Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Abstrak

Paglalagom

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon na kaugnay sa persepsyon ng mga mag-aaral na Grade 12

ng Upland Integrated National High School ukol sa kakayahan ng mga guro

na maging isang lider. Nalikom ang mga datos sa 62 mag-aaral ng nasabing

paaralan sa pamamagitan ng deskriptibong disenyo upang masagot ang anim

na katanungan: 1.) Ano ang profayl ng guro batay sa: edad, kasarian,

pinakamataas na kursong natapos, haba ng taon ng pagtuturo at

designasyon? 2.) Ano ang profayl ng mga mag-aaral batay sa: edad,

kasarian, marka ng mag-aaral noong Grade 11, track/strand ng mag-aaral at

taong inilagi sa paaralan? 3.) Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral na

Grade 12 sa pagiging profesyunal ng isang guro batay sa: performans ng

guro, pamamahala sa silid-aralan, pamaraan sa pagtuturo, kakayahan sa

pakikipagkomunikasyon at kakayahang resolbahin ang mga suliraning

kinakaharap? 4.) Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral na Grade 12 sa

pagiging isang guro batay sa: pagiging maagap, pagiging patas sa lahat ng

sitwasyon, pagiging responsable, pagtataglay ng katapatan at pagkakaroon

ng respeto? 5.) Ano ang lebel ng Persepsyon ng mga mag-aaral sa Grade12

ng Upland Integrated National High School ukol sa kakayahan ng mga guro

na maging isang lider: positibo, neutral o negatibo? 6.) Ano ang uri ng

persepsyon ng mga mag-aaral na Grade 12 ng Upland Integrated National

High School ukol sa kakayahan ng mga guro na maging isang lider?

Isang matakdang palatanungan lamang ang ginamit upang masagot

ang nasabing suliranin.


Nilapatan ng percentage score upang malaruan ang anyo o antas ng

persepsyon ng mga nasabing mag-aaral para maging batayan sa pagkuwenta

ng mangahulugang bilang pamantayag lihis at makabuluhang pagkakaiba.

Mga Natuklasan

Ang mga sumusunod na pahayag ay mga natatanging natuklasan:

1. Mayroong mean na 4.52 batay sa performans ng guro na

nangangahulugang ang mga guro ng Upland ay may magandang performans

na lubos na sinang-ayunan ng mga mag-aaral ng Grade 12 ganun din sa

pamamahala sa silid-aralan, pamaraan sa pagtuturo, kakayahan sa

pakikipagkomunikasyon at kakayahang resolbahin ang mga suliraning

kinakaharap na mayroong mga mean na 4.49, 4.48, 4.52 at 4.47.

2. Samantalang batay naman sa naging resulta ng ang persepsyon ng mga

mag-aaral na Grade 12 sa pagiging isang guro batay sa: pagiging maagap,

pagiging patas sa lahat ng sitwasyon, pagiging responsable, pagtataglay ng

katapatan at pagkakaroon ng respeto mayroong itong mga mean na 4.62,

4.55, 4.61, 4.60 at 4.61 na lubos pa ring sinang-ayunan ng mga mag-aaral

mula sa Grade 12 kung kayat alam ng mga estudyante na ang mga katangian

ng isang lider ay matatagpuan nila sa kanilang guro.

3. Samantalng pagdating sa persepsyon ng mga mag-aaral na Grade 12 ng

Upland lumabas sa resulta na mayroon silang positibong persepsyon na

kumakatawan sa 96 bahagdan samantalang ang natitirang mga apat na

bahagdan ay neutral.

Konklusyon
Batay sa naging resulta ng pag-aaral mayroong positibong persepsyon

ang mga mag-aaral na Grade 12 sa pagiging isang lider ng guro. Isang

patunay lamang ito na nagagampanan ng maayos ng mga guro ang kanilang

tungkulin bilang tagapayo, lider at bilang isang magulang na rin. Batay pa rin

sa resulta tinataglay talaga ng isang guro ang katangian ng isang lider kung

kayat maraming nagkaroon ng positibong persepsyon kahit na may ilang

neutral na persepsyon o hindi tiyak. Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito

maaring maging isang huwarang lider din ang mga estudyante kung ang

kanilang mga guro ay may kakayahang hubugin, paunlarin, pasunurin at

maging isang inspirayon sa bawat estudyante ng paaralan.

Rekomendasyon

Upang mas maging matagumpay pa ang pag-aaral na ito

inererekomenda ng mga mananaliksik na:

1. Patuloy na suportahan ng paaralan ang mga aktibidad na maghuhubog at

magpapalabas ng katangian ng isang lider.

2. Kung makikilahok ang mga guro at estudyante sa mga seminar na

ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon mas mahahasa ang kanilang

kakayahang mamuno.

3. Kung ang bawat magulang ng mga estudyante ay magbibigay ng suporta

sa kanilang anak at sa mga guro mas lalong magiging maganda ang

performans ng isang guro bilang lider.


4. Patuloy na ipakita ng mga guro na dapat sila ay tularan at maging isang

inspirasyon sa mga estudyante at imulat ang mga ito sa pagiging tunay na

lider.

5. Ang bawat estudyante ay dapat ginagawa ang kanilang mga tungkulin kahit

sa simpleng bagay na pagsisimulan ng pagbabago at pagdating ng panahon

maging isang lider din at patnugot ng bayan.

You might also like