100 Na Bugtong

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 101

College for Research and Technology

Burgos Avenue, Cabanatuan City, Nueva Ecija

Ipinasa nina:

Angelica V. Bauto
Cherry Ann T. Moises
Maureen Kate P. Fundano
Josilou Padilla
John Reindel G. Horcida
Alfred Lim C. Palomo
BSAT2

Ipinasa kay:

Gng. Fely Gervacio


(Guro)
Bugtong #1

Binili ko nang di kagustuhan,


Ginamit ko nang di nalalaman.

Sagot: Kabaong
Bugtong#2

May binti walang hita,


May tuktok walang mukha.

Sagot: Kabute
Bugtong#3
Ang inay gumagapang pa,
Ang anak ay umuupo na.

Sagot: Kalabasa
Bugtong#4
Bugtong kong sapin sapin,
Nakasabit, nakabitin,
Araw araw kung bilangin,
Isang taon kung tapusin.

Sagot: Kalendaryo
Bugtong#5

Putukan nang putukan,


hindi nag kakarinigan.

Sagot: Kampana
Bugtong#6
Akoy may kasama sa pahingi ng awa;
akoy di umiyak, siya ay lumuha.

Sagot: Kandila
Bugtong#7
Isang reynang maraming mata
nasa gitna ang mga espada.

Sagot: PINYA
Bugtong#8
Butot balat lumilipad.

Sagot: Saranggola
Bugtong#9

Hiyas akong mabilog,


sa daliri isinusuot

Sagot: SingSing
Bugtong#10
Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.

Sagot: Sinturon
Bugtong#11
Nang munti pa at paruparo,
nang lumaki ay latigo.

Sagot: Sitaw
Bugtong#12
Utusan kong walang paat bibig,
sa lihim koy siyang naghahatid,
pag-inutusay di na babalik.

Sagot:Sobre
Bugtong#13
Aling bagay sa mundo,
ang inilalakad ay ulo?

Sagot: Suso
Bugtong#14

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: Ampalaya
Bugtong#15

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: Siper
Bugtong#16

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot:Gamu-Gamo
Bugtong#17

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: Gumamela
Bugtong#18

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: Kulambo
Bugtong#19

Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot:Kuliglig
Bugtong#20

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot:Paru-paro
Bugtong#21

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot:Tenga
Bugtong#22

Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: Ballpen
Bugtong#23

Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo.

Sagot: Pusa
Bugtong#24

Itim na tinta ang panulat,


ng milyong kamay na kagulat-gulat.

Sagot: Pusit
Bugtong#25

Makina kong si Maheno,


nasa puwit ang preno

Sagot: Karayom at sinulid


Bugtong#26

Dalawang magkaibigan,
habulan nang habulan.

Sagot: Paa
Bugtong#27

Balat berde, buto itim,


laman pula, turingan mo
kung sino siya.

Sagot: Pakwan
Bugtong#28

Baston ng kapitan,
Hindi mahawakan.

Sagot: Ahas
Bugtong#29

Isang hayop na maliit,


dumudumi ng sinulid

Sagot: Gagamba
Bugtong#30

Nagsaing si Judas,
kinuha ang hugas,
itinapon ang bigas.

Sagot:Gata
Bugtong#31

Malaki kung bata,


maliit kung matanda dahil sa kahahasa.
Sagot: Gulok o itak
Bugtong#32

Payong ko sa Maynila,
Hindi mabasa-basa.

Sagot: Dahon ng gabi


Bugtong#33
Heto na si Ingkong
nakaupo sa lusong.

Sagot: Kasoy
Bugtong#34
Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.

Sagot: Mata
Bugtong#35
Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.

Sagot: Aso
Bugtong#36
May puno walang bunga
may dahon walang sanga.

Sagot: sandok
Bugtong#37
Nagbibigay na'y
sinasakal pa.

Sagot: BOTE
Bugtong#38
Isda ko sa Maribeles
nasa loob ang kaliskis

Sagot: Sili
Bugtong#39
Hayan na si kaka bukaka ng bukaka

Sagot: Gunting
Bugtong#40
Pinatay ko na binaril ko pa.

Sagot: Kamatis
Bugtong#41
Nagtago si Juan nakalabas ang ulo

Sagot: Pako
Bugtong#42
Isang balon malalim punong-puno ng patalim

Sagot: Bibig
Bugtong#43
Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.

Sagot: ATIS
Bugtong#44
Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako

Sagot: Durian
Bugtong#45

Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

Sagot: sapatos
Bugtong#46

Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

Sagot: langgam
Bugtong#47

Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ilaw
Bugtong#48

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril
Bugtong#49
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya
Bugtong#50

Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta
Bugtong#51

Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas
Bugtong#52

Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: Posporo
Bugtong#53

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig
Bugtong#54

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo
Bugtong#55
Hindi Linggo,
hindi piyesta,
naglawit ang bandera.

Sagot: Dahon ng saging


Bugtong#56
Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.

Sagot: Salapi (pera)


Bugtong#57
Bagama't nakatakip,
ay naisisilip.

Sagot: Salamin ng mata


Bugtong#58
Hindi naman hari, hindi naman pare,
nagsusuot ng sarisari.

Sagot: Sampayan
Bugtong#59

Sinampal ko muna
bago inalok.

Sagot: Sampalok
Bugtong#60

Alipin ng hari,
hindi makalakad,
kung hindi itali.

Sagot: Sapatos
Bugtong#61

Baboy ko sa parang,
namumula sa tapang.

Sagot: Sili
Bugtong#62

Walang sala ay ginapos


tinapakan pagkatapos.

Sagot: Sapatos
Bugtong#63

Isang panyong parisukat,


kung buksa'y nakakausap.

Sagot: Sulat
Bugtong#64

Usbong ng usbong,
hindi naman nagdadahon.

Sagot: Sungay ng Usa


Bugtong#65

Pitong bundok, pitong lubak,


tigpitong anak.

Sagot: Sungkahan
Bugtong#66

Dalawang punsu-punsuhan,
ang laman ay kaligtasan.

Sagot: Suso ng Ina


Bugtong#67

Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.

Sagot: Bangka
Bugtong#68

Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga


matsing.

Sagot: Kampana
Bugtong#69

Ang paay apat, hindi makalakad.

Sagot: Mesa
Bugtong#70

Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.

Sagot: Buwan
Bugtong#71

Ang alaga kong hugis bilog,


barya-barya ang laman-loob.

Sagot: Alkansiya
Bugtong#72

Ako ay may kaibigan,


kasama ko kahit saan.

Sagot: Anino
Bugtong#73

Palda ni Santa Maria.


Ang kulay ay iba-iba.

Sagot: Bahaghari
Bugtong#74

Sa liwanag ay hindi mo makita.


Sa dilim ay maliwanag sila.

Sagot: Bituin
Bugtong#75

Hindi akin hindi iyo ari ng lahat ng tao.

Sagot: Mundo
Bugtong#76

Hindi tao, hindi ibon.


Bumabalik pag itapon.

Sagot: Yoyo
Bugtong#77
Bahay ni Tinyente,
Nag-iisa ang poste.

Sagot: Payong
Bugtong#78

Kumpul-kumpol na uling,
hayon at bibitin-bitin.

Sagot: Duhat
Bugtong#79

May langit May lupa


May tubig Walang isda.

Sagot: Buko
Bugtong#80

Bahay ni Mang Pedro,


punong-puno ng bato.

Sagot: Papaya
Bugtong#81

Ang manok kong pula Umakyat sa puno ng sampaka


Ng umuwi ay gabi na.

Sagot: Araw
Bugtong#82

Isang suman, Magdamag kong tanuran.

Sagot: Unan
Bugtong#83

Isang baklita,
Nakaupo sa papa.

Sagot: Laptop
Bugtong#84

Mahaba't matigas,
Nang sinubo'y kumatas.

Sagot: Ice Candy


Bugtong#85

Malaki at maumbok,
hinimas bago pumasok.

Sagot: Doorknob
Bugtong#86

"Masaya ako dahil marami akong date."

Sagot: Kalendaryo
Bugtong#87

"Ginagawa ko lahat para sumaya ka... Mahirap ba


talaga makuntento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?"

Sagot: TV (Television)
Bugtong#88

"Nilapirot ko nang nilapirot, saka ko isinundot."

Sagot: Sinulid at Karayom


Bugtong#89

Bakit mo ko binibitin, kung kelan kainitan at basang-


basa ako.

Sagot: Sampayan
Bugtong#90

"Hala sige magpakasasa ka, Alam ko naman katawan


ko lang ang habol mo."

Sagot:Hipon
Bugtong#91

"Bwisit na buhay ito, itlog, itlog, araw-araw na lang


itlog.

Sagot: Brief
Bugtong#92

Ibuka at higupin sungkitin bago kainin

Sagot:Tahong
Bugtong#93

Ipinasok na lambutin matigas nang hughutin.


Sagot:yelo
Bugtong#94

Ang duloy mapula puti ang ibinubuga.

Sagot: Sigarilyo
Bugtong#95

Patok sa takilya
Hindi naman pelikula,
Pinipilahan ng gutom na masa

Sagot: NFA rice


Bugtong#96

Pagkagat nang madiin,


Naiiwan ang ngipin.

Sagot: stapler
Bugtong#97

Duguang buhok ni Leticia


Sinipsip ng kaniyang bisita.

Sagot: spaghetti
Bugtong#98

Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

Sagot: sinturon
Bugtong#99

Nakasabit, nakabitin,
Araw araw kung bilangin,
Isang taon kung tapusin.

Sagot: Kalendaryo
Bugtong#100

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos

You might also like