Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Tumatalakay sa mga teoryang (sikolohikal, sosyolohikal, antropolohikal, linggistik, atb.) na


nakaiimpluwensya sa pagkatuto/pagtuturo ng wika.
Panimulang Linggwistika
Nagbibigay-diin sa mga batayang kaalaman at simulain sa linggwistika at nagpapakita ng aplikasyon
ng mga ito sa pagkatuto/pagtuturo ng Filipino.
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tumatalakay sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng
nireistrukturang kurikulum sa Filipino. Inaangkopang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong
lokal.
Istruktura ng Wikang Filipino
Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng fonolohiya, morfolohiya,
semantics at sintaks.
Pagtuturo ng at Pagtataya sa Pakikinig at Pagsasalita
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga methodo da pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa
pagtataya ng mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita na gumagamit ng ibatt ibang uri ng diskors
at gawain (tasks).
Paghahanda at Evalwasyon ng Kagamitang Panturo
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain, pamaraan, paggamit at evalwasyon ng
kagamitang panturo kasama ang mga materyales para sa alternatibong pagtuturo at pagkatuto.
Introduksyon sa Pagsasalin
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain at teknok sa pagsasalin ng mga tekstong literari
at di literari.
Panitikan ng Rehiyon
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akda sa mga rehiyonal na wika. Maaaring orihinal o
salin sa Filipino ang mga tekstong susuriin at pahahalagahang kultural. (Magbabagu-bago ayon sa
locale ng TEIs at walang duplikasyon sa panitikang rehiyonal na bahagi ng GEC-Lit.1).
Kulturang Popular
Sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng ibat ibang kulturang popular, e.g. pelikula, musika, komiks
at pahayagan, mga programang panradyo, pantelebisyon na nakakaimpluwensya sa paghubog ng
sariling katalinuhan o identidad.
Sanaysay at Talumpati
Pag-aaral ng pangkasaysayang pag unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat ng mga
kontemporaryong anyo nito, pati na ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas na talumpati.
Panunuring Pampanitikan
Tumatalakay sa mga teorya, simulain at pamamaraan ng pagbasa, interpretasyon at pagsusuri ng
panitikan mula sa Bagong Kritisismo hanggang sa Post modernismo.
Maikling Kwentong Filipino
Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayangn pagunlad ng mailing kuwentong Filipino na may
pagbibigay-diin sa mga sangkap at pagkabuo nito sa pamamagitan ng pagsusuri ng piling maiikling
kuwento mula noong Gintong Panahon (1904- 1920) hanggang sa kasalukuyan.
Panulaang Filipino
Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pagunlad ng panulaang Filipino na nagbibigay-diin
sa mga sangkap ng tula sa pammagitan ng pagsusuri sa ilang piling tula na kumakatawan sa bawat
panahon.
Pagbasa ng mga Obra Maestrang Pilipino
Tumutukoy sa mas malalim at mas mabisang pagbasa at pagsusuri ng mga obra maestrang Pilipino
na itinuturo sa hayskul, i.e. Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli me Tangere, El Filibusterismo at
iba pa tungo sa ganap na pagpapahalaga ng mga ito.
Pagtuturo ng at Pagtataya sa Panitikan
Tumutukoy sa pag-aaral ng mga kontemporaryong dulog at metodo sa pagtuturo ng ibat ibang anyo
ng panitikan upang makabuo ng mga angkop na pamaraan sa pagtataya ng mga kaalaman at
kasanayang natamo.
Introduksyon sa Pamamahayag
Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa pamamahayag at paglilinang ng mga kasanayan sa
pagsulat ng ibat ibang uri at anyo ng sulating jornalistik, kasama na rito ang paghahanda at
pamamahala ng pahayagang pampaaralan. (BEEd)
Pagpapahalagang Pampanitikan
Sumasaklaw sa pagtugon bilang pagpapahalaga sa binasang akdang pampanitikan sa pamamgitan
ng ibat ibang intelehensya tulad ng sabayang pagbigkas, madulang pagbasa, readers/chamber
theater, pantomima, aplikasyon ng multi-media, pinta, at iba pa.
Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa
Sumasaklaw ito sa pahambing na pag-aaral ngmga representibong akda mula sa mga umuunlad na
bansa na isinalin sa Filipino.
Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain at mga metodo sa pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa
pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat na gumagamit ng ibat ibang uri ng diskors at
gawain (tasks).

You might also like