Dear Crush

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Dear Crush

Noong ikay aking nakita

Di ko alam kung san mag sisimula.

Ngunit sabi ko sa sarili ko simulan muna sa umpisa.

Humingi ako ng payo.

Sa kaibigan kong kaloko-loko.

Sabi niya suyuin ko muna ang isang tulad mo.

Sa tuwing tayoy nag kakasama.

Tingin koy di malipat sa iba.

Nabighani sayong maamong mukha.

Ilang taon na rin kitang kasama.

Ngunit di ko parin masabi na may lihim akong pag sinta.

Alam kong torpe pakinggan, dahil sa tuwing ikay aking nakikita napapaurong aking dila.

Ngunit napagtanto ko na ito na ang tamang panahon para umamin sayo mahal.

Ang tamang panahon upang ipagtapat sayo kung gaanu kita kamahal.

Ang tamang panahon para ipagsigawan na ganun kita kamahal.

Tinanong kita, kung mahal mo rin ba ko.

Ang sagot mo oo.

Araw na di ko malilimutan sa tanan ng buhay ko.

Nag uumapaw na saya ang nararamdaman ko.


Isang araw ramdam ko ang pag wasak ng aking puso.

Tila pinukpok ng martilyo.

Tipong tagos hanggang sa buto.

Ramdam ko ang pag tulo ng aking mga luha.

Pag agos ng tubig mula sa aking mga mata.

Ansarap balikan ng mga ala-ala nating dalawa.

Parang kahapon lang masaya tayo sa isat-isa.

Ngunit ng umamin ka sakin akala koy ako na.

Ngunit di parin pala sapat ang isa.

Umamin ka sakin na may lihim kang pag tingin.

Sa aking kaibigan na itinuring ko pang higit sa langit.

Nag paraya ako dahil alam kong sa kanya ka sasaya.

Pero masakit parin pala tanggapin ang katotohanan na sa kanya ka na.

Ipinaramdam kong masaya ako para sa inyo.

Kahit alam kong sa kaloob-looban koy nasasaktan na rin ako.

Nanatili ako sa isang sulok, habang pinag mamasdan na masaya ka na sa iba.

Habang minute-minuto Segundo-segundo ay nawawalan na ko ng pag asa para mahalin ka pa.

Alam mo kung anung masakit? Yung nakikita kang umiyak sa piling niya.

Tila napapako ang aking paa sa tuwing nakikita kitang nasasaktan ng dahil sakanya.

Sinubukan kong lumayo.


Lumayo ako dahil di ko na kinaya ang mga nasisilayan ko.

Pasensya na dahil di ko na kaya ang mga nakikita ko.

You might also like