Tsapter 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Naging pangunahing parte na ng industriya ng aliwan ang video games.


Umabot ang halaga nito sa tumataginting na 76 Billion USD sa taong 2013, at
patuloy pa rin itong lumalaki. Sa kasalukuyan, nabibilang ito sa mga
pinakamabilis na lumalaking industriya sa mundo. Kahit na ito ay nilalaro sa
pamamagitan ng isang kompyuter, laptop o TV gamit ang isang console, ang
video games ay ginagamit bilang libangan hindi lamang ng mga bata, kundi pati
na rin ng mga matatanda, lalaki man o babae. Sa Estados Unidos lamang,
humigit-kumulang sa 155 Milyon na mga indibidwal ang naglalaro ng video
games, at karamihan sa mga tao na maituturing bilang manlalaro (karaniwang
naglalaro ng tatlong oras sa isang linggo) ay karaniwang tatlumput tatlong (31)
taong gulang at bahagyang kalahati nito (48%) ay binubuo ng mga babae.
Ipinapakita nito na ang industriya ng video games ay hindi lamang malaki, kundi
may malawak rin na hanay ng tagagamit sa kahit na anong edad at kasarian. Sa
kabila ng lahat ng ito, masama pa rin ang turing ng nakararami sa video games at
nakikita lamang ito bilang isang gawain na nakakasayang lang ng oras ng
kabataan.
Sa tuwing binabanggit ang video games, hindi ito naihahambing sa mga

salitang katulad ng katalinuhan at karunungan, lalong lalo na kapag sinabayan pa

ito ng mga salitang first person, shooter, at aksyon, na karaniwang

binibigyan ng masamang kahulugan ng tao . Naglalarawan ang mga salitang iyon

sa isang uri ng video game na tinatawag na First Person Shooter o FPS.


Ang FPS games ay isang uri ng video games na nakasentro sa paghawak ng
sandata, kadalasan ay baril at kadalasan ay naaayon sa tauhan na ginagampanan
ng manlalaro ang pananaw nito. Sa ibang salita, nararanasan ng manlalaro ang
aksyon sa pamamagitan ng mga mata ng tauhan na kanyang ginamit sa paglaro.
Maihahalintulad ito sa totoong buhay kung saan ang makikita lamang ay ang
2

mga braso, kamay, katawan, mga paa, at ang kapaligiran nito. Kadalasan, ang
mga ganitong uri ng video games ay may layunin o misyon at upang
makumpleto ito ay gagamit ang tauhan ng ibat ibang klase ng sandata. Isang
magandang halimbawa nito ay ang sikat na franchise ng Call of Duty, kung saan
gagampanan ng manlalaro ang katauhan ng isang sundalo at sasabak sa mga iba't
ibang digmaan sa kasaysayan ng mundo, mula sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga laro ng nasabing franchise ay
ang Call of Duty: Modern Warfare II, kung saan naging kontrobersyal ang isa
sa mga misyon nito. Ang manlalaro ay magsasagawa ng terrorist attack sa
pamamagitan ng pagpatay ng mga sibilyan sa isang paliparan. Hindi maitatanggi
na marahas o bayolente ang tema ng laro ngunit sa kabila nito, nabibilang pa rin
ito sa mga pinakasikat na video games. Dahil dito, ang ganitong uri ng laro ay
kadalasang pinupuna dahil sa masamang impluwensya nito at inuugnay sa
pagiging bayolente ng manlalaro. Sa kabila nito, ayon sa mga pag-aaral, hindi
inakalang nagkaroon ang mga manlalaro ng ganitong uri ng video games ng mas
mataas na marka sa mga mahahalagang abilidad na isinaalang-alang ng mga
siyentipiko sa mga naunang pag-aaral kung ikukumpara sa mga hindi naglalaro
nito, at sa mga naglalaro ng iba pang uri ng video games kagaya ng strategy-
based games, na hindi lingid sa kaalaman ng lahat na itinuturing na nakakatulong
sa pagtalas ng utak

1.1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa mundo ngayon, hindi maitatanggi na ang video games ay isang


malaking bahagi ng lipunan, ngunit marami sa mga ito, sa pagdaan ng mga taon,
ay nakakuha ng masamang impresyon mula sa mga hindi manlalaro nito, lalong
lalo na ang FPS games. Ang mga opinyon at paniniwala ng mga hindi manlalaro
ay maaring napaka-bayas at hindi patas para sa mga manlalaro at nagpaplanong
maglaro ng mga FPS games.
3

1.2 LAYUNIN NG PAG-AARAL

Dahil sa hindi patas na mga opinyon ng nakararami tungkol sa FPS


games, layunin ng mga mananaliksik ang sumusunod:
1. Ilahad ang mga benepisyong makukuha mula sa paglalaro ng mga FPS
games.
2. Ilahad ang mga abilidad ng utak na mahahasa sa paglalaro ng FPS.
3. Ilahad kung ano ang limitasyon sa paglalaro ng FPS upang maiwasang

mapasobra ng manlalaro ang paglalaro.

1.3 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang makapagbigay ng sapat at tunay


na impormasyon tungkol sa epekto ng FPS games sa mga mag-aaral, magulang,
guro, administrasyon ng paaralan at sa mga mananaliksik.
Mag-aaral. Makapagbigay ng impormasyon tungkol epekto ng FPS
games sa kanilang utak.
Magulang. Makapag-bigay ng impormasyon sa mga magulang tungkol
sa magandang dulot ng paglalaro ng kanilang anak ng FPS games at sa gayoy
maunawaan at magawa ang tamang desisyon upang magabayan ang mga anak at
mapagtibay ang relasyon ng pamilya.
Guro. Maunawaan na mayroong magandang naidudulot ang paglalaro ng
FPS games at sa gayoy makapagbigay ng gabay sa kanilang estudyante.
Administrasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na magsilbing tulay upang
maihatid ang magandang epekto na nararanasan ng kabataan sa paglalaro ng FPS
games at sa gayoy makapagbigay ng agarang aksyon, solusyon, o tulong upang
4

mapaunlad pa ang benepisyong nakukuha ng kabataan sa paglalaro ng FPS


games.
Mananaliksik. Makapagbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa
paglinang ng FPS games sa utak ng manlalaro.

1.4 SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakasentro lamang sa isang uri ng video


games, ang First person shooter o FPS games at wala nang iba. Ang mga
mabuting epekto ng FPS games sa utak lamang ang tinatalakay ng mga
mananaliksik at dahil dito, hindi sakop sa pag-aaral na ito ang mga masamang
epekto ng labis na paglalaro ng video games. Ang pisikal na kakayahan ay hindi
sakop sa mga pananaliksik na ginawang batayan sa pag-aaral na ito. Ang mga
sabjek sa mga pananaliksik na ginawang batayan sa pag-aaral na ito ay pinalaro
sa loob ng pamantayang kalagayan at katamtamang oras.

1.5 DEPINISYON NG MGA TERMINONG GINAMIT

Brain cognition - ay ang kaisipan aksyon o proseso ng Kinukuha ang


kaalaman at pag-unawa sa pamamagitan ng pag-iisip, karanasan, at ang mga
pandama. -Ito ay sumasaklaw sa mga proseso tulad ng kaalaman, pansin,
memorya at nagtatrabahong memorya, paghatol at pagsusuri, pangangatwiran at
"komputasyon", problema paglutas at desisyon paggawa, pag-unawa at
produksyon ng mga wika, at iba pa.
Liquid-crystal display (LCD) - ay isang flat-panel display o iba pang
mga elektronikong paraan modulated optical aparato na gumagamit ng light-
modulating katangian ng likidong kristal.
Cathode ray tube (CRT) screen - ay isang specialized vacuumtube kung
saan ang mga imahe ay ginawa kapag ang isang elektron beam naaabot
ngaphosphorescent surface.
5

Console - ay isang uri ng plataporma ng paglalaro ng video games. Ang


pangunahing kompanya na gumagawa nito ay ang Microsoft, Sony at Nintendo.
Personal computer (PC) - ay isang mikrokompyuter dinisenyo lamang
para sa paggamit ng isang tao sa isang pagkakataon.
Eyestrain - pagkapagod ng mata, tulad ng na dulot ng pagbabasa o
pagtingin sa isang kompyuter screen sa masyadong mahaba oras.

You might also like