Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGKALAHATANG IDEA (OVERVIEW)

Ang Samahan ng Mag-aaral at Guro ng Filipino ay naglalayong magbigay ng _____________ . Sa gaganaping


Buwan ng Wika isasakatuparan ang pagdidisenyo ng logo ng nasabing samahan. SAMAG-FIL Paligsahan sa
Pagdidisenyo ng Logo. Ang Logo na mapipili ay siyang magsisilbing opisyal na kinatawan na logo ng Samahan.
Ang lahat ng manlalahok ay dapat sundin ang lahat ng alitutunin ng patimpalak. Ang sinumang lumabag sa
naitakdang pamantayan at regulasyon ay maaaring maalis ang karapatang sumali sa nasabing paligsahan.

KATANGIANG ANGKOP
1. Ang paligsahan na ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral mula sa Baitang Pito(7) hanggang labing-dalawa
(12) ng paaralang Manuel S. Enverga Memorial School of Arts and Trades.

2. Ang mga kalahok ay maaaring magbigay hanggang dalawang disenyo ng LOGO.

NILALAMAN NG DESENYO
1. Ang Tradisyonal na Pagdidisenyo ng Pagguhit gamit ang malayang kamay ay dapat sumakto sa sukat na
8 x 10 sa papel. Ang paggamit ng maraming kulay ay pinahihintulutan.

2. Kinakailangang magbigay na maikling deskripsiyon na nagpapaliwanag sa lahat ng isinaling bawat


piraso ng logo. Ang paliwanag ay hindi dapat lumagpas sa limang-daang (500) salita.

3. Ang disenyo ng logo ay hindi dapat magpakita ng kahit anumang marka, inisyal and mga salita,
pangungusap na mabibigay pagkilanlan sa gumawa o sa grupo sinasalihan.

PATNUBAY SA PAGPAPASA NG DESENYONG LOGO


1. Ang lahat ng gawang disenyong logo ay maaaring ipasa sa lahat ng kaguruan ng Asignaturang Filipino.
2. Ang pagpapasa ng Disenyong Logo ay tatagal lamang mula Agosto 7 hanggang 10.
3. Ang lahat ng maipapasang gawang logo ay dapat naglalaman ng impormasyon ng kalahok
PANGALAN:
BAITANG:
PANGKAT:
DESENYO 1 ( ___ ) 2 ( ___ )

PARAMETRO NG KUMPETISYON AT INTELEKTUWAL NA KARAPATANG PAGMAMAY-ARI


1. Ang lahat ng kalahok ng paligsahan ay nararapat na magsumite ng orihinal na disenyo ng logo at hindi
kailaman isinali sa kahit anumang paligsahan. Ang gawang disenyo ay hindi dapat lumalabag sa umiiral na
mga copyright ng anumang ikatlong partido na mga copyright. Anumang mga reklamo na maaaring
lumabas dahil sa pagkakatulad, pagkakahawig o paghahambing ng disenyo ay pananagutan ng kalahok at
magiging responsable upang patunayan ang pagiging tunay at orihinal na gawa nito.

2. Ang kumpetisyon sa paggawa ng logo ay hahatulan ayon sa mga sumusunod na pamantayan:


Konsepto / Kaugnayan - 40%
Pagka-orihinal - 30%
Pagkamalikhain at Epekto - 30%
Kabuuang Puntos 100%

3. Ang mananalong entry ay ipapahayag sa Augosto 25, 2017 (Biyernes) ng hurado o alinman sa mga
miyembro ng panel ng mga hurado. Ang desisyon ng mga hurado ay final at hindi maaaring mabago.

You might also like