Leon C. Pichay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LEON C.

PICHAY (MANUNULAT SA PANAHON NG AMERICANO


Si LEON C. PICHAY ay isang bantog na makata at manunulat na Ilokano. Siya ang kinilalang Hari ng mga
Makatang Ilokano.

Bagaman produkto ng Kanluraning sistemang pang-edukasyon at namulat sa panitikang Kanluranin,


pinili ni Pichay na magsulat ng wikang Iloko. Ito ang nagbigay-daan sa kanyang mahalagang kontribusyon
sa pag-unlad ng panitikang Iloko
Itinuturing si Pichay bilang pinakamalikhaing manunulat na Ilokano sa kanyang henerasyon. Nagsulat
siya ng mga nobela, maiikling kwento, sanaysay at daan-daang mga tula. Kabilang sa mga paksa ng
mgatula ni Pichay ang pagmamahal sa bayan, pag-ibig at espiritwalidad. Nagsulat siya ng mga tula
tungkol sa Ilocos, mga bayaning Pilipino, at pagmamahal sa wikang Iluko.

Noong dekada 50 ay itinanghal si Pichay bilang Hari ng mga Makatang Ilokano. Patunay sa kanyang
kasikatan ang pagtangkilik ng madla sa kanyang mga tulang isinaplaka at ang pagdagsa ng mga tao
kapag naaanyayahan siyang bumigkas ng mga "tulang pangkoronasyon" bilang pagpupugay sa mga
itinatanghal na reyna sa mga piesta.

Isang katangian ng mga tula ni Pichay ay ang paggamit niya ng mga salitang pinanday sa pamamagitan ng
pagsasanib ng mga bahagi ng dalawa o higit pang salita. Ginawa niya ito sa pagnanais na iwasan ang
paggamit ng mga salitang mula sa ibang wika. Ilan sa mga salitang kanyang inimbento ang tuluyang
naging bahagi ng wikang Iluko

Kasabay ng kanyang pagsusulat ng mga tula ay itinaguyod din ni Pichay ang bukanegan, ang katumbas ng
balagtasan ng mga Tagalog.Umani rin ng paghanga si Pichay dahil sa kanyang mga nobela. Ang kanyang
obrang Apay a Pinatayda ni Naw Simon? (Bakit Nila Pinatay si Don Simon?) ang unang nobelang Iluko
hinggil sa paniniktik.Naging patnugot si Pichay ng mga pahayagang Panagbiag, Timekmi, Ti Agipaawat, at
Wagayway.

Nagsulat din siya para sa Ilocos Times, Heraldo Ilocano, El Norte, at Naimbag a Damag. Naging aktibong
kasapi rin siya ng Filipino Editors and Publishers Union at ng Romanceros Nacionales, isang samahan ng
mga manunulat ng kwento ng pag-ibig.

Pumanaw si Pichay noong 11 Agosto 1970. Magpahanggang ngayon ay itinuturing siya bilang isa sa mga
pinakamahuhusay na makata at manunulat na Ilokano. Kaugnay nito, isang parangal ang ipinangalan ng
Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano sa kanya bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa panitikang
Iluko.

You might also like