Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Unang markahan

MTB-MLE

I. Layunin

Naitatala ang mga mahahalagang detalye sa napangkinggang tekstong pasalaysay


sa pamamagitan ng pagtukoy o pagkilala sa tagpuan, tauhan at mga pangyayari

Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ang mga


larawan at kontekstwal na gabay

Naipahahayag ang pagmamahal sa pagbasa ng mga kuwento o ibang teksto sa


pamamagitan ng pagmamasid sa aklat na binasa

II.Paksang-Aralin

Aralin 1: Ako at Aking pamilya

Kaalaman sa Pagbasa

:Pagtatala ng Mahalagang detalye Tauhan

Tagpuan

Mga pangyayari

Kaugalian patungkol sa Aklat :Pagpapahayag ng apagmamahal

o interes sa pagbabasa /pakikinig sa kuwento

MT3RCb

MT3ATR 1b

PG p. 4-5

Mga kagamitan

Mga Larawan

Kuwento: Paggawa ng Mga Gawain para kay Nanay ni Nelia D. Bamba

III. Pamamaraan :

A. Pakikinig sa Tekstong Pasalaysay.

B. 1. Mga Gawain Bago ang Pakikinig


Paglinang ng mga salita

1. Pinili ni Alice ang isang magandang lugar sa hardin para taniman ng kanyang rosas.

a paso

b. kulay

c.puwesto

d. lilim

2. Si Dino ay napakmaaalahaning bata. Hindi siya pumapalya

Sa pagbibigay ng mga prutas mula sa knilang taniman.

a.matalino c. masayahin

b. masipag d. mabait

3. Kinuskos ni nana yang mga paso hanggang maging malinis at makintab.

a. pinunasan ng madiin ng brush o pad

b. Hinugasang mabuti

c. Pinusan mabuti

d. hinipo ng dahan dahan

1. Pagganyak

2. Paglalahad ng mga larawan ng mga sumusunod na Gawain.


Itanong:

1. Sino ang mga nasa larawan?

2. Ano ang ginagawa ng mag-anak sa bawat larawan?

3. Nakabubuti bas a mag-anak ang gawin ng magkasama ang mga Gawain?

4. Ano ang ginagawa mo kasama ang iyong mag-anak?

c. Pagganyak na Tanong

Ano ang ginagawa ng bata sa larawan?

d. Habang nakikinig

Kuwento:

Kuwento: Paggawa ng Mga Gawain para kay Nanay ni Nelia D. Bamba

(Isinalin ni M. Dolot)

Isang Sabado ng umaga nakaupo si Louie sa sala habang nanonood ng paboritong mga palabas sa telebisyon.
May mga biskwit siya para sa meryenda kaya hindi na niya kailangang pumunta pa sa kusina kapag nagutom.

Malapit na ang tanghalian nang mapansin niyang wala ang nanay niya sa kusina, nang tingnan niya nakita
niyang hindi pa nahuhugasan ang mga pinggan, kaldero at mga kawali.

" Nasaan si nanay?" tanong ni Louie. Pumasok siya sa silid ng kanyang mga magulang. nakita niyang nakahiga
si nanay sa kama.

" may sakit ka po ba Nanay?" tanong ni Louie. Lumapit siya sa ina at hinipo ang noo.

" Pagod ako at masakit ang aking ulo. Kailangan ko lang ng pahinga, mamaya magaling na ako.". sabi ni
Nanay.

" Mahiga ka lang po sa kama at magpahinga, nanay. ikukuha kita ng makakain, " ang sabi ni Louie.

" salamat, Louie", ang sabi ni Nanay.

Nagdala si Louie ng isang mangkok na sabaw, isang pirasong tinapay, at isang saging. Pinanood niya habang
kumakain ang ina. pagkatapos ay bumalik siya sa kusina at hinugasan ang mga hugasin. Bumal;ik soiya sa silid
at tiningnan ang kalagayan ng ina. natutulog na ito nang mahimbing., kaya hinagkan niya ito sa noo at nagsabi
ng magandang gabi bago pumunta sa kanyang silid.

Kinabukasan, nang magising nag nanay ni Louie nasorpresa siya na napakalinis ng kusina. May gatas na
mainit , mga pandesal, at piniritong itlog na nakahain para sa kanya.

Basahin ang kuwento sa klase na walang magsasalita. Pagkatapos basahin ito ulit.

E. Pakikinig/Pag-unawa sa Binasa

1. Tungkol saan ang kuwento?

2. Saan nangyari ang kuwento?

3. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


4. Ano ang nangyari sa Nanay ni Louie?

5. Ano ang ginawa ni Louie dito?

6. Bakit kaya ginawa ito ni Louie ?

7. Ano ang naramdaman ng Nanay ni Louie sa kanyang pagkamalalahanin?

8. Ano ang aral na ibinibigay sa kuwento?

D. Pokus sa Kasanayan:

Tauhan

Tagpuan

Pangyayari

IV: Pagtataya : Kumpletuhin ang organizer tungkol sa kuwentong : Paggawa ng Mga Gawain para Kay nanay.

Paggawa ng Mga Gawain Para Kay


Nanay

Title

Lugar: Sa Bahay Louie

Oras: Isang Sabado Mother

Tagpuan Mga Tauhan

Title

Pinasalamatan ni Nanay si Louie sa mga ginawa nito.

Nagkasakit si Nanay at di makagawa ng trabaho sa kusina.

Nanood ng telebisyon buong umaga ng Sabado si Louie.

Hinugasan ni Louie ang mga plato at nilinis ang kusina.

V. Takdang-Aralin: Muling isalaysay ang kuwento gamit ang mapa ng kuwento o organizer bilang gabay.

You might also like