Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagong at ang Kalabaw

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan
sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na Hindi ang
isang tulad mo ang nais kong maging kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at
kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa nat maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. Sobra kang mapang api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan dapat mong malaman na ang maliit ay
nakakapuwing.
Napika si Kalabaw, Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang
kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. Kapag ako ay
tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.
Matibay ka talaga, ha. Pwes, Kailan mo gusting umpisahan ang karera? pakutyang
sambit ng kalabaw.
Bukas ng Umaga, sa ding ito, ang daling sagot ng pagong.
Tuwang tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya
at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalin, kinausap niya ang apat na kaibigang
pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok ng bawat bundok hanggang sa
ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang
makakalaban niya sa karera O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang
kondisyon ng ating karera? tanong ng kalabaw.
Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng
bundok na iyon ay siyang panalo, sabi ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaaw
ang unang bundokngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na akala niya ay
ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang
bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon.
Galit nag alit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok.
Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan
niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa
halip ay ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko
sa pagsipa sa mahina at maliit na pagong.

You might also like