Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mikyo Mikrobyo

Sa Barangay Matubis, may isang bata na kakaiba sa lahat. Si Mikyo ay pitong

taong gulang. Mahilig siyang maglaro gaya ng saranggola, tumbang preso at

patintero. Marami siyang kaibigan pero ang pinakamalapit sa kaniya ay si

Budoy. Madalas silang mamasyal sa ilog. Nanghuhuli sila ng maliliit na isda at

gagamba. Isang araw ay umakyat si Mikyo at Budoy sa punong mangga

upang doon ay tumambay. Mikyo!! Umuwi ka na ngang bata ka! Naku!

Malilintikan ka talaga sa akin! sigaw ng kaniyang nanay. Tumakbo nang mabilis

si Mikyo tungo sa kanilang bahay. kung saan ka nanaman nagsusuot anak.

Hali ka na at paliliguan na kita bago mananghalian. Ani ng kaniyang nanay.

Ayaw ko Inay, nilalamig ako pag naliligo. Ayaw ko inay! takot na sabi ni Mikyo.

ilang araw ka nang hindi naliligo. Mangangati ang katawan mo dahil sa

mikrobyo. Pero kung iyan ang gusto mo, sige kumain ka na at pagkatapos ay

magsipilyo ka na ha. Ani ng kaniyang nanay. Marami ang kinain ni Mikyo.

Sarap na sarap siya sa prinitong tilapia. Pagkatapos niyang kumain ay agad

siyang lumabas ng bahay para maglaro. Natutuwa siya dahil hindi siya nahuli

ng nanay niya na hindi nagsipilyo. Ayaw na ayaw ni Mikyo magsipilyo dahil

maanghanghang daw ang toothpaste. Ilang araw na rin siyang hindi naliligo

kahit anong pilit ng nanay niya. Maghapon na naglaro si Mikyo at Budoy, kung

saan-saan sila nakarating. Napagpasiyahan na nilang umuwi dahil baka

hinahanap na sila ng kanilang nanay. Pagkatapos maghapunan ay natulog na


si Mikyo. Mahimbing ang tulog ni Mikyo ngunit bigla siyang nagising dahil sa

ingay. Pagbangon niya ay natakot siya sa nakita. Isang basurang halimaw ang

tumambad sa kaniya. Bigla siya nitong dinampot at dinala sa isang lugar na

puno ng basura at sobrang baho. Marami pang ibang bata ang kaniyang

nakita, lahat ito ay umiiyak. kayong mga bata ay nabibilang na sa amin. Hindi

kayo naliligo at sobrang baho niyo na rin. Kaya simula ngayon ay magiging

mga batang mikrobyo na kayo. Ahahhahahaa! natakot si Mikyo kaya

nagtatakbo siya pauwi ng bahay. Kumatok siya sa pinto. hala! May batang

mikrobyo! Umalis ka nga rito! Ang baho mo!!! pagtataboy ng kaniyang ina.

Umiyak nang umiyak si Mikyo dahil hindi siya nakilala ng kaniyang ina.

Nagpunta siya sa bahay ni Budoy upang humingi na tulong ngunit

pinagtabuyan din siya nito dahil nababalot na siya ng basura kaya hindi na

makilala. Hindi alam ni Mikyo ang gagawin kaya umakyat na lamang siya sa

puno na madalas nilang tambayan. huhhuhuhu. Sana pala ay nakinig ako

kay nanay. Dapat pala naging malinis ako sa aking pangangatawan.

Huhuhuhu. Pagsisisi ni Mikyo. Nagtungo siya sa ilog upang maligo ngunit hindi

maalis ang mga dumi. Mikyo! Gising na! anak! Andiyan na ang tatay mo.

Nagising si Mikyo. hala! Panaginip lang pala! sigaw ni Mikyo. Mabilis na

niyakap niya ang kaniyang nanay at tatay at kinuwento ang panaginip. Labis

na nagsisi si Mikyo. Kaya mula noon ay pinanatili na niyang malinis ang

kaniyang katawan.

You might also like