Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Jose Corazon de Jesus

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na
anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang celio ng Corazon (puso sa Espaol) dahil iyon daw ang tumutugma sa
kanyang katauhan.

Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa
nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag
ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Sino nga ba ang asawa niya?

Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de
Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat
ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Tuliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay
Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum,
pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya
ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang
Estados Unidos.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya
ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang
Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito
Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio
Salagubang at Tubig Lily'

Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na
nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng
kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at
pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng
tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong
mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.
May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong Abril
6, 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang balagtasan at
nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina De Jesus at Florentino Collantes.

Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga


pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat
sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing
noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at
binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya noong
1932.

Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang
umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon
(Atang dela Rama at Maria Santos). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus,
na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino.

Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang kanyang
sakit hanggang siya ay mamatay noong Mayo 26, 1932. Iniwan niya ang kanyang asawang si
Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio.

Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng
pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya
sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang
Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog. Kasama


sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila ang triumvirate ng Kilusang Propaganda.
Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido Lopez
ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni Padre Francisco Jayne
ng Colegio Provincial ng Jaro.

Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong
Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang
ama, si Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral
nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa
pagsamba ang tinubuan ni Graciano.

Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na
noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre
Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing
niyang magsalita.

Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag
sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas
ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa
Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro
sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi
bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano
nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit
niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.

Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle
sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa
sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi
nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga
tao.

Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa
Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaa,
campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Espaol na
alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na
natural ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin
siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa Espaa.

Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad".
Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala
sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban
ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.

Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.


Epifanio De Los Santos

Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay


(historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor
ng mga antique.

Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang
hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay
tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim
ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila.
Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na
nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas
na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman.

Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga


nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-
ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya
ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng
kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo na naging tagpuan
ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol,
Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang
dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses.
Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid at
nakilalang unang Academician ng bansa.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta


ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong
pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G.
Solon.
Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim
Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904.
Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St.
Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya
at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat
para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan.

Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong
1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng
Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood
bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de
Tavera na binawian ng buhay.

Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya Ursula
Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa
kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala
siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong.

Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan


ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat
ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling
kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911),
Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas
(1920).

Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del
Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula
sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.
Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa
kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong
Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang
rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor
na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara.

Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang
kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil
sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura,
ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay
ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.
Jose Palma

Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat
niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni Rafael
Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay sina
Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa Ateneo
Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga hukbong
manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong
tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong
siyay labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma, si
Jose ay tahimik at mahiyain subalit emosyonal at romantiko.

Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong
Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo Limon
at nakipaglaban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino.

Noong ikalawang bahagi ng labanan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano para makamit


ang kalayaan ay nakasama siya sa editorial staff ng noo'y popular na pahayagang La
Independencia. Dito niya napatunayan na higit siyang isang manunulat kaysa isang kawal.

Sumama sa himagsikan noong itoy maging laban sa mga Amerikano. Ngunit kahit taglay
niya ang damdamin at sigla ng paghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa
higpit at hirap ng buhay sundalo, kayat ginugol niya ang kaniyang panahon sa panlilimbag sa mga
kawal na manghihimagsik sa pamamagitan ng kaniyang mga kuniman.

Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat
sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay
Julian Felipe na gumawa si Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang
Pilipino, ang mga titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik
na ito habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista,
Pangasinan. Ang Filipinas na sinulat ni Palma noong buwan ng Agosto, 1899, ay nalimbag sa
unang pagkakataon sa pahayagang La Independencia noong Setyembre, 1899. Ang mga letra ni
Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagkat ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong
gamitin. Ang isa sa mga pinaka-madamdaming tula ni Jose Palma ay ang tulang De Mi Jardin
(Mula sa Aking Hardin).

Ang iba pang mga tulang makabayan ni Palma na nasulat ay Rizal en la Capilla, Al Album
Muerto, Filipinas Por Rizal Al Martir Filipino at La Ultima Vision.

Ang kanyang talambuhay na sinulat niya sa anyo ng tula ay may pamagat na Iluciones
Marcitas (1893). Sa tulang ito ay idinaing niya nang paulit-ulit ang matindi niyang pagdaramdam
sa kaisa-isang babaing kanyang minahal na si Florentina Arellano.

Ang mga kundiman ni Jose Palma ay punung-puno ng damdamin ng pag-ibig. Pagkatapos


ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902 ay nagpatuloy siya sa pagsusulat. Ito ang naging
hanapbuhay niya. Nagkaroon siya ng pitak na Vida Manileija sa pahayagang El Renacimiento.
Sumulat din siya ng mga tula at artikulo sa mga pahayagang El Comercio, La Moda Filipina, La
Patria, La Union, at Revista Catolica.

Ang kanyang mga tulang madamdamin na sa ngayon ay mahalagang bahagi ng ating


panitikan ay tinipon at ipinalimbag ng kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma. Ang kanyang mga
tula, tinipon sa isang aklat na pinamagatang Melancolicas (Mga Panimdim) ay inilathala ng
kanyang kapatid ng panahon na ng Amerikano.

Maaga siyang binawian ng buhay sa edad na 30 noong Pebrero 12, 1903.

You might also like