Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Talambuhay ng Apat na Pilipinong Manunulat

NICK JOAQUIN
Si Nicomedes Mrquez Joaqun, na kinikilala ng karamihan bilang Nick
Joaquin, ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at
mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling
kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan,
ang paksa ng kanyang mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at
buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mga mambabasa. Kinikilala
rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat. Siya ay
ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay
malambing at masining.
TALAMBUHAY
Isinilang si Joaquin sa Paco, Maynila. Siya ay anak ni Leocadio Joaqun, isang abugado at koronel
sa Himagsikang Pilipino at Salome Marquez. Hindi nagtapos ng mataas na paaralan at
naghahanapbuhay nang di karaniwan sa may baybayin ng Maynila sa kung saan man. Tinuruan
sa sarili sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas at sa
aklatan ng kanyang ama kung saan lumawak ang kanyang hilig sa pagsusulat. Unang inilathala
ang likha ni Joaquin sa bahaging pampanitikan ng Tribune, isang pahayagang bago sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ni Serafin Lanot, isang manunulat at patnugot.
Pagkatapos ng pagkapanalo sa pangmalawakang-bansang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay
sa La Naval de Manila na pinamahala ng Dominikano, iginawad ng Pamantasan ng Santo
Tomassi Joaquin ng pandangal na Kolega sa Sining (A. A.) at pagpapaaral sa Kolehiyo ng St.
Albert, ang monasteryong Dominikano sa Hong Kong. Gayumpaman, hindi niya itinuloy
pagkatapos ng halos isang taon. Pagkauwi niya sa Pilipinas, sumanid siya sa Philippines Free
Press, nagsimula bilang manunuri sa pagbabasa. Sa katagalan, nakilala siya ukol sa kanyang
mga tula, kuwento at dulaan, ganundin ang kanyang pamamahayag sa ilalim ng kanyang panulat
na pangalang Quijano de Manila. Ang kanyang pamamahayag sa pagsusulat ay nakatatak nang
pangkatalinuhan at mapang-akit, isang di-nakikilalang uri sa Pilipinas sa panahong iyon,
inaangat ang antas ng pagbabalita sa bansa.
Naglingkod si Joaquin bilang kasapi ng Lupon ng mga Tagapuna para sa mga Gumagalaw na
Larawan sa ilalim ng Pangulong Diosdado Macapagal at Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon
kay Marra PL. Lanot, isang manunulat, hindi ginagalaw si Joaquin ng kamay na bakal ni Marcos.
Ang unang hakbang ni Joaquin bilang Pambansang Alagad ng Sining ay maging panatag sa
pagpapalaya ng nakulong na manunulat na si Jose F. Lacaba. Sa isang seremonya sa Bundok
Makiling na pinangunahan ng Unang Ginang Imelda Marcos, nagpahayag si Joaquin sa
panawagan ng Mariang Makiling, isang alamat na dalaga ng bundok. Nadama niya ang
kahalagaan ng kalayaan at ang artista. Bilang bunga, hindi na siya inanyayaahan na magpahayag
ng anumang mga mahahalagang kaganapang pangkultura.
Sumakabilang-buhay si Joaquin dahil sa atake sa puso sa umaga ng Abril 29, 2004 sa kanyang
tahanan ng San Juan, Kalakhang Maynila. Sa kapanahunan ng kanyang kamatayan, siya ay
patnugot ng magasing Philippine Graphic at tagalathala ng pahayagang Mirror Weekly, isang
magasing pangkababaihan. Sumulat din siya ng mga lathalaing Small Beer para sa Philippine
Daily Inquirer at Isyu, isang tabloyd na pang-opinyon.

BIENVENIDO LUMBERA

Si Bienvenido Lumbera ay isang makata, tagapuna, dramatista,


at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan. Siya
ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad
Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing
Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang
ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon
sa Aklat, at ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa
Panitikan.

Talambuhay
Isinilang si Lumbera sa Lipa noong Abril 11, 1932. Noong halos isang taon gulang pa lamang, ang
kanyang ama na si Timoteo Lumbera (isang tagapukol ng lokal na kuponan ng beysbol), ay
nahulog mula sa puno, nabali ang likod, at nabuhay. Pagkatapos ng ilang taon, nagkasakit ang
kanyang ina na si Carmen Lumbera sa karamdaman na kanser at namatay. Sa taong limang
taong gulang, siya ay naulila. Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay inampon
ng kanilang pang-amang lola, Eusebia Teru.
Pumasok siya sa paaralan na may pagkabantulot. Sa unang araw, kinakailangan ni Eusebia na
hilahin siya papuntang Mababang Paaralan ng Padre Valerio Malabanan, nagwawasiwas ng
sangay ng puno. Sa totoo lamang, ang kabuuang unang taon ni Lumbera sa paaralan ay kalunus-
lunos. Naalala niya ang kanyang guro, Gng. Contreras, na minsan pinapalo siya na may patpat
nang dahil sa may inuulat na kanyang kapilyuhan sa guro mula sa tiyak na tuta ng guro na may
pangalang Angel. Simula sa ikalawang baitang, gayumpaman, ang kanyang mabilis na pagtuto sa
pagbabasa ay nabigyan ng kakilanlan kay Lumbera bilang kinikilingang mag-aaral. Mula't sapul,
sinasabi nang pang-akademika, hinaharap ng paaralan ng ilang kahirapan.
Pagkatapos ng digmaan, bumalik sina Lumbera at ang kanyang lola sa tahanan sa Lipa. Si
Eusebia, gayumpaman, ay kinabukasang sumakabilang-buhay dahil sa katandaan at naulila na
naman siya. Para sa kanyang mga bagong tagapangalaga, pinagpipili siya sa mga dalagang
tiyahin kung saan kinakailangan ng kanyang nakatatandang kapatid na tumira kina Enrique at
Amanda Lumbera, ang kanyang nino't ninang. Sa huli ay wala silang anak na sarili at sinasabi ni
Bienvenido, noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya, na pinili niya sila sapagka't
"ipapadala nila ako sa paaralan."
Para sa mataas na paaralan, lumipat si Lumbera sa paaralang pribado ng Akademiyang Mabini,
kung saan umusbong ang kanyang pag-ibig sa wika. Nagtapos si Lumbera nag pangatlo at
nagtalumpati ng mabulaklak na Klase sa Kasaysayan sa araw ng pagtatapos.
Nagtapos si Lumbera ng dalubhasaang pamamahayag at Pantas ng Sining mula sa Pamantasan
ng Santo Tomas noong 1950, at kasunod ang Paham ng Pilosopiya sa Panularang
Panitikan sa Pamantasang Indiana noong 1967. Nagturo si Lumbera ng Panitikan, Araling
Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Ateneo de Manila, Pamantasang De La Salle-
Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, at ang Pamantasan ng Santo Tomas. Inatasan siya bilang
panauhing-propesor ng Araling Pilipino sa Araling Panlabas ng Pamantasang
Osaka sa Hapon mula 1985 hanggang 1988 at kauna-unahang nagtatahang iskolar
sa Pamantasan ng Hawaii sa Manoa.

LOPE K. SANTOS
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 Mayo 1,1963) ay isang tanyag
na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa
simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin
siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Talambuhay

Sa Larangan ng Panitikan

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa


mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas
inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng
kadalubhasaan sa siningmula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa
Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa
Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa. [4]Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging
Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin
siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon
sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali
ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog. [4]
Sa larangan ng pulitika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4]

FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala


bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling
na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang
obra maestra.
Talambuhay

Unang mga taon


Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag
rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at
ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang
parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni
Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila.
Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre
Mariano Pilapil
Buhay Bilang Isang Manunulat
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko
para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa
larangan na panulaan.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya"
at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si
Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para
hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si
Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan,
isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at
pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.
Huling Mga Araw
Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng
buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit
at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at
ang 7 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa pulmonya at
katandaan.

You might also like