Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BRISBANE, Australia Kontrobersyal, ngunit kasaysayan sa

Australian boxing ang pagwawagi ng dehadong si Jeff Horn kontra kay


11-time world champion at boxing living legend Manny Pacquiao via
unamimous decision nitong Linggo sa harap nang nagbubunying
51,052 local crowd sa Suncorp Stadium.
Nakuha ni Horn, agrabyado sa statistics, ang ayuda ng mga hurado sa
iskor na 117-111 (Waleska Roldan ng New York), 115-113 (Chris
Florez ng Arizona) at 115-113 (Ramon Cerdan ng Argentina).
Naagaw ng 29-anyos na dating guro at Olympian ang World Boxing
Organization (WBO) welterweight crown, gayundin ang karapatan na
tawagin na isa sa mga fighter na nakatalo sa future hall-of-famer.
I feel amazing and I feel I am on cloud nine, pahayag ni Horn, ginamit
ang bentahe sa laki at diskarte para tapatan ang karanasan at bilis ni
Pacquiao.
I felt buzzed for sure, but Im the Hornet Ive got to come back,
aniya, patungkol sa ikasiyam na round kung saan dumanas siya nang
labis na hirap at halos mapatumba na siya ni Pacman.
Im not a quitter. Australians arent quitters to start with. Weve
showed were winners. It was the battle of Brisbane, thats for sure.
Absolutely unbelievable. So pumped.
Sa nakamit na panalo (17-0) sa batang career, ipinapalagay na sisirit ang
career ni Horn, habang ang kaganapan ay mistulang paalala sa Pinoy
champion para muling pag-isipan ang pagreretiro sa edad na 38-anyos.
Ngunit, sinabi ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao sa Top Rank, na may
nakasaad na rematch sa kontratabg nilagdaan laban kay Horn.

I know Jeff would welcome the rematch, but I dont known Mannys
future position, sambit ni Arum. Is he going to stay in politics and not
continue in boxing? I dont know, and he doesnt know now its
unfair to ask him now.
Absolutely, tugon ni Pacquiao sa katanungan para sa rematch.
Sa pagtatapos ng laban, duguan si Pacquiao dulot ng sugat na nilikha ng
head butt ni Horn sa ikaanim at ikapitong round. Ipinahayag naman ni
referee Mark Nelson ng US na pawang aksidente ang dalawang
pagkakataaon.
Matikas ang simula ni Horn at sinamantala ang pagtatanya ni Pacquiao
sa lakas ng kanyang mga suntok.
Sa ikaanim na round, nakatama ng solid si Horn, ngunit hindi niya ito
napuruhan. Tinangka niyang sundan ito sa mga sumunod na palitan ng
suntok, subalit matatag at mabilis ang ilag ni Pacman.
Parang diesel si Pacquiao sa ikasiyam na round nang kanyang
dominahin si Horn at sa ilang sunod-sunod na kombinasyon ay
mistulang tutupi na ang mga tuhod ng Australian dahilan para
magtayuan at magsigawang ang pro-Aussie crowd.
Ngunit, naialba ni Horn ang atake ni Pacquaio at nagpatuloy ang
pakikisagupa sa Pinoy champion.
Magaan naman sa loob na tinanggapni Pacquiao ang kabiguan sa
desisyon ng mga hurado.
Thats the decision of the judges and I respect that, aniya.

You might also like