Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG LOOC, KANLURANG MINDORO NA


GINANAP SA PAMBAYANG BULWAGAN NOONG IKA-10 NG AGOSTO, 1992.

MGA DUMALO :

Kgg. Lamberto V. Calabio Pang. Punong Bayan


Kgg. Apolinar F. Tria Kagawad
Kgg. Nestor P. Tarriela Kagawad
Kgg. Jesus C. Tividad Kagawad
Kgg. Ely L. Vega Kagawad
Kgg. Godofredo F. Robles Kagawad
Kgg. Santiago L. Tristan Kagawad
Kgg. Rogelio C. Tesorio ABC President

HINDI DUMALO :

Kgg. Aladino N. Tria Jr., Kagawad

Ang pulong ay nagsimula sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa pamamagitan ng maayos na


pagtanggap ng Taga-Pangulo, Kgg. Lamberto V. Calabio, ng mga panukalang dapat lutasin at pag-usapan
hinggil sa kagalingang pambayan.
_____________________________________________________________________________________

KAUTUSANG PAMBAYAN BLG. 01


Serye ng 1992

ISANG KAUTUSAN NA MAHIGPIT NA NAGBABAWAL SA SINUMANG TAO NA PUMASOK SA LOOB NG


PAARALAN KUNG WALANG KLASE MALIBAN KUNG MAYY PAHINTULOT ANG SINUMANG GURO SA
MATAAS AT MABABANG PAARALAN DITO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG LOOC, KANLURANG
MINDORO MULA IKA-6:00 NG HAPON HANGGANG IKA-6:00 NG UMAGA

PANGKAT I. KONDISYON:

Seksyon 1. Maraming nagaganap na di kanais-nais sa loob at labas ng silid paaralan, tulad ng mga
sumusunod:
a) Pagpapahid ng dumi ng tao sa mga upuan, mesa at pisara;
b) Pagkasira ng mga pag-aari ng paaralan;
c) Pagkasira ng mga pananim ng ating paaralan;

Seksyon 2. Dahil ditto na mahigpit na ipinagbabawal ang pumasok sa loob ng paaralan ang
sinumang walang pahintulot ang guro at ipinagbabawal din na magtali o mag-alaga ng hayop sa loob na
nasasakupan ng paaralan.

1|Page
PANGKAT II. PARUSA:

Seksyon 1. Ang sino mang lumabag sa kautusang ito ay magmumulta ng halagang Limang daang
piso (Php500.00) o pagkabilanggo ayon sa itinakda ng batas.

PANGKAT III.

Seksyon 1. Ang lahat ng kautusan o bahagi ng kautusan na naiiba o salungat sa kautusang ito ay
pinawawalang bisa.

PANGKAT IV.

Ang kautusang ito ay magkakabisa pagkatapos na ito ay maaprubahan.

Sa mungkahi ni Kgg. Ely L. Vega, at pinangalawahan ni Kgg. Santiago L. Tristan, ang kautusang ito
ay pinagtibay.

PINAGKAISAHAN AT PINAGTIBAY: Agosto 10, 1992.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pinatotohanan ko ang nasasaad na kautusan sa itaas.

NAGPATOTOO:

(LGD) ROSALIE A. SALES


Kalihim ng Sangguniang Bayan

PINATUTUNAYANG WASTO:
(LGD) KGG. LAMBERTO V. CALABIO
Taga Pangulo
Pang. Punong Bayan

SUMANG AYON:
(LGD) KGG. FELESTIO N. TELEBRICO
Punong Bayan
Certified true copy:
CPV

2|Page

You might also like