Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabataan, Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

ni Aira Tiongson

Ano ang nangyayari sa Kabataan?


Nasaan ang pag-asa ng bayan?
Bakit tila nagiging cancer ng lipunan?
"Happy Anniversary Mahal"
Yan ang turan ng isang menor de edad na may hawak na trapal
May kasama pang bulaklak at letrang nakatapal
Ako'y nagulat sa kanilang edad
Labing apat na taong gulang, sa pag-ibig nakababad
Perang pinaghirapan ng magulang
Sa kalandian nilalaan
May humamon sa kanilang anibersaryo
Mayroong nagpost "Happy 6th Monthsary Mahal ko"
Naku po ang edad, labing tatlo
Ni hindi pa nga yata dinadalaw ng dugo
Nauna pang umibig kuno kaysa magdalaga ng husto
At syempre hindi mawawala ang mga pasikat ng todo
May nahagip na naman ang galang mata ko
"Happy 7th Daysarry Bh3 q0"
Jusko ano na ang nangyayari sa henerasyong ito?
May palobo at tsokolate pang nalalaman ang mga batang ito
Uniporme pa ng elementarya ang kanilang baro
Tila wala pang natatanggap na kahit anong diploma
Pero kay jowa meron nang pacartolina
Hindi rin talaga maiiwasan na may umeksena
Minutesary at Just Nowsary ang mga ideya
Tila tunay ngang kinain na ng sistema
Mga kabataan paniwalang paniwala sa pagmamahalan nila
Lakas pa ng mga loob ipangalandakan sa Social Media
Akala naman nila may natutuwa sa kanila
Mga iho at iha, kaysasakit ninyo sa mata
Umayos kayo ng magulang ninyo ay matuwa
Hindi yung pagpapagawa ng tarpaulin ang inuuna
Makakapaghintay ang pag-ibig mga kapatid
Pinapaalala ko lang at tila hindi mo batid
Unahin mo munang magkaroon ng diploma
Bago ka magpasikat sa iyong jowa
Huwag mong ilagay sa una ang pagkakaroon ng kasintahan
Dahil kapag iyan hindi mo tinigilan
Malamang kasunod na nyan ang sertipiko ng kapanganakan
Ng iyong panganay na hindi mo inaasahan
Sana hindi ka maging dahilan upang magsisi si Rizal
Tigilan mo na ganyang asal
Sa murang edad maging mabuti ka na sanang mamamayan
Upang hindi kami madismaya
Sa maaaring sagot kung ang kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan

You might also like