Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education Makato Integrated School

Region VI Western Visayas (formerly Makato Elementary School)


Division of Aklan Makato, Aklan
_________________ District of Makato________________________________________________________
Course Title: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Taong-Aralan 2017 2018

I. PAGPILI: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa _______.


a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang-kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa
pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.
c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paaralan.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?


a. Pakikipag-usap sa tindera
b. Pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
c. Pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
d. Panonood ng pelikula

3. Patuloy na naghihirap ang bansang Pilipinas dahil sa mga buwaya sa katihan. Ang pahayag na ito ay may antas ng
wika na ______.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

4. Nasaan na ba siya? Meron ka bang makakain diyan? Ang pahayag na ito ay may antas ng wika na ____.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

5. Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil ________.


a. Inilalanatd o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.
b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
c. Naipahahatid ang ibang mensaheng di kayang sabihin nang personal.
d. Nagiging malakas ang loob ng tao na magawa ang isang bagay.

6. Pre, alam mo ba, may nakita akong masarap na pulutan sa may kanto. May tokneneng akong nakita . Wehdi
nga?Ang tipo ng komunikasyon na nangingibabaw sa usapan ay _______.
a. Pormal c. Impormal
b. Pabalbal d. Abnormal

7. Ang iyong pamilya ay taimtim na nanonood ng balita sa telebisyon tungkol sa pagbaha sa Maynila. Ang antas ng
komunikasyong nagaganap ay ______.
a. Intrapersonal c. Pangmasa
b. Pampubliko d. Pangkaunlaran

8. Ang salitang yosi, ermat at tol ay maaari mong marinig sa wikang


a. Dayalekto c. Pidgin
b. Kolokyal d. Idyolek

9. Kung ikaw ay naninirahan sa Bacolod at naisipang mag-aral sa Maynila, ano ang dapat isaalang-alang na kaisipan
sa pagtukoy ng wika?
a. Sosyal dahil ibang tao na ang iyong makakasalamuha
b. Heyograpikal dahil naiba na ang iyong tirahan
c. Okupasyunal dahil ikaw ang malapit nang magtrabaho
d. Sosyo-sikolohikal dahil iba na ang takbo ng iyong isipan

10. May bunga ang okupasyunal na aspeto sa pagkakaroon ng barayti ng wika gaya ng
a. Pagkakaiba ng wika ng isang manggagamot at isang manananggol
b. Pagbabago ng wika sa tuwing ang kausap ay ang kaibigan
c. Pagkakaiba ng wika ng Kabikulan sa Kailikanuhan
d. Pagbabago ng wika sa mga babasahin
11. Di namin kayo tatantanan! Ito ang natatanging pananalita ni Mike Enriquez sa kanyang pagbabalita. Ang
halimbawang pahayag ay nagpapakita ng barayti ng wikang _______.
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Idyolek d. Pidgin

12. Pre, mukhang olats ka nanaman kasi wala kang datung. Humingi ka na lang muna sa ermat. Ang pananalitang
ginamit ay nagpapakita ng barayti ng wikang ______.
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Idyolek d. Pidgin

13. May lihim na sinabi sayo ang iyong nakatatandang kapatid na ayaw iparinig sa iba, ano ang rehistro ng wika
niya?
a. Intimate c. Consultative
b. Static d. Formal

14. Saan sa mga pangyayari sa ibaba ang maaari mong kasangkutan kung formal na rehistro ang maririnig?
a. Pagtatalumpati mo bilang panauhin
b. Pamamaalam sayo ng kamag-anak na mangingibang bansa
c. Pag-uusap ninyo ng isang doctor
d. Pagkukuwentuhan ninyong magkaklase

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tiyak na kasanayan sa domeyn ng wika?
a. Nakakakilala at nakababasa ng ibang wika.
b. Nakikipagtalastasan sa kapwa Ilokano.
c. Nakaaangkop sa kultura at wika ng ibat ibang lugar o tao.
d. Wala sa nabanggit.

16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng komunikasyon?
a. Ito ay sining ng pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.
b. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o di-berbal.
c. Ito ay pagbuo ng kaisipan sa ating sarili.
d. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa ating paligid.

17. Ang salitang komunikasyon ay hinango sa salitang Latin na cummunis (komon) na ang kahulugan ay
pagkakatulad, ibig sabihin ay ______.
a. posible ang pag-iral ng komunikasyon kung may katulad na paraan ng pakikipagtalasan.
b. paulit-ulit lamang ang nagaganap na komunikasyon.
c. nagkakaiba ang paraan ng pakikipagtalastasan.
d. may pagbabago sa paraan ng pakikipagtalastasan.

18. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking pangkat na
nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibubunga nito sa pag-unlad ng wika?
a. Nahirapang makipagkalakalan sa ating mga ninuno.
b. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
c. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.

19. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa ang baybayin. Nang
dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila dito?
a. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang simbolo ng pagkakaisa
ng mga ito.
b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila magkakaunawaan kung ito ang gagamitin.
c. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang ito sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

20. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang isang bansa, isang diwa.?
a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog.
b. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
c. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan
nila.

II. PAGKILALA: Kilalanin ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
___________ 1. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas
ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa
isang kultura.
___________ 2. Siya ay naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika raw ay kailangan
munang pag-aaralan bago matutuhan.
___________ 3. Ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na
wika o wikain sa ating bansa.
___________ 4. Ito ang sangay na itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 na naatasang magsagawa ng pag-aaral
kung alin sa mga umiiral na wika at wikain sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang
pambansa.
___________ 5. Ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayang binuo ng
sangay na nagsuri sa ibat ibang wika o dayalekto sa bansa.
___________ 6. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang pangkagawarang nagsasaad na mula
Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating wikang pambansa.
___________ 7. Sa probisyong pangwika ng Saligang Batas na ito unang nagamit ang Filipino bilang wikang pambansa.
___________ 8. Ito ang Atas Tagapagpaganap na naglalayong magamit ang Filipino sa opisyal na mga tansaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya sa pamahalaan.
___________ 9. Siya ang kalihim ng DepEd na nagunguna sa pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K to 12
Kurikulum.
___________ 10. Ito ang bilang ng mga wika at diyalektong pinangalanan ng DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga
mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.

III. TAMA at MALI


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salitang TAMA. Kung mali
naman, isulat ang salitang magpapatama sa pahayag.
____________ 1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino lang ayon sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987.
____________ 2. Alinsunod pa rin sa Saligang Batas ng 1987, itinuturing na pantulong na wikang opisyal at pantulong na
wikang panturo ang mga wikang panrehiyon.
____________ 3. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika ng mga mag-aaral sa kinder hanggang
ikatlong baitang ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
____________ 4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baitang ang mga wikang
Filipino at Ingles.
____________ 5. Ang mga wika at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay gagamitin sa dalawang paraan: bilang hiwalay na
asignatura at bilang wikang panturo.
____________ 6. Noong Hulyo 19, 1974, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga panuntunan sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng DO#25, s. 1974.
____________ 7. Labimpito (17) ang kasalukuyang bilang ng mga wika at wikain sa bansa na itinalaga ng DepEd upang
magamit bilang wikang panturo mula kindergarten hanggang Grade 3.
____________ 8. Bawal tumawid, nakamamatay.ay isang halimbawa ng regulatori.
____________ 9. Di namin kayo tatantanan. ay idyolek.
____________ 10. Kabaligtaran ng heuristiko ang impormativ.

IV. PAGTAPAT-TAPATIN
_____ 1. Dr. Henry Otley Beyer a. Taong Tabon
_____ 2. Dr. Robert B. Fox b. wave migration theory
_____ 3. Landa Jocano c. Taong Callao
_____ 4. Dr. Armand Mijares d. Timog Tsina at Taiwan
_____ 5. Austronesian e. unang alpabetong Pilipino
_____ 6. Wilheim Solheim II f. isang bansa, isang diwa
_____ 7. Baybayin g. nagpatunay ng unang lahing Pilipino sa Pilipinas
_____ 8. Manuel L. Quezon h. Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya
_____ 9. Francisco Balagtas Baltazar i. Ama ng Wikang Pambansa
_____ 10. Almirante Dewey j. Ama ng Panitikang
k. Thomasites

Minsan kailangang maghintay para makamtan ang Tagumpay!

Inihanda ni:

MA. CHRISTINE B. TEJADA


Guro sa Filipino

You might also like