Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Martial Law Sa Mindanao

I. Panimula

Ang martial law ito ay batas na naglalayong mapanatili ang kaayusan ng isang lugar o bansa, dahil sa
mga nangyayaring karahasan, krisis, at pananakop sa isang bansa o lugar. Ipinapatupad dito ang mga
curfew, batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at at pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang
militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o
naitatalaga bilang tagapamahala o prisedente. At bakit ito muling ipinatupad nang ating pangulo sa
Mindanao.

II. Kaligiran/Pangkasaysayan

Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law o batas militar sa buong Mindanao kaugnay ng
pag-atake ng Maute Group sa Marawi City nitong Martes, Mayo 23, 2017.

Pinag-aaralan din ng Pangulo ang pagsasailalim ng batas militar sa buong Visayas sakaling kumalat ang
aktibidad ng terror groups sa labas ng Mindanao.

Ito na ang pangatlong beses na isinailalim ang bahagi o kabuuan ng Pilipinas sa batas militar matapos
ang ikalawang digmaang pandaigdigan.

Maaari lamang magdeklara ng martial law ang pangulo na siyang commander-in-chief ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas kapag may pananalakay o paghihimagsik kung saan kinakailangang mapangalagaan
ang kaligtasan ng publiko.

Maaari ring suspendihin ng pangulo ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus na proteksiyon ng bawat
mamamayan sa anumang ilegal na detensiyon kung saan maaari itong idulog sa korte.

Hindi naman awtomatikong suspendido ang writ of habeas corpus sa panahon ng martial law.

Matapos ang batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos, itinakda sa Saligang Batas noong 1987 ang
bagong probisyong ito para maiwasan ang pagmamalabis dito.

Batay sa Konstitusyon, hanggang 60 araw lang epektibo ang batas militar o suspensiyon ng writ of
habeas corpus, maliban na lang kung pahahabain ito ng Kongreso sa pangunguna ng Pangulo.

Sa loob ng 48 oras magmula nang deklarasyon, kailangang magsumite ng ulat sa Kongreso ang Pangulo
nang personal o nakasulat.

Maaaring bawiin o ipawalang bisa ng Kongreso ang batas militar sa boto ng mayorya ng mga miyembro.

Maaari ring kuwestyunin sa Korte Suprema ang deklarasyon ng batas militar at dapat nila itong
desisyunan sa loob ng 30 araw.

Sa ilalim ng batas militar, protektado pa rin ang pangunahing karapatan ng mga mamamayan.
III. Ebidensiya

Kongreso pumayag sa mas mahabang batas militar sa Mindanao

Published July 22, 2017 5:28pm

Sa botong 261, inayunan ng Kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang
implementasyon ng batas militar sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2017.Sa parte ng Senado, may
16 na mga senador ang bomoto para sa pagpapalawig at apat naman ang bumoto laban dito.

Sa Kamara, 245 na mga kongresista ang boto para sa pagpapalawaig at 14 lamang ang hindi pabor.
Kailangan lamang ng kabuuang 158 na boto mula sa parehong kapulungan ng Kongreso upang
aprubahan ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao. Sa ginanap na joint session nitong Sabado,
sinabi ni Senador Gringo Honasan na malulutas ng extension ang problema ng terorismo sa Mindanao
"as fast and as far as the law will allow," at mapapabilis pa ang rehabilitasyon at muling pagbuo ng
Marawi City na nawasak na ng giyera sa pagitan ng Maute group at militar.Is martial law the solution?
There are potentials for abuse but the mechanisms for prevention are within our control. Martial law in
Mindanao involved both risks and opportunities and we can manage both," dagdag pa ni Honasan.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na tutol sa mungkahi ni Duterte na haba ng
extension, na dapat lamang itong palawigin ng 60 araw.Congress determines the period of extension.
The Constitution is clear on that... We should not be remiss in that duty, ani Drilon. Sa Kamara, bumoto
pabor sa extension si Majority Leader Rodolfo Farias, samantalang tumutol naman sina ACT party-list
Rep. Antonio Tinio at Albay Rep. Edcel Lagman.Aral ng kasaysayan na hindi military ang solution. Ang
kailangan ng mga kababayan ay trabaho, hustisya sa Mindanao, hindi martial law, saad ni Tinio. Ang
mungkahi ni Duterte ay inaprubahan ng Kongreso matapos ang kanilang debate hinggil sa haba at sakop
ng martial law declaration. Sinabi ng ilang mambabatas na walang sapat na batayan ang limang buwang
extension, dahil nabawas na ang halos 400 ng 600 miyembro ng Maute group. Sa mga pagtatanong sa
ginanap na joint session, iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo
Ao na kailangang palawigin ang batas militar upang mapigil ang pagkilos ng mga teroristang grupo sa
Mindanao."We have this ongoing rebellion. In Marawi, ito lang ang napili nila. It could be other cities In
Mindanao. If you will see, nagcontribute po ang Abu Sayyaf sa Sulu, Basilan, Maguindanao at 'yung
Maute, kaya umabot sila ng 666, pero ang totoong bilang po niyan ay 1,200 plus," sabi ni Ao. Sinabi
naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na matutulungan ng extension ang layunin ni Duterte
na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

IV. Counter Argument

Base sa aking pananaw ang pagdeklara ng martial law sa mindanao ay ang pagatake ng mauti group sa
marawi city. Para sa akin tama lang ang pagdeklara nang martial law sa mindanao dahil grabe na ang
pagsalakay ng mga maute. Masyado ng marahas ang kanilang ginagawa, marami na silang pinapatay na
mga sibilyan, sinusunog ang mga gusali at mga paaralan. Ilang buwan pa ito bago mabawi ng militar ang
lugar sa mga maute group.

V.konklusyon

Mga araw na ang lumipas hindi pa rin natatapos ang bakbakan kontra militar at maute group, ngunit
malapit ng matapos ang bakbakan, kakaunti nalang ang mga kalaban ngunit mababangis parin ang mga
ito, nagpapapotok pa rin sila ng baril, hindi dapat madaliin ang pag tatapos ng bakbakan, baka mag iba
ang hihip ng hangin, baka marami pang mamatay na sundalo. Ang kapayapaan ay hindi nakukuha sa
pamamagitan ng marahas na pamamaraan bagkos pwede itong idaan sa mahinahong usapan.

You might also like