Ruth

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Stephen Cliford Tubaa

Si Elimelec at kanyang Sambayanan sa Moab

[1](1-2) Nang ang Israel ay pinamumunuan pa ng mga hukom, nagkaroon ng taggutom sa buong
bayan. Kaya't ang mag-asawang Elimelec at Naomi na mga taga-Bethlehem, Juda ay
pansamantala munang nanirahan sa Moab kasama ang kanilang mga anak na sina Mahlon at
Quelion. Ang pamilyang ito ay mula sa angkan ng Efrata. [3]Namatay sa Moab si Elimelec at
naiwang biyuda si Naomi. Ang dalawa nilang anak [4]ay nakapag-asawa naman ng mga
Moabita, sina Orpa at Ruth. Ngunit pagkalipas ng mga sampung taon, [5]namatay rin sina
Mahlon at Quelion, kaya't si Naomi ay naulila sa asawa't mga anak. [6]Nabalitaan ni Naomi na
ang kanyang bayan ay pinagkalooban ng Diyos ng masaganang ani kaya't humanda sila ng
kanyang mga manugang na umalis sa Moab. [7]Naglakbay nga silang pabalik sa Juda. [8]Ngunit
sa daa'y sinabi ni Naomi sa kanyang dalawang manugang, Umuwi na kayo sa dati ninyong
tahanan, at manirahan sa inyong mga nanay. Kung paanong naging mabuti kayo sa mga yumao
at sa akin, nawa'y maging mabuti rin sa inyo si Yahweh. [9](9-10) Itulot nawa ni Yahweh na
kayo'y makapag-asawang muli at magkaroon ng panibagong pamilya. At sila'y hinagkan ni
Naomi bilang pamamaalam.Ngunit napaiyak ang mga manugang at sinabi sa kanya, Hindi
namin kayo iiwan. Sasama kami sa inyong bayan. [11]Sumagot si Naomi, Mga anak, huwag
na kayong sumama sa akin. Bumalik na kayo sa inyong mga magulang. Hindi na ako
magkakaanak pa upang inyong mapangasawa. [12]Umuwi na kayo. Matanda na ako para mag-
asawang muli. Kahit na umaasa akong makakapag-asawang muli, o kahit pa ngayong gabi ako
mag-asawa't magkaanak, [13]mahihintay ba ninyo silang lumaki? Alam ninyong ito'y hindi
mangyayari. Kaya, mag-asawa na kayo ng iba. Pinabayaan ako ni Yahweh, at hindi ko nais na
madamay kayo sa aking kasawian. [14]Pagkasabi nito'y lalo silang nag-iyakan. At hinagkan ni
Orpa ang kanyang biyenan, at nagpaalam na. Ngunit nagpaiwan si Ruth. [15]Sinabi ni Naomi
kay Ruth, Ang bilas mo'y nagbalik na sa kanyang bayan at sa kanyang mga diyos. Umuwi ka na
rin. [16]Sumagot si Ruth, Huwag po ninyong hilinging iwanan ko kayo. Hayaan na ninyo
akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta. Kung saan kayo tumira,
doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang
magiging aking Diyos. [17]Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako
malilibing. Parusahan sana ako ni Yahweh ng pinakamabigat na parusa kung papayagan kong
magkalayo tayo maliban na lamang kung paghiwalayin tayo ng kamatayan! [18]Nang matiyak
ni Naomi na hindi talaga magbabago ang isip ni Ruth na sumama sa kanya, hindi na siya
tumutol. [19]Kaya't nagpatuloy sila ng paglalakbay. Pagdating nila sa Bethlehem, nagulat ang
lahat. Hindi ba't si Naomi ito? tanong ng kababaihan. [20]Sumagot naman si Naomi, Huwag
na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat ako'y pinabayaang
magdusa ng Makapangyarihang Diyos. [21]Masagana ang buhay namin ni Elimelec nang umalis
dito. Ngunit ibinalik ako ni Yahweh na walang anumang dala. Huwag na ninyo akong tawaging
Naomi sapagkat ako'y binigyan ng Makapangyarihang Diyos ng matinding kasawian sa buhay!
[22]Iyan ang nangyari kaya't mula sa Moab ay nagbalik si Naomi kasama si Ruth, ang manugang
niyang Moabita. Nang dumating sila sa Bethlehem ay simula na ng anihan ng sebada. (Ruth
1:1,3-9,11-22)
Stephen Cliford Tubaa

Si Ruth sa bukid ni Boaz

[1](1-3) Isang araw, sinabi ni Ruth kay Naomi, Pupunta po ako sa bukid at mamumulot ng mga
uhay na naiiwan ng mga gumagapas. Doon ako sa may likuran ng sinumang papayag.Sumagot
si Naomi, Ikaw ang bahala, anak. Kaya't si Ruth ay nagpunta sa bukid at namulot ng mga uhay,
kasunod ng mga gumagapas. Nagkataong ang napuntahan niya ay ang bukid ni Boaz, isang
kamag-anak ni Elimelec na napakayaman at iginagalang sa kanilang bayan. [4]Di nagtagal,
dumating naman si Boaz mula sa Bethlehem. Sumainyo si Yahweh, ang bati niya sa mga
gumagapas.Pagpalain naman kayo ni Yahweh! sagot nila. [5]Nang makita si Ruth, itinanong ni
Boaz sa katiwala, Sino ang babaing iyon? [6]Siya po ang Moabitang kasama ni Naomi nang
umuwi rito mula sa Moab, sagot ng katiwala. [7]Nakiusap po siyang makapamulot ng nalaglag
na mga uhay. Pinayagan ko naman. Kaya't maagang-maaga pa'y naririto na siya. Katitigil lamang
niya para magpahinga sandali. [8]Nilapitan ni Boaz si Ruth at kinausap, Anak, huwag ka nang
pupunta sa ibang bukid. Dito ka na lamang mamulot kasama ng aking mga manggagawang
babae. [9]Tingnan mo kung saan sila gumagapas, at sumunod ka. Sinabi ko na sa mga tauhan ko
na huwag kang gambalain. At kung ikaw ay nauuhaw, malaya kang uminom ng tubig mula sa
aking banga. [10]Nagpatirapa si Ruth, bilang pagbibigay-galang, at nagtanong, Ako po ay
isang dayuhan, bakit po napakabuti ninyo sa akin? [11]Sumagot si Boaz, Nabalitaan ko ang
lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan mula nang mamatay ang iyong asawa. Alam ko ring iniwan
mo ang iyong mga magulang at sariling bayan upang manirahan sa isang lugar na wala kang
kakilala. [12]Pagpalain ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Gantimpalaan ka nawa ni
Yahweh, ang Diyos ng Israel sapagkat sa kanya ka lumapit at nagpakupkop! [13]Sumagot si
Ruth, Salamat po. Pinalakas ninyo ang aking loob sa inyong sinabi. Kahit ako'y isang hamak na
lingkod at sa katunaya'y hindi kabilang sa inyong mga manggagawa, naging mabuti kayo sa
akin. [14]Nang dumating ang oras ng pagkain, tinawag ni Boaz si Ruth, Halika rito. Kumuha
ka ng tinapay at isawsaw mo sa sarsa. Kaya't umupo na siyang kasama ng mga manggagawa, at
binigyan siya ni Boaz ng inihaw na sebada. Kumain naman si Ruth hanggang sa mabusog. May
natira pa sa pagkaing ibinigay sa kanya. [15]Nang ipagpatuloy niya ang pamumulot, pinagbilinan
ni Boaz ang mga manggagawa, Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa tabi ng mga binigkis na
uhay. Huwag ninyo siyang babawalan. [16]Maglaglag kayo ng mga uhay mula sa binigkis para
may mapulot siya. [17]Si Ruth ay namulot hanggang gabi, at pagkatapos ay giniik niya ang
kanyang napulot. Halos limang salop na sebada ang nakuha niya. [18]Umuwi si Ruth at ipinakita
sa kanyang biyenan ang naipong sebada, at ibinigay pa niya sa matanda ang lumabis niyang
pagkain. [19]Nagtanong si Naomi, Saang bukid ka ba namulot ngayon? Pagpalain nawa ng
Diyos ang taong nagmagandang-loob sa iyo! At ikinuwento ni Ruth ang nangyari sa kanya sa
bukid ni Boaz. [20]Kaya't sinabi ni Naomi, Pagpalain nawa siya ni Yahweh na hindi
nakakalimot sa kanyang pangako sa mga buhy at sa mga patay. Idinugtong pa niya, Malapit
nating kamag-anak ang taong iyon, isa sa mga may tungkuling mangalaga sa naiwan ng mga
yumao. [21]Nagpatuloy ng pagsasalaysay si Ruth, Sinabi pa niyang magpatuloy akong
mamulot sa kanyang bukid hanggang sa matapos ang anihan niya. [22]Sumagot si Naomi, Oo
nga, anak. Baka mapahamak ka lamang kung sa ibang bukid ka pupunta. Mabuti ngang manatili
Stephen Cliford Tubaa

kang kasama ng kanyang mga manggagawang babae. [23]Ganoon nga ang nangyari. Namulot si
Ruth kasama ng mga gumagapas sa bukid ni Boaz, hanggang sa maaning lahat ang trigo at ang
sebada. At namuhay siya sa piling ng kanyang biyenan. (Ruth 2:1,4-23)

Pinakasalan ni Boaz si Ruth

[1]Nagtungo si Boaz sa may pintuan ng lunsod at naupo roon. Di nagtagal, dumaan ang
tinutukoy niyang pinakamalapit na kamag-anak ni Elimelec. Pinsan, sandali lang. Maupo ka rito
at may sasabihin ako sa iyo, sabi niya. Lumapit naman ang tinawag at naupo sa tabi ni Boaz.
[2]Tumawag si Boaz ng sampung pinuno ng bayan at inanyayahan ding maupo roon.
[3]Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang kamag-anak, Ngayong nagbalik na si Naomi buhat sa
Moab, nais niyang ipagbili ang bukid ng kamag-anak nating si Elimelec. [4]Sa palagay ko'y
dapat mo itong malaman sapagkat ikaw ang unang may karapatang bumili niyon. Kung gusto
mo, bilhin mo iyon sa harap ng mga saksing pinuno ng bayan. Kung ayaw mo naman, ako ang
bibili.Bibilhin ko, sagot ng lalaki. [5]Agad na sinabi ni Boaz, Kung bibilhin mo kay Naomi
ang bukid, kasama sa bilihan si Ruth, ang Moabitang biyuda ng ating pinsan, upang ang bukid ay
manatili sa angkan ng namatay. [6]Pagkarinig niyon, sumagot ang lalaki, Kung ganoon, hindi
ko na gagamitin ang aking karapatan, sapagkat manganganib namang mawala ang sarili kong
mana. Ikaw na ang bumili. [7]Ganito ang kaugalian sa Israel noong unang panahon: kapag
tinubos o binili ang isang ari-arian, hinuhubad ng nagpatubos o nagbenta ang kanyang sandalyas
at ibinibigay sa bumili, bilang katibayan ng kanilang kasunduan. [8]Kaya't nang sabihin ng lalaki
kay Boaz na siya na ang bumili, hinubad nito ang kanyang sandalyas at ibinigay kay Boaz.
[9]Matapos tanggapin iyon, sinabi ni Boaz sa matatandang pinuno at sa ibang naroroon, Kayo
ang saksi ko na binili ko kay Naomi ang lahat ng nasa pangalan ni Elimelec, at nina Quelion at
Mahlon. [10]Kasama sa bilihang ito ay magiging asawa ko si Ruth, ang Moabitang biyuda ni
Mahlon, upang manatili sa angkan ng namatay ang mga ari-arian. Sa pamamagitan nito'y
mananatiling buhy ang kanyang pangalan sa hanay ng kanyang kamag-anakan at sa kanyang
bayan. Inuulit ko, saksi kayo sa bagay na ito. [11]At sila'y sumagot, Oo, saksi kami. Sinabi
naman ng matatanda, Pagpalain nawa ni Yahweh ang babaing iyon, at bigyan ng maraming
anak gaya nina Raquel at Lea, na pinagmulan ng lahing Israel. Ikaw naman, Boaz, sumagana ka
nawa sa Efrata at kilalanin sa buong Bethlehem. [12]Matulad nawa sa sambahayan ni Fares, na
anak nina Juda at Tamar, ang mga anak na ibibigay sa inyo ni Yahweh sa pamamagitan ng
kabataang babaing ito. [13]Napangasawa nga ni Boaz si Ruth at iniuwi sa kanyang tahanan.
Pinagpala ni Yahweh si Ruth kaya't ito'y nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki. [14]Sinabi
ng kababaihan kay Naomi, Purihin si Yahweh! Binigyan ka niya sa araw na ito ng isang apo na
kakalinga sa iyo. Maging tanyag nawa sa Israel ang bata! [15]Maghatid nawa siya ng kaaliwan
sa puso mo at mag-alaga sa iyong pagtanda. Ang mapagmahal mong manugang, na nagsilang sa
bata, ay higit kaysa pitong anak na lalaki. [16]Kinuha ni Naomi ang bata, magiliw na kinalong,
at inalagaang mabuti. [17]Siya'y tinawag nilang Obed. Ipinamalita nilang nagkaapo ng lalaki si
Naomi. Si Obed ang siyang ama ni Jesse na ama naman ni David. [18](18-22) Ito ang
Stephen Cliford Tubaa

pagkakasunud-sunod ng angkan mula kay Fares hanggang kay David: Fares, Hezron, Ram,
Aminadab, Naason, Salmon, Boaz, Obed, Jesse, at David. (Ruth 4:1-18)

You might also like