LP 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Ekonomiks

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang ibat ibang gawain sa sektor ng agrikultura;

2. Naipapahayag ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa;

3. Nakabubuo ng isang Concept Definition Map mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng
agrikultura.

II. Paksang Aralin:

Sanggunian: Ekonomiks, pp. 377-379

Kagamitan: yeso, pisara, larawan, marker, manila paper

III. Konsepto

A. Paghahanda

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagsasaayos ng silid

4. Pagtatala ng lumiban

5. Balik-aral

6. Pagganyak

Picture Analysis:

May ididikit na larawan ang guro sa pisara. Tatanungin ang mga estudyante kung ano ang
ipinahihiwatig ng larawan.

7. Panlinang na Gawain

Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay pipili ng lider na syang bubunot kung
anong gawain ng sektor ng agrikultura ang kanilang magiging paksa. Pagkatapos gawin ang
gawain, ay iuulat ito sa harapan.

(Mangyaring sumangguni sa kalakip na dokumento na may pamagat na Panimulang


Pagtatasa sa Ekonomiks)
8. Malayang Talakayan

1. Ano ang epekto ng sektor ng agrikultura bilang batayan sa pambansang kaunlaran?

2. Sa mga gawain ng sektor ng agrikultura, alin sa palagay ninyo ang may malaking papel na
ginagampan para sa mamamayan at bansa?

3. Ano ang kaugnayan ng likas na yaman ng bansa sa sektor ng agrikultura?

9. Pangwakas na Gawain

a. Pagbubuod

1. Anu-ano ang mga gawain nakapaloob sa sektor ng agrikultura?

2.Bakit mahalaga ang paghahalaman? pangingisda? Paghahayupan? Pagtotroso?

b. Pagpapahalaga

1. Indibidwal na gawain: Gumuhit sa isang-kapat (1/4) na papel na sumisimbolo sa kahalagahan


ng sektor ng agrikultura.

2. Hihingi ng boluntaryong pagbabahagi mula sa mga mag-aaral.

IV. Ebalwasyon

Isulat ang T kung TAMA ang ipinapahayag ng pangungusap, at M kung MALI. Kapag Mali ang
pangungusap, isulat ang salitang nagdudulot ng kamalian sa pangungusap.

T 1. Ang Land Registration Act ng 1902 ay kilala bilang sistemang Torrens na kung saan ang mga
titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.

M 2. Ang Atas ng Pangulo Blg.2 ng 1972 ay kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong
Pilipinas sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

T 3. Sa programang Community Livelihood Assistance Program o CLASP, tinuturuan ang mga


mamamayan ng mga makabagong teknolohiya para sa wastong paglinang sa mga likas na
yaman.

M 4. Ang Fishery Research ay pamamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng


kagubatan.

T 5. Ang pagtatayo ng daungan ay nakatutulong upang higit na mapadali ang pagdadala ng mga
huling isda sa pamilihan.
V. Takdang-aralin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa na papel.

1. Ano ang sektor ng industriya?

2. Paano na uugnay ang sektor ng industriya sa sektor ng agrikultura? Ipaliwanag

You might also like