16 Ang Mayaman at Si Lazaro

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TOPIC 16 ANG MAYAMAN AT SI LAZARO

OBJECTIVE OF THIS LESSON (Tell this to your class)


- Matutunan ng mga tao na pagkatapos ng kamatayan ay may dalawang permanenteng lugar para sa mga tao ang
isa ay sa langit at doon ay buhay na walang hanggan na puno ng kasiyahan kasama ang Diyos; ang isa ay sa
impyerno at doon ay walang katapusang paghihirap sa matinding init ng apoy.

METHODS (Consider your whole class as one group or you may sub-divide them into several sub-groups for discussion)

Method 1 Reading: Basahin ng sabay ang lahat ng talata. Gumamit ng mga visual aids upang mas lalong maintindihan.
Luke 16:19-31
19
May isang mayamang laging nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. 20May isa namang
pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman 21sa hangad na
matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga aso
at dinidilaan ang kanyang mga sugat. 22Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham sa langit
bilang isang parangal. Namatay rin ang mayaman at inilibing. 23Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay,
natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham. 24Kaya't sumigaw siya, Amang Abraham, maawa po kayo sa akin.
Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap
sa apoy na ito. 25Ngunit sumagot si Abraham, Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa,
at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay maligaya siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa
riyan. 26Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang
mga naririyan ay hindi makakapunta rito.
27
Ngunit sinabi ng mayaman, Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap ko pong papuntahin na lamang ninyo si
Lazaro sa bahay ng aking ama, 28sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala upang
hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa. 29Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, Nasa kanila ang mga sinulat ni
Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang sundin. 30Sumagot ang mayaman, Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit
kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila't tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.
31
Sinabi naman sa kanya ni Abraham, Kung ayaw nilang sundin ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin
nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.

Method 2 Discussions for Learning:


1. Sinong dalawang tao ang nabanggit sa kwento? Ang mayaman at si Lazaro
2. Ano ang deskripsyon ng taong mayaman sa kwento? laging nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain
araw-araw
3. Ano ang deskripsyon tungkol kay Lazaro?
- Isang pulubi at tadtad ng sugat ang katawan at nakahiga sa pintuan ng mayaman
- Naghihintay na matapunan ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag kainan ng mayaman
- Nilalapitan ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat
4. Parehong namatay ang mayaman at si Lazaro. Saan napunta si Lazaro pagkatapos mamatay? dinala siya ng mga
anghel sa piling ni Abrahamdoon sa langit bilang pagparangal sa kanya.
5. Saan napunta ang mayaman at ano ang nangyari sa kanya?
- Napunta siya sa daigdig ng mga patay at naghihirap sa mainit na apoy sa impiyerno
6. Nagmakaawa ang mayaman kay Abraham dahil sa paghihirap niya sa matinding init ng apoy. Ano ang sinabi ni
Abraham sa kanya?
- Sabi ni Abraham, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis
ng kahirapan. Subalit ngayon ay maligaya siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa riyan. Bukod dito, may
malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay
hindi makakapunta rito.
7. Ano ang ibig sabihin ni Abraham sa sinabing ito?
- Ang mayaman ay nagpakasasa sa buhay noong siya ay nasa lupa at hindi man lang niya tinulungan si Lazaro na
nakikita niyang naghihirap sa labas ng kanyang bahay. Naawa ang Diyos kay Lazaro at sa langit ito dinala ngunit
ang mayaman na nagpakasasa sa buhay ay dinala sa impyerno upang magdusa.
- Ngayong nagdurusa na siya sa apoy sa impiyerno, wala ng magawa dito si Abraham. Ang mga itinapon na sa
impiyerno ay wala ng pagkakataong makapunta sa langit at ang mga nasa langit ay hindi na pupunta ng impiyerno.
8. Nang nalaman ng mayaman na wala na siyang magagawa dahil permanente na siya sa pagdurusa sa impiyerno, ano
na lang ang hiniling niya kay Abraham?
- Pinakiusapan na lang niya na kung maaari papuntahin si Lazaro sa bahay ng kanyang ama at sa kanyang limang
kapatid na lalaki upang sila'y bigyang-babala upang hindi sila humantong sa pagdurusa sa apoy sa impyerno.
9. Ano ang sagot ni Abraham? ibinigay na sa kanila ang mga sulat ni Moises at ng mga propeta. Sundin nila ito.
10. Sumagot ang mayaman na hindi sapat ang mga sulat na iyon. Dahil sabi niya na mas epektibo kung magpapakita sa
kanila ang isang patay na muling nabuhay upang magsisisi sila't tatalikuran ang kanilang mga kasalanan. Ano ang sagot
ni Abraham?
- Kung ayaw nga nilang sundin ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang
isang patay na muling nabuhay. (Ibig sabihin nito, ang problema nila ay ang hindi pananampalataya)
11. Sa panahon natin ngayon, ano ang ibinigay ng Diyos na sulat sa atin upang mahanda ang ating buhay upang tayo ay
hindi mapaimpiyerno kundi pupunta sa langit? Ang Biblia. Kailangan nating ito ay basahin, paniwalaan, at sundin.
12. May kilala ka bang tao na namatay at muling nabuhay upang turuan ang tao na maniwala na dapat magsisi at talikuran
ang kasalanan upang makapasok sa langit?
- Si Jesus ito. Siya ay Diyos na nagpakatao, namatay, at muling nabuhay. Itinuturo niya na dapat natin Siyang
paniwalaan at magsisi tayo at talikuran ang kasalanan upang makapasok tayo sa langit sa buhay na walang
hanggan.
13. Ang langit ba ay para sa mga mahirap at ang impiyerno ay para sa mga mayaman?
- Ang langit ay para sa mga taong naniniwala at sumusunod kay Jesus at nagsisi at tumalikod sa kasalanan, maging
sila man ay mahirap o mayaman.
- Ang impyerno ay para sa mga taong hindi naniniwala at hindi sumusunod kay Jesus at hindi nagsisi at tumalikod
sa kasalanan, maging sila man ay mahirap o mayaman.
14. Ikaw, anong gagawin mo upang sa langit ka mapupunta at hindi sa impiyerno?

CONCLUSION (Emphasize this to your class)


1. Ang langit ay lugar na walang kahirapan, walang sakit, walang kamatayan, at walang problema. Sapagkat ito ay lugar
ng Diyos na puno ng walang-hanggang kasiyahan at buhay na walang hanggan. Dito dinadala ng Diyos ang mga taong
pinararangalan niya dahil nanampalataya at sumunod kay Jesus habang nabubuhay pa sa mundo.
2. Ang impyerno ay lugar ng walang katapusang pagdurusa sa napakainit na apoy. Sapagkat ito ay lugar para sa mga
taong hinukuman ng Diyos dahil hindi sila naniwala at sumunod kay Jesus habang nabubuhay pa sa mundo.

Habang tayo ay nabubuhay sa mundo, huwag tayong magpakasasa sa mga material at temporaryong mga kaligayahan
dito. Bagkus, gamitin natin ang mga material at temporaryong mga bagay dito sa mundo upang matulungan ang mga tao
na makilala nila si Panginoong Jesus. Ang pinakaimportante sa pamumuhay dito sa mundo ay nananampalataya tayo at
sumusunod kay Panginoong Jesus at tinutulungan natin ang ibang mga tao na manampalataya din at sumunod kay Jesus.

You might also like