Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Sa Ibong Adarna
Pagsusuri Sa Ibong Adarna
Koridong Ibong
Adarna
Ipinasa ni:
7 - Genesis
Ipinasa kay:
Maam Joren
I. Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna
B. Tagpuan (Ilarawan)
Sa tahimik at masaganang Kaharian ng Berbanya.
C. Tauhan
Si Haring Fernanado na isang mabait na ama at makatarungang
hari ng Berbanya.
Si Donya Valeriana na asawa ni Haring Fernando na isang
mabuti at ulirang ina sa kanyang tatlong anak.
Si Don Perdo na isang sakim at masamang kapatid tulad ni Don
Diego na isa ding taksil at sakim na kapatid kay Don Juan.
Si Don Juan naman ay mabuti, mapagmahal at maawaing anak,
kapatid at kapwa sa iba. Siyay may busilak na puso.
Si Haring Salermo na isang masama at mahilig manubok na hari
sa kanyang kapwa at mga nasasakupan, ang kanyang anak namang si
Donya Maria na isang maawain at makapangyarihang dalaga.
Si Donya Leonora na isang tapat at maawaing kasintahan kay
Don Juan.
Si Donya Juana na isang maganda at maawaing babae.
Ang ermitanyo na may ibat-ibang katauhan na naging
matulungin kay Don Juan.
Ang Ibong Adarnang kaakit-akit ang kaanyuan at tapat na saksi
sa mga kataksilan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego.
D. Buod
Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may isang
haring nagngangalang Haring Fernando na dinapuan ng isang
misteryosong sakit na pawang isang mahiwagang ibon lamang ang
makakapagaling. Sa paghahanap ng tatlong anak ng hari sa Ibong
Adarna, ang dalawa sa kanila ay naging bato, sina Don Pedro at Don
Diego samantalang ang bunso namang si Don Juan ay nagtagumpay sa
paghuli sa ibong ito ngunit ang kanyang dalawang kapatid ay
pinagtaksilan siya sa kabila ng pagliligtas ni Don Juan sa kanila sa
pagiging bato. Ngunit nabunyag din ang katotohanan na si Don Juan ang
tunay na nakabihag sa naturang ibon. Ngunit dahil sa ginawang
pagpapakawala ng dalawang taksil na kapatid ni Don Juan sa Ibong
Adarna, napilitang umalis si Don Juan at magtungo sa Kabundukan ng
Armenya at doon niya natagpuan ang magkapatid na sina Donya Juana at
Donya Leonora. Ngunit muling nagtaksil ang kanyang dalawang kapatid
at hinulog si Don Juan sa balon at pilit na pinakasalan ni Don Diego si
Donya Juana habang si Donya Leonora naman ay nanatiling naghihintay
kay Don Juan. Sunod na tumungo si Don Juan sa Reino De Los Cristal at
dito niya natagpuan si Donya Maria at ang ama nitong nagbigay ng
maraming pagsubok. Sa huli, tumakas ang dalawa at nagtungo si Don
Juan sa Berbanya nang mag-isa. Nang maglaon, nakalimutan ni Don Juan
si Donya Maria na kanyang iniwan sa isang nayon. Sa mismong araw ng
kasal nina Don Juan at Donya Leonora, dumating si Donya Maria bilang
Emperatris at ipinaalaala ang kanilang wagas na pagmamahalang tila
nalimot ni Don Juan. Naalala ni Don Juan si Donya Maria at pinakasalan
ito at namuhay silang masaya at masagana sa kahariang kanilang
nakamit.
E. Banghay
1. Simula
Sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang
Haring Fernando na dinapuan ng isang misteryosong sakit na pawang
isang mahiwagang ibon lamang ang makalulunas. Bago nito, makailang
beses ng pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Una,
iginiit nilang sila ang nakahuli sa Ibong Adarna. Pangalawa, nang
pakawalan nila ang Ibong Adarna na naging dahilan ng pag-alis ni Don
Juan at panghuli, noong inihulig nila si Don Juan sa balon sa
pamamagitan ng pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali kay Don
Juan. Bago nito, natagpuan ni Don Juan ang magkapatid na prinsesa na
sina Donya Juana at Donya Leonora. Ngunit pilit na pinakasalan ni Don
Diego si Donya Juana habang nananatiling naghihintay sa pagbabalik ni
Don Juan si Donya Leonora.
2. Kasukdulan
Nang maglaon, si Don Juan ay sunod na naglakbay sa Reino
De Los Cristales, sa tulong ng Ibong Adarna at ng ermitanyo. Dito niya
nakilala si Donya Maria at ang ama nitong si Haring Salermo. Nagbigay
ang hari ng maraming pagsubok kay Don Juan at sa huli ng malaman ni
Donya Maria na ibig ipapatay ng kanyang ama si Don Juan, napilitang
silang tumakas.
3. Suliranin
Mga pagtataksil kay Don Juan ng mga kapatid niya at ang
tangkang pagpatay kay Don Juan ni Haring Salermo.
4. Tunggalian
Tao vs. Tao ito ay ang pagkokompetensya ng magkakapatid
sa atensyon ng kanilang ama ganundin para magkaroon ng
kapangyarihan.
Tao laban sa Tao: Don Juan at Haring Salermo
Tao laban sa Sarili: Don Diego at ang kanyang sarili (kung
sino ang kanyang kakampihan)
Tao laban sa Kalikasan: Don Juan at Serpente
Tao laban sa Lipunan: Don Diego at ang mga tao sa Berbanya
5. Wakas
Nagpakasal sina Don Pedro at Don Diego kina Donya Juana at
Donya Leonora at kinoronahan si Don Pedro bilang hari ng Berbanya.
Nagpakasal naman sina Don Juan at Donya Maria at silay bumalik sa
kaharian ng Reino delos Cristal at doon kinoronahan si Don Juan bilang
hari ng naturang kaharian.