Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Wika Ko, Mahal Ko (Monologue Piece Sample)

Wika Ko, Mahal Ko

Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda yan ang sabe ni Gat Jose Rizal.
Baket nga ba niya nasabe ito? Sa tingin mo itoy walang tuturan? Sa tingin mo itoy walang pinaghugutan?

Sa tingin ko meron! Dahil Ikaw, ako, tayong lahat! Ay mga Pilipino! Ngunit lahat ba tayo ay nagmamahal
sa ating lupang kinabibilangan? Ikaw na nakatingin saken, mahal mo ba ang iyong wika? O ikaw ay higit pa
sa mabahong isda?

Marahil, ikay nagtatanung kung anung ginagawa ko dito. Nagsasalita lang? Nag-iingay? Ano pa! Nais ko
lamang ay maintindihan niyo ang halaga ng ating wika. Anu nga ba ang ating wika? Ingles o Filipino?
Marami sa aten ang mapagpanggap! Mapagpanggap na banyaga! Banyaga sa salita at kunwari hindi
marunong magsalita ng wikang Filipino!

Pansinin niyo ang bansang Korea at Hapon, silay hindi marunong mag-Ingles, ngunit silay patuloy na
umuunlad. Baket kaya? Dahil sila ay mayaman? Sila ay nagging mayaman dahil sila ay mapagmahal sa
kanilang wika. E ano naman ngayon?

Anong petsa na?! Kung ikaw ay isa pa rin mapagpanggap na banyaga! Paano uunlad ang iyong lupa kung
ikay mananatiling ganyan? Hindi mo ba naisip na ang pambansang wika ay simbolo ng pagkakaisa ng
bansa? At ang pagkakaisa ay ang daan sa kaunlaran ng ating bayan!

Ito ay hindi basta lamang salita. Itoy tila hangin na kelangan ng bawat Pilipino san dako man ng mundo.
Makarinig lang sila ng taong marunong magsalita ng Pilipino, silay tuwang tuwa at tila nakahanap ng lakas
at liwanag sa gitna ng kanilang kalungkutan.

Dahil sa wikang Pilipino, akoy natutong magsalita at kumilala ng aking tunay na mundo, ang mundo ng
mga Pilipino. Kung walang salitang Pilipino, walang matatawag na Pilipinas. Mahalaga nga ba ang ating
wika? OO! Sa tingin mo, ikay makakatapos ng pag-aaral ng walang wikang Pilipino? Ikaw bay
magkakaron ng trabaho kung ang salita moy Espanyol? At makakarating ka ba sa iyong kinalalagyan kung
ang wika moy Intsik? Matuto kang lumingon sa wika na iyong kinagisnan. Wag mong baluktutin ang iyong
dila, baka hindi ka na kilalanin ng iyong bayan.

Pag naririnig ng aking magulang ang tawag kong Nanay Tatay, silay napapangiti dahil itoy nagbibigay
ligaya at lakas sa kanila. Ang sarap pakinggan pag tinatawag nila akong Anak dahil nararamdaman ko
ang kanilang pagmamahal.
Akoy may tanung sayo. Alam mo pa bang sabihin ang po at opo? Dahil sa mga katagang ito, natututo
akong gumalang sa mga nakakatanda. Ngunit, asan na ang mga kabataang dapat magsabe nito?! Tila
habang lumilipas ang panahon, nababawasan an gating wika kasabay ng pagbawas ng magagandang
katangiang ng pagiging Pilipino.

Wikang Pilipino ang huhubog sayo, saken at sa ating lahat bilang isang matuwid na mamamayan.

You might also like