Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Title: Ang kabataan ng 21st century

Eksena 1

Sa isang tahanan, nagluluto ang Ina ng agahan habang ang bunsong anak na nasa
labing limang taong gulang ang tulalang kumakain sa hapag. Nasa gilid nito at
kabisera ng mesa ang Amang nagkakape, seryoso ang mukhang nakatitig sa anak
na tila walang pakialam sa sinasabi ng magulang.

Ina: Dapat alam mo na isa kang studyante, matuto kang magsikap sa pag-aaral.
Hindi yung kung ano-ano yung natututuhan mo. Hindi ka ba nahihiya sa amin ng
Itay mo? Ipapatawag kami sa eskwelahan para lang kausapin ng teacher mo na
bagsak ang grades mo? (wika ng ina habang nakatalikod at hinahalo ang lugaw na
ititinda.)

Hindi sumagot ang anak. Nagpatuloy sa pagsubo ng kanin at tuyo. (close up shot)

Ina: Paano na lang kung mamatay na kami ng Tatay mo? Yung kuya mo, nag-aadik
pa? Ikaw na nga lang ang aasahan namin, tatamad-tamad ka pa? Aba! Masaya ka!

Anak: Bakit kayo nagagalit sakin? Si kuya nga pinatigil niyo sa pag-aaraltapos
ako bumagsak lang , galit na galit na kayo?

(Pabagsak na nilapag ng ama ang hawak na tasa ng kape sa mesa. Napatigil din
ang ina sa pagluluto, hinarap ang anak at umupo sa katapat na upuan.)

Naghabol ng hininga ang Tatay. Matamang tinitigan ng ina ang anak na nakatingin
lamang sa pagkain.

Ina: Antonyonaririnig mo bang sinasabi mo? Alam mo kung bakit naming pinatigil
ang kuya mo!

Anak: Ayun na nga! Pinatigil niyo siya pero ako hindi! Gusto ko nang tumigil sa
pag-aaral Nay! Bobo ako sabi ng mga kaklase ko, wala akong karapatang mag-aral
dahil bobo ako!

Ama: Sige tumigil ka sa pag-aaral.

Maang na tumingin ang ina sa asawa. Lihim na ngumiti ang anak.

Ina: Ano?

Ama: Gusto niyang tumigil, pagbigyan mo. Sumama ka rin sa kuya mo, magsama
na kayo sa kalokohan ninyo dahil diyan kayo masaya. Pinag-aaral kayo para hindi
kayo magmukhang mangmang sa paningin ng iba pero kung inaamin mong bobo ka
nga at wala ka ng pag-asa, sino ba naman kami para kontrahin kayo?

(Hindi nagsalita ang ina at anak. Tumayo nang kalmado ang ama)

Eksena 2

(Tumigil nga sa pag-aaral ang bunsong anak. Araw-araw na itong nasa kalye o
computer shop. Nagkita ang mag-kuya sa isang tindahan.(May lalaking tindera,
apat na lalaki na nag-iinuman sa harap nito) Wanted at takas ng bilangguan ang
kaniyang kuya, idolo ng bunso ang kuya kaya masaya siya nang magkita sila.
Ngunit biglang may dumaan na riding in tandem, binaril ang kuya sa dibdib.
Natulala ang bunso na si Antonyo at nahimatay. Nagkagulo ang paligid.)

Eksena 3

(Sa burol ng kuya nito)

Nakatayo sa harap ng kabaong ang ina habang umiiyak, halos yakapin ang ataul ng
panganay. Nagbubulungan naman sa sulok ang dalawang tsismosa. Nagsusugal
naman ang iba sa may gitna.(kara y krus)

Tsismosa 1: Galing ni Duterte ano? Inuubos na talaga ang adik ngayon. (Umiling-
iling)

Tsismosa 2: (Medyo lasing na) Bobo! Hindi si Duterte ang umuubos ng adik
ngayon, si Satanas! (Binatukan ang kainuman) Puro kasamaan na ang mundo
ngayon, uubusin na daw tayong mga adik. (Sabay tawa ng malakas)

Tsismosa 1: Kalokohan mo Bodak.

Tsismosa 2: (Paliliitin ang boses sa boses bata) Kakanta ng noong akoy bata pa)
Ipapasa ko to sa facebook bwisit ka! (sabay tawanan ng dalawa) (tinapik ng
tsismosa 1 ang tsismosa 2 sa likod.) Mama si Bodak! Sinuntok ako sa likod!

(May sumigaw na nagsusugal)

Nagsusugal 1: Hoy mga sira-ulo. Iupload niyo na lang sa facebook yan nang matigil
na kayo!

Nagtawanan at nagsi-ilingan ang mga nagsusugal. Hindi pansin ng Ina ang tawanan
ng nasa lamay. Hanggang mahimatay ito.

Eksena 3

Nahospital ang Ina habang nakaburol pa rin ang anak. Nagsisi ang bunso habang
ang ama ay nasuklam na sa kanilang sitwasyon. Pinoproblema ang panggastos sa
pagpapalibing ng anak at bayarin sa hospital ng asawa. (eksena ng pagtingin sa bill
ng hospital)

Eksena 4

Naisipan ng bunso na mang-snatch ng cellphone ng kanyang sinusundang babae na


nagcecellphone sa pampublikong lugar. Hinabol ng taong bayan ang bata at dinala
sa presinto.

Eksena 5

(Search niyo na lang kung pwede makulong o hindi ang menor de edad o
kung ano pwde gawin sa kanila.) Ito na ending. Baguhin niyo na lang po.
THAnk you!!!! :-*

You might also like