Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

KATOTOHANAN PA RIN

Namulat ako sa paligid na ang lahat ng bagay at taong nakikita ko ay tila 'di totoo,
Punong puno ng pag kukunware, pag babalat kayo, mga maskarang nagpapaganda ng anyo,
Nasanay ako sa mundo na ang tingin ng lahat ay isang malaking entablado,
Kung saan lahat ng pinapakita ng tao ay kailangan ng ensayo, Entabladong nagpapakita ng nakatangong anyo, sa
likod ng bawat pagpapanggap,

Entabladong nagsasalamin sa pekeng kaanyuan ng sinasabi nilang pag tanggap,


'Di totoo lahat ng nakaharap, mas mabuti pang tumalikod nalang, Mga mata ay ipikit, mga tenga'y isara sa
katotohanang pinapaikot ka lang,

'Di ko maramdaman, ang totoong pagikot ng mundo, dahil ang pag ikot ng tao sa mundo ang tanging tanaw ko, 'Di
ko maramdaman, ang katotohanang hinahanap ng iba, katotohanang hinahanap ko, dahil ang tanging dinig ko ay
kasinungalingan at yan ang totoo,
Dahil ang totoo, hindi totoo ang lahat ng 'to,
Ang hirap tanggapin lahat ng katotohanang ito kung ikaw mismo 'di nagpapakatotoo

Mga pekeng ngiti, sa likod ng mga matang lunod na sa kakaiyak,


Pekeng salita, sa mga pekeng nilalang at taong di mo matiyak,
Mga pekeng pangako, pagtupad sa pekeng sumpaan ng pekeng relasyon,
Mga pekeng damdamim, mga pekeng emosyon

Mga pekeng desisyon sa mga pekeng pangarap,


Mahirap nga bang magpakatotoo kung ang katotohanan nman ang tanging hanap,
Nkakalungkot isipin, na isa ka, at isa ako sa mga peke na to,
Itinago sa mga tulang ito, ang gustong sabihin ng pekeng ako,

Kaya patawad, sa tunay na ako, sa tunay na ikaw, sa tunay na tayo,


Ung tunay na kaanyuan sa likod ng pekeng pagkatao,
Patawad, sa pagkulong, pag tago at sa pag papanggap,
Patawad sa pag pepeke ng lahat para lang ako ay matanggap,

Para lang mahanap ang mga kasagutan sa tanong na hindi puro tanong din ang sagot,
Ang katotohanang may totoo pa ba sa lahat ng kasinungalingang nagdulot ng matinding pagkalungkot,
Labis na puot, ang dala ng mga pekeng damdaming di magawang lisanin,
Dahil ang sagot sa tanong ng katotoohanan, ay katotoohanan lang din, Katotohanan parin.

You might also like