EPP 1st Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Unang Markahang Pagsusulit EPP GRADE 5

Table of Specification
Pag- Apli- Eval-
Kaalaman Analysis Sintesis Kabuuan
Competency unawa kasyon wasyon
30% 30% 15% 15% 5% 5% 100%
. Agriculture
. Natatalakay ang pakikinabang sa pagtatanim ng
halamang gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan
. Nakapagsasagawa ng survey upang ,malaman
ang halamang gulay na maaaring itanim: ayon sa
lugar, panahon,pangangailangan, at gusto ng mga
mamimili na maaaring pagkakitaan
. Naipapakita ang mga paraan sa pagtatanim ng
gulay, pagpili ng itatanim,paggawa ng plano ng
plot o taniman
. Nakagagawa ng ng abonong organiko natatalakay
ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng
abonong organiko
. Naisasagawa ang masistimang panganaglaga ng
tanim na mga gulay pagdidilig, pagbubungkal
paglagay ng abonong organiko
. Naipapakita ang masistemang pag-aani ng tanim
. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at
kasangkapan na dapat ihanda upang
makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda
. Naisasakatuparan ang ginawang plano.
Naipakikitang wastong pamamaraan sa pag-
aalaga ng hatop na napiling alagaan nasusunod
ang mga tuntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan sa pag-aalaga nasusubaybayan
ang paglaki ng mga alagang hayop/isda gamit ang
isang talaan, nakgagawa ng balak ng
pagpaparami ng alagang hayop
. Naisasapamilihan ang inaalagaang
hayop/isdanakakagawa ng istratehiya sa
pagsasapamilihan,
pagbebenta sa palengke

Natutuos ang puhunan,gastos,at kita


k KABUUAN
PANUTO: Basahin ng maigi at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa paggawa ng balak sa pagpaparami ng hayop, ano ang dapat alamin?


A.Tukuyin kung anong uring hayop ang pararamihin. C. Lugar napaglalagyan
B. Bilang ng hayop na sisimulan D. Lahat ng nabanggit

2. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?


A. ito ay nakalilibang at dagdag na kita C. ito ay dagdag na hirap sa mag-anak
B. ito ay dagdag na gawain D. dagdag na gastos
3. Ang pagtatanim ng gulay ay nagiging_____________ ng mag-anak.
A. libangan B. napapagod C. kasipagan D. wala sa nabanggit
4. Anong lugar ang angkop sa pag-aalaga ng titik?
A. damuhan B. malapit sa tubig C. maraming bato n lupa D. lahat ng nabanggit
5. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay
sumangguni sa ______.?
A. kalendaryo ng pagtatanim C. talaan ng paghahalaman
B. imbentaryo ng kagamitan D. listahan ng mga gulay
6. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o direct
planting?
A. petsay B. repolyo C. okra D. kamatis
7. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang manatiling malusog ang mga manok?
A. maaliwalas na kulungan C. kalinisan
B. tamang pangangasiwa D. lahat ng nabanggit
8. Saan dapat itatayo ang palaisdaan?
A. sa mainit na lugar C. sa malayong lugar
B. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig D. sa malayo sa tirahan
9. Mahalaga ang ________ sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito.
Alin sa mga ito ang kailangan ng halaman?
A. pataba B. mga damo C. tubig D. compost pit
10. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito?
A. lagyan ng langis C. lagyan ng buhangin
B. lagyan ng damo D. lagyan ng pataba
11. Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay itong maayos sa ______.
A. tamang taniman B. tamang punlaan C. bukid D. malapit sa ilog

12. Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
A. gumawa ng survey ng itatanim
B. gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
C. gumawa ng listahan ng buto
D. gumawa ng listahan ng kagamitan
13. Ano ang ginagamit sa paglilipat ng punla sa tamang taniman?
A. asarol B. piko C. dulos D. tinidor
14. Ano ang mga inilalagay sa isang compost?
A. dumi ng hayop, balat ng prutas, balat ng gulay C. dayami, damo,sanga
B. diyaryo, papel, bote D. papel, sanga, plastic
15. Anong hayop ang inaalagaan upang makagawa ng balut?
A.pugo B. sisiw C. itik D. wala sa nabanggit
16. Ano ang gagamitin mo sa pagdidilig ng halaman?
A. regadera B. piko C. asarol D. tinidor
17. Ito ay ang tawag sa halaga ng inyong binibiling gulay o isda?
A. presyo B. tubo C. kita D. puhunan
18. Paano natin malalaman kung ang pananim ay malapit ng anihin?
A. ito ay mabango C. ito ay dilaw
B. ito ay may tamang laki D. wala sa nabanggit
19. Nais ni Lito na magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at
karbohydrato. Alin sa mga ito ang dapat piliin?
A. gabi at kamote b. sitaw at bataw c. upo at patola d. rambutan at lansones

20. Kailan dapat nag-aani ng gulay?


A. tanghali C. umaga bago sumikat ang araw
B. hapon D. paglubog ng araw
21. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy kung ikaw ay kumita o nalugi?
A. talaan ng ginastos at kinita C. talaan ng bibilhin
B. talaan ng materyales D. talaan ng budget
22. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging
maayos at matagumpay ang kanyang pagtitinda?
A. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
B. magsuot ng lumang damit
C. makipagtalo sa mamimil
D. bawalan ang bumibili na hawakan ang paninda
23. Nais mong mag-alaga ng manok, ano ang dapat mong ihanda?
A. buto ng mais B. kasangkapan C. lugar D. patuka
26. Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag- alaga ng tilapia?
A. dahil madali ng hulihin ito C. dahil malaki ito
B. dahil madaling pakainin at paramihin D. dahil maraming nag-uulam nito
27. Aling hayop ang mainam pagkunan ng karne?
A. bibe B. baka C. itik D. pugo
28. Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran?
A. tilapia B. hito C. timbungan D. galunggong
29. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng
hayop na aalagaan?
A. magasin B. aklat C. internet D. diyaryo
30. Bukod sa baka, anong hayop ang maaring mapagkunan ng gatas?
A. kalabaw B. baboy C. manok D. itik
31. Napansin mong mabagal lumaki ang iyong mga alagang manok, ano ang dapat
mong gawin?
A. pakainin ng labis C. pabayaan ito
B. bigyan ng bitamina at mineral D. painumin ng tubig
32. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang manatiling malusog ang mga manok?
A. maaliwalas na kulungan C. kalinisan
B. tamang pangangasiwa D. lahat ng nabanggit
33. Ano ang kailangan ng isang kulungan ng manok?
A. malamig at presko B. masikip C. mainit D. marumi
34. Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok kailangan ito ay_____.
A. malusog B. sakitin C. payat D. wala sa nabanggit
35. Sa paanong paraan ipinagsasapamilihan/ pagbebenta ng mga produkto?
A. pagpapautang C. barter
B. tingian/pakyawan D. wala sa nabanggit
36. Saang lugar ipasasapamilihan ang mga mag alagang hayop?
A. sa palengke C. sa hardware
B. sa department D. sa tabi

37.Nagbabalak mag-alaga ng kambing si carlito, ano ang dapat niyang gawin?


A. piliin ang kambing na malaki C. piliin ang kambing na walang sungay
B.piliin ang kambing na may magandang lahi D. piliin ang kambing na maliit

38. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?

A.Ito ay nakalilibang at dagdag na kita C.Ito ay dagdag na hirap sa mag-anak


B.Ito ay dagdag na gawain D. Dagdag na gastos
39.Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubunkal ng lupang
taniman. Alin sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin?
A .Asarol B. tinidor C. Kalaykay D. Trowel o dulos
40. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagpapatag ng tamang taniman matapos
itong bungkalin?
A.Piko B.Trowel o dulos C. Kalaykay D. Asarol
41. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan.
A.Composting B. Compost pit C. Hukay D. Basket
composting
42.Ano ang kailanagn ng isang kulungan ng manok?

A. malamig at presko B. masikip C. mainit D. marumi

43.Naisipan ni Lance na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano
ang kagamitan ang dapat niyang gamitin?
A. kartilya B. itak C. bareta D. lata
44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI alituntunin sa pag-aalaga ng hayop?
A. ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila
B. biglaing hawakan ang hayop
C. lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan
D. magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain
45.Ito ang uri ng isdang maitim ang balat, madulas at may balbas
A. hito B. bangus C. karpa D. galunggong
46. Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman?
A. iwanan B. pabayaan C. ligpitin D. itapon
47.kailan dapat ilipat ilipat ang punla sa tamang taniman?
A. hapon B. tanghali C. gabi D. wala sa nabanggit

III. Ipaliwanag. (3 puntos)


48-50. Paano mo malalaman kung ikaw ay kumita o nalugi sa ginawang mong pag-
aalaga ng hayop?

You might also like