa pagkakatali sa mga libro ang sinturon.)

Jose: Masyado kong hinigpitan ang paghawak ko sa sinturon ng aking mga

pangarap. Hindi ko namalayan na may mas mahalaga pa pala akong dapat gampanan.

(Aayusin niya ang mga librong inilapag kanina. Ilalagay niya ito sa dati nitong

kinalalagyan. At sa tuktok pa rin ipapatong ang bibliya. Mapapasandal sa kinauupuan

niya si Jose. Pagmamasdan niyang mabuti ang nilalaman ng mesa. At matapos ang ilang

saglit ay ibabaling ang paningin sa sinturon.)

Jose: Ngayon ngayon. Nararamdaman kong sandali na lang ang panahon ko. At

naiisip ko na sanay mas nailaan ko pa ang ilang bahagi ng aking buhay sa Sanay mas

maraming panahon pa ang naigugol ko sa pakikipaglaban ko sa mga hangarin ko sa

bayan.

(Maluluha ang Padre. Ngunit pipilitin niyang pigilan ito. Pupunasan niya ang ilang

luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Kukunin niya ang sinturon at pilit itong

sasakalin.)
Jose: Wala kang ipinagkaiba sa mga dayuhan. Mahilig kayong manuklaw.

(Ilalapag ang sinturon sa mesa at itoy tititigan lang ni Jose. Magkakaroon ng

katahimikan.)

Jose: Patawad Panginoon, sa hindi ko pagpigil ng aking damdamin. (Sandaling

katahimikan.) Wala rin namang mangyayari.

(Kanyang kukunin ang sinturon at itatali muli sa kanyang baywang. Siyay tatayo at

lalayo sa mesa. Ang sinturon na nakatali at ilang bahagi ng kanyang katawan na lang ang

nakikita. Lalapit muli siya sa mesa at mag-aanyo uling matutulog gaya nang kanina.

Saktong-sakto sa kanyang paningin ang mga librong kaninay kinuha at inilapag.)

Jose: Ang tapos ay tapos na at hindi na maibabalik pa. Hindi na dapat pang mag-

aksaya ng oras. Walang dapat masayang. Alam ko

(Madali niyang kakalasin sa pagkakatali mula sa baywang ang sinturon at kanyang itong

ihuhulog. Kukunin ng padre ang lampara.)

Jose: May panahon pa.

(Kukuha si Jose ng langis mula sa kanyang aparador. Kanya itong ilalagay sa lampara

para itoy magkaroon pa na mas malakas na liwanag. Madali siyang lalabas ng kanyang

silid. At magdidilim ang buong entablado.)

You might also like