masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang uring ito ng tula. Uri ng Tulang Liriko: a. Pastoral ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na pastor. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. b. Elehiya Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring itoy pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandali ay agad lumipas. c. Soneto tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, itoy naghahatid ng aral sa mambabasa. d. Oda Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang itoy isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula. Awit Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag- ibig o palasintahan. Itoy nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta. f. Dalit Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag- ibig at pagdakila sa bayan. Mga Elemento ng Tula 1. Sukat Itoy bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat. Halimbawa: Sukat: Lalabindalawahing pantig Akoy magsasakang bayani ng bukid Sandatay araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. 1. Tugma Itoy ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a. Halimbawa: Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Silay umaasa sa pawis kot gawa. 1. Talinghaga Itoy ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag. Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyak Akoy hawak ng iyong pag-ibig Hindi ako makaalpas 1. Kariktan Itoy ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.