Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Noong unang panahon, pinalibot ng gobernador sa mga nayon ang lima niyang sundalo.

Gusto niyang mapag aralan nila ang mga bagay tungkol sa mga Pilipino. Sumunod ang
limang sundalo. Napalayo sila dahil nalibang sa paligid. Nang mauhaw ay nagpahinga sila
sa ilalim ng puno ng manga. Mula sa kinatatayuan ay natanaw nila ang mga katutubong
magsasakang binubunot ang mga halamang-ugat. Lumapit sila sa mga ito. Humingi sila ng
tubig. Hindi sila nagkaintindihan. Wala isa man sa mga katutubo ang nakakaintindi sa
salitang Espanyol.
Gusto nilang humingi ng halamang ugat na ito! wika ng isang magsasaka. Kahit
naguguluhan ay binigyan nila ang mga sundalo. Kitang-kita sa mukha ng mga sundalo ang
sobrang pagkauhaw at gutom. Mabilis na binalatan ng mga sundalo ang ibinigay sa kanila.
Nasarapan sila sa malamig at matamis na lasa nito. Humingi silang muli, Cinco mas sabi
ng isang sundalo. Singkamas pala ang pangalan nito sigaw ng isang magsasaka
Cinco mas sabay sabay na sabi ng mga sundalo. Binigyan sila muli ng mga magsasaka.
Singkamas ba ang ngalan nito? tanong ng isang naguguluhang magsasaka. Si cinco mas
muling sagot ng sundalong Espanyol. Akala niya ay tinatanong sila kung gusto pa nila.
Kumain pa ng maraming halamang ugat ang mga sundalo. Nang mabusog ay masaya silang
nagpasalamat at nagpaalam sa mga magsasaka. May ibabalita na sila sa kanilang
gobernadora. Sasabihin nila ang kanilang kinain. Ibabalita rin nila ang pagiging matulungin
at mapagbigay ng mga katutubong magsasaka.
Pagkalyo ng mga sundalo ay tinikman ng mga magsasaka ang halamang-ugat na hindi
nila kinakain. Natuklasan nilang malamig ito at nakaalis ng uhaw. Ibinalita nila ang
pangyayari sa kanilang mga kanayon. Nalaman nilang masarap palang kaini ang dating
ipinapakain lamang sa mga alagang hayop. Mula noon tinawag na n
nila itong singkamas na mula sa salitang cinco mas na ang ibig sabihin ay lima pa nga.

You might also like