Konsepto NG Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan :________________________________________Petsa ______________

Filipino sa Piling Larang Akademik

I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)
1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa
paraang nakalimbag.
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalita
D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at
pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga
pangyayaring aktwal na naganap.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong
pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung
hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard
hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
_____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon
ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
_____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na
kwestiyonable.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat
ng mga pananaliksik na ginawa ng ibat ibang mga iskolar hinggil sa ibat
ibang mga disiplina.

You might also like