Professional Documents
Culture Documents
Ang Paniniwala Sa Usog Mula Noon Hanggan
Ang Paniniwala Sa Usog Mula Noon Hanggan
Lorido, Divine Claire; Batallones, Mary Sherian; Calauad, Kate Ayra; Gacayan,
Karen Ann; Puno, Reb Madeleine
Thesis Statement:
I. Kaligiran
II. Salita
A. Etymology
III. Kalikasan
A. Sanhi
B. Sintomas
C. Biktima
D. Panlaban sa Usog
Bakit hanggang sa kasalukuyan patuloy pa ring naniniwala ang mga Pilipino sa Usog?
Alin nga ba ang mas dapat paniwalaan ng mga Pilipino: ang ideya ng usog (mystical
theory of illness causation) o ang paliwanag ng Agham (naturalistic theory of illness causation)?
ANG PANINIWALA SA USOG MULA NOON HANGGANG SA KASALUKUYAN
samut saring mga kaugalian ang isinisagawa ng mga Pilipino, sa kadahilanang ito ang
sinasabing nakagawian ng mga matatanda. Dagdag pa rito, hindi mawawala sa paniniwala natin
ang mga mga elementong supernatural tulad ng aswang, dwende, maligno, at kung anu-ano pang
tradisyong ito ay unti-unti nang nawawala buhat na rin ng mas maginhawang pamamaraan ng
KALIGIRAN
Bago pa lamang dumating ang mga Espanyol naniniwala na ang mga Pilipino sa mga
supernatural na mga nilalang o mga masasamang espiritu gaya ng mga aswang, manggagaway,
Sa pagkawala ng mga babaylan dahil sa panahon ng Espanyol, pumalit ang mga tawak,
masasamang espiritu at mga nagbibigay lunas dito. At isa sa mga pagkakasakit na mula raw sa
Mayroong tatlong paniniwala sa ibat ibang panig ng mundo ang maaring maihalintulad
sa usog ng Pilipinas: ang mal de ojo ng Spain, hot and cold theory ng Mexico at Yin-yang
ng China.
Ayon sa pag-aaral ni Martinez (2011), ang mal de ojo o evil eye ay pinaniniwalaang
Malaki ang naging impluwensya ng evil eye sa mga bansang nakasalamuha ng Espanyol,
Isinasaaad ng teorya ng hot and cold, na nasa maayos na kalusugan ang isang tao kapag
balanse ang mga elementong init at lamig. Ang bawat sakit maaring mainit o malamig at ang
lunas ay kasalungat na temperatura ng sakit. Ginagawa ito upang magiging balanse ang
Sa isang banda ang yin-yang ay tungkol sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino sa kung
paano nagaganap ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid. Sinisimbolo ng Yin ang babae,
negatibong enerhiya gaya ng kalamigan, kawalan, at kadiliman; samantala ang Yang ay para sa
lalaki, positibong enerhiya tulad ng kainitan, kabuuan, at kaliwanagan. (Riordan and Wambach,
2010).
At ang panghuli ay ang usog, marahil ito ang Pilipinong bersyon ng mal de ojo, ang
kanilang kalikasan ay hindi nagkakalayo sa isat isa gaya ng sanhi, biktima, at ilang mga bagay
panlaban dito.
ang nakaapekto sa atin at ang pagkawala ng balanse sa isat isa ay maaring magdulot ng
Sa Pilipinas, may ibat ibang salitang ginagamit ng mga ethnolinguistic group bilang ng
salitang usog.
Ilan sa mga ito ang balis sa mga Bikol, sa mga taga-Iloilo naman ay tuyaw, pasu simid sa
mga Muslim Tausug, buyag sa mga Cebuano, sa mga Benguet Igorot naman ay mantala,
Mindoro naman tinatawag itong gahoy, nabati at uhiya sa mga Tagalog, at makablawaan sa mga
Marahil laganap sa buong bansa ang paniniwala sa ideya ng usog, sapagkat mula Luzon
kasalukuyan.
SALITA
Etymology
Ayon sa ulat ni Dr. Elizabeth Eliaga sa History of Philippine Medicine (2002), may
mgapaniniwalang Pilipino na ginagawa noong pre-Spanish period tulad ng ang usog at buyag na
somebody else with strong powers than the afflicted. To relieve the suffering they
usually request that person to rub his/her saliva on the knees of the affected
individual.
Buyag It is believed that when an old individual pays special attention and
appreciation on the physical build of a child the parents or the one holding the
child should utter pwera buyag with the belief that the health of the child wont be
Sa isang term paper naman sa Medical Anthropology ni Suzanna Rodriguez noong 1985
na may pamagat na The Concepts of Usog in a Philippine Barrio, binigyang kahulugan ang
A person who comes to work tired, hungry, and perspiring is said to have
A victim usually suffers a stomachache, nausea, diarrhea, fever, cold sweat and in
some cases, sore in the neck and a general feeling of weakness. And the best way
to cure usog is by making the inflictor wet his finger with his own saliva and
Sa isang serbey naman sa Wika, Kultura, at Lipunan ni Abigail Bollas (2012 p. 4-5) na
may pamagat na Naniniwala Pa Ba ang mga Bagets sa Usog?, binigyan kahulugan ng mga
Kung susuriin ang tatlong depinisyon ng usog mula noong pre-Spanish period hanggang
ngayon 21st century masasabing hindi nagbago ang ideya ng usog sa mga Pilipino, marahil
Ang usog ay pagbati sa isang tao kung saan nagkakaroon paglipat ng enerhiya mula sa
mas malakas patungo sa mas mahina na karaniwang nagdudulot ng sakit ng tiyan at ang lunas
Kung pagbabasehan ang mga kahulugan mula sa mga diksyunaryo ito ang sinasabing
depinisyon ng usog.
KALIKASAN
Sanhi
Na-uusog ang isang tao kapag nagkaroon siya ng interaksyon (Hal. pagbati, pagtitig) sa
isang tao na may malakas na usog. Sinasabing nakakausog rin kapag ang nakausog siya ay
pagod, gutom, at matagal na naglagi sa sikat ng araw o bilaran. At nangyayari lamang ang usog
Nakukuha naman raw ng nakakausog ang kapangyarihan nito kapag sila ay nausog na rin
dati o kaya ay kung malakas ng usog minana nila mula sa kanilang magulang.
Sintomas
Masasabing nausog ang isang tao kapag nakakaramdam siya ng pananakit ng tyan,
panghihina, panlalamig ng tenga, pagkahilo at kung minsan ay lagnat, pagsakit ng ulo at
pagsusuka.
Biktima
Bata na may edad na sanggol hanggang 7-anyos ang karaniwang biktima ng usog dahil
sila ay may mahinang enerhiya o weak blood, madalas silang nababati ng mga matatanda. Dala
Panlaban sa Usog
Maraming ginagamit o ginagawa ang mga Pilipino bilang pang-iwas sa usog, ilan sa mga
ito ang: pagsambit ng Pwera usog, paglalagay ng lipstick sa noo ng sanggol, at pagkakabit ng
Kapag naman nausog, nilalawayan ang bahagi ng katawan nito madalas ay sa noo, at
tiyan. Ang iba naman ay kumukonsulta sa mga albularyo, espiritista o nagtatawas upang
usog. Ang dahilan nila ay sila raw mismo ay nakaranas na kung paano mausog at may mga
kinalakhan. Ang sabi naman ng iba ay nakasanayan na sa kultura nating mga Pilipino ang
paniniwala sa penomenon ng usog bago pa dumating ang siyensiya kaya naman hanggang sa
kasalukuyan ay buhay pa rin sa ating kultura ang paniniwalang ito (Bollas, 2012).
Maliban dito, masasabi ring ang mga paniniwala tulad ng usog ay nananatili pa rin sa
ating mga Pilipino dahil sa kakulangan ng kongkretong eksplanasyon sa ibat ibang sakit na
Wala namang mawawala sa iyo kung maniniwala ka, ang kataga na isa ring posibleng
dahilan kung bakit patuloy ang paniniwala ng mga tao sa usog. Iginigiit ng mga Pilipino na mas
makabubuting paniniwalaan ang isang bagay kaysa balewalain na lamang ito, lalo na kung
napatunayan nga nilang mabisa ang mga panlunas sa usog at tuluyan na nilang paniniwalaan ang
ideya nito.
Argumentasyon
Walang tiyak na dahilan kung bakit naniniwala ang mga Pilipino sa usog. Malaking
palaisipan ang patuloy na pagtanggap natin sa ideya ng pagkakasakit dulot ng mga supernatural o
mga mystical na nilalang gaya ng usog kaysa sa paliwanag ng Agham na mula sa mga pag-
eeksperimento at pag-aaral.
Samakatuwid, alin nga ba ang mas dapat paniwalaan ng mga Pilipino: ang ideya ng usog
(mystical theory of illness causation) o ang paliwanag ng Agham (naturalistic theory of illness
causation)?
Isang rason kung bakit ganito ang naging pananaw nila ay dahil sa paglaganap at paggamit ng
mga kanluraning pamamaraan ng panggagamot dahil ito raw ay mas epektibo at angkop sa
kasalukuyan. Ngunit, dapat nga ba talaga nating paniwalaan na hindi epektibo ang mga
tradisyonal na panggagamot?
Makikita rito na sila ay hindi mga taong pinaniniwala lamang tayo sa mga supernatural
forces, kundi mga taong na may abilidad na gamutin ang ilang sakit na hindi kaya ng mga
propesyunal.
Bakit nga ba dapat pa rin tayong maniwala sa mga usog at sa iba pang tradisyonal na
paniniwala? Isa sa mga konseptong maaaring kaugnay nito ay ang social interactionism.
Tinitignan nito ang paraan kung paanong nakikipag-ugnayan ang tao para mahubog ang mga
ideya at opinyon tungkol sa kalusugan at mga sakit. Ilan sa mga nakitang dahilan ay ang
pinagmulan ng mga ideyang ito tulad ng pamilya, komunidad, mga tradisyonal na manggagamot,
at ang mga health professionals. Sa tinagal-tagal na namuhay ang mga tao sa paniniwalang ito,
Ayon kay Murdock (n.d.), ang mga teorya ng pagkakaroon ng mga sakit na mahirap
mga bagay na ginawa o ginagawa ng nagkasakit. Bukod pa rito, sinasabi rin na ang pagkakaroon
ng anting-anting at ng mga medicinal plants. At kung ang mga bagay ay sinasabing may
kapangyarihan maging epektibo, hindi mahirap isipin kung bakit ang mga tao ay pinaniniwalaan
rin na makapagdudulot ng sakit sa ibang tao, hindi man nila naisin ito.
Walang katunayan ang sinasabing walang katotohanan ang mga paniniwalaang ito ng
mga Pilipino. Ang mga paniniwala at panggagamot na ito ay maaaring may magandang dulot sa
mga tao at maaaring maging epektibo upang magpagaling ng ilang sakit, subalit hindi sila
tinatanggap ng Agham.
Kung atin naman itong titignan sa perspektibo ng Agham, walang siyentipikong basehan
ang usog.
Isang documentary sa ABS-CBN, ang Verum Est tinalakay nito ang siyentipikong
paliwanag kung bakit nanghihina ang isang taong nausog. Ayon sa kanya:
Kung titignan natin ang gutom o pagod, ang tao sa panahon na iyan, ay wala
siyang energy. Wala siyang lakas. Sa pagbabati niya na iyon sa bata o sa may
edad na, ang teorya ay nakukuha niya ang energy o nahihigop niya.
Ngunit iba naman ang sabi ng isang medikal doktor sa Amang Rodriguez Medical Center
Natural lamang sa isang tao na may sakit ang gumaling nang kusa, sadya talaga
itong nangyayari at hindi sapat na dahilan ang pagpapahid lamang ng laway.
madaling maipasa gamit ang laway, gaya ng lagnat, sipon, swine flu, beke,
Maaari rin nating tingnan ang usog gamit ang perspektibo ng naturalistic theory of
illness causation. Ayon dito, malaki ang ginagampanang parte ng kalikasan sa kalusugan ng
isang tao. Kailangan na magkaroon balanse at kung hindi, maaari itong magdulot ng sakit.
Sinasabi dito na mayroong panlabas na dahilan kung bakit nagkakasakit ang isang tao.
Marahil ito ay dahil sa kinakain ng isang tao o sa mga ginagawa nito. Maari ring ang
taong nausog ay sadyang masama lamang ang pakiramdam dulot ng kanyang nakain at hindi
dahil sa pagbati ng isang tao. Isa rin sa mga sinabi dito sa teorya ay maaaring magdulot ng sakit
KONKLUSYON
masasamang espiritu at isa rito ang usog. At sa buong mundo mayroong tatlong konseptong
Ang usog ay pagbati sa isang bata kung saan nagkakaroon paglipat ng enerhiya na
karaniwang nagdudulot ng sakit ng tiyan at ang madalas na lunas ay ang pagpapahid ng laway ng
nakausog sa nausog.
Sa nagbabagong mundo, nanatili pa rin sa mga Pilipino ang ideya ng usog dahil na rin sa
At bakit nga ba patuloy pa ring naniniwala tayo sa mga supernatural at hindi sa Agham?
Hindi rin natin alam, ang sagot ay nakasalalay sa bawat isa, dahil ang ibang Pilipino ay tuluyan
naman ay nanatili pa rin sa paniniwala natin bago pa man tayo sinakop ng mga dayuhan.
MGA SANGGUNIAN:
Bollas, A. A. (2012). Naniniwala pa ba ang mga bagets sa usog? (Paper). 11October. Retrieved
https://www.academia.edu/4123281/Naniniwala_Pa_Ba_ang_mga_Bagets_sa_Usog?
Dayrit, C. S., Ocampo, P. D., & De la Cruz, E. R. (2002). History of Philippine medicine 1899-
immigrant health (pp. 1030-1031). Spring Street, New York, NY: Springer Science +
Rankin, S. H., Stallings, K., & London, F. (2005). Patient education in health and illnesses (5th
ed., pp. 55-57). Walnut Street, Philidephia, PA: Lippincott Williams & Wilkins. Retrieved
from http://books.google.com.ph/books?id=0PbgN1rK85cC
Tan, M. L. (1987). Usug, kula, pasma traditional concepts of health and illnesses in the
Philippines (pp. 19-75). Quezon City, Philippines: Alay Kapwa Kilusang Pangkalusugan
(AKAP).