Articles For Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Endak ng Tagumpay

Ni: Alejandro L. Rayon

Alam kong gusto mo ito kaya ginawa ko. Kung babalikan mo ito, tiyak na titigil ang iyong
mundo at lalakbayin mo ang nakalipas sa iyong imahinasyon. Kung ikaw ay naglalakbay na, tiyak
na mapapangiti ka dahil sa tuwang madarama. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Halika at lakbayin
natin ang daan tungo sa endak ng ating tagumpay. Sakay na!

Nak, gising na! Mahuhuli kana!, ang linya ng butihin kong nanay. Tumingin ako sa relo
yon pala ay alas 4 pa ng madaling araw. Hindi ko akalaing pati ang nanay ko ay nananabik din pala.
Ngunit ang totoo ay walang makakapantay sa kasabikang aking nadarama sa mga panahong iyon.

Sumikat na si haring araw at nakaabang na ako ng sasakyan sa kalsada papuntang Port ng


Benoni, ang tambayan ng mga barko. Sa wakas ay dumating narin ang hinihintay kong sundo.
Sumakay akong nakangiti di alintana ang mga taong nakatingin sa akin.

Hello alej, antagal mo! Iiwanan kana sana namin!, sabi ng isa kng kasama na kitang-kita
ang kakaibang pananabik sa mukha.

Toooooot!!!. Lumakas ang kabog ng aking dib-dib. Ang tunog na iyon ay hudyat ng
aming paglalakbay. Ok guys, prepare everything at aalis na tayo!, utos ng aming gurong
tagapagsanay.

Toooooot!!!. Lumakas lalo anng tibok ng aking dib-dib. Ang pangalawang tunog na iyon
ay hudyat ng aming paligsahan. Ayaw mo pag kumpyansa diha kay basin mahulog mo kaunin jud
mo sa ihu, pabirong paalala ng kasama naming guro.

Lumutang-lutang na kami sa napakalawak na karagatan. Ramdam ko ang unti-unting


paglayo namin sa pinakakamamahal naming isla, ang isla ng Camiguin. Dama ko rin ang dahan-
dahang paghila ng hangin sa amin tungo sa aming patutunguhan.

Toooot!!!. Para akong naiihi sa kasabikan. Kitang-kita ko na rin sa mga mukha ng aking
kasama ang hindi mapaliwanag na kaba na may halong pananabik. Ok be ready with all your
things. Please check basin nay nabilin, sabi ng aming guro. Nagtayuan na ang lahat at tila
handang-handa na sa kanilang labanan.

Nasa Balingoan Port na kami. Asa mo maam? Mag reala mo? Diri ramo sakay maam, sabi
ng trycicle driver na sumalubong sa amin. Ngunit hindi kami sumakay dahil may sundo kami. Ang
sosyal kasi namin sa mga panahong iyon. Nasa loob na kami ng bus nang biglang nag-iba ang ihip
ng panahon. Nag-iba ang aking pakiramdam. Para akong nahilo at nasusuka. Hindi lang ako dahil
kumalat iyon sa iba kong mga kasamahan. Gipangdagat ang mga bata, konklusyon ng aming guro.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata at salamat naman sa diyos dahil nawalang kusa ang aking
naramdaman

Peeep! Peep!. Mga tunog na likha ng ibat-ibang mga bida sa kalsada. Nandoon na pala
kami sa syudad kung saan makikita ang mga sasakyan, mga gusali at iba pa. Talagang naiiba sa
aming probinsiya. Natatanaw ko rin doon ang mga bundok na unti-unti ng nasisira dahil sa
kagagawan ng mga tao. Masakit mang isipin ngunit yon ang katotohanan.

Sa wakas sa haba ng aming biyahe ay nakarating din kami sa aming patutunguhan. Dahan-
dahan kaming bumaba mula sa sinasakyan naming bus at doon ko nasilayan ang kakaibang
pagmamatyag ng aking mga kasamahan sa paligid. Tila bay naninibago sila sa ingay ng paligid at
malalaking mga gusali. Tumungo agad kami sa mga silid-aralan kung saan kami magpapahinga.

Dumilat ang aking mga mata at napansin kong nag-iba ang aking paligid. Pakiramdam koy
napakadilim. Yon palay gabi na at ang haba pala ng aking tulog pati ang aking mga kasamahan. Sa
mga sandaling iyon ay nakaipon na kami ng lakas at nagsimulang lumikha ng ingay na doon lamang
maririnig sa aming islang sinilangan. Nagkwentuhan kami at nagpalitan ng mga biro. Sige,
pagkatawaha ramo diha, ayaw mo panihapon, pabirong sabi ng aming guro. Salo-salo kaming
naghapunan na para bang iisang pamilya. Pagkatapos ay nagpahinga kami at inipon ang lakas para
sa aming laban.

Pagdilat ko kinabukasan, tumigil ang ikot ng aking mundo. Pinapalibutan ako ng ibat-ibang
hugis ng mga mukha. Namalayan ko ang hindi mabilang sa bilis na tibok ng aking dib-dib. Yon na
pala ang araw ng aming pagtatanghal sa Regional Wellness Competition sa Pilar Pilaez Sport
Complex, Misamis Oriental.

Ladies and gentlemen, please help me welcome! Mahinog National High School,
representing Division of Camiguin!. Para akong naluluha sa kaba. Hindi maipaliwanag ang aking
nadarama. Bawat galaw ng aming mga katawan ay nagpapahayag ng aming lakas at tapang. Bawat
saltik ng aming galaw ay ang pagsisikap na masungkit namin ang korona.

Hindi man namin ito naabot, masayang-masaya parin kami dahil ginawa namin ang lahat.
Ang bawat endak kasabay ng hiyawan ng mga manonood ay maituturing naming tagumpay.

Bumalik kami sa pinakaiingatan naming isla dala-dala ang ngiti ng tunay na kampiyon.
Ang Nakatagong Paraiso
Ni: Alejandro L. Rayon

Pitong libo, isang daan at pito. Ito ang bilang ng mga islang bumibigkis sa Pilipinas kung
saan nabibilang ang islang maihahalintulad mo sa paraiso ngiyonbg imahinasayon. Ang
imahinasyong tatangay sayo tungo sa kapayapaang hatid ng mala paraisong isla ng Camiguin.

The island born of fire. Isang kakaibang paglalarawan sa isla ng Camiguin, ang pangalawa
sa pinakamaliit na isla sa buong kapuluan ng Pilipinas na mayroon lamang lawak na 240 square
kilometer in land area, at mayroon lamang itong limang mga lungsod, ang Mahinog, Catarman,
Sagay, Guinsiliban at Mamjao na may kabuuang populasyon na 53, 568. Maliit man ang isla ng
Camiguin ay hindi naman ito magpapahuli sa pasikatan ng mga magagandang tanawin kung saan
binabalik-balikan ng mga dayuhan at ibang bisita.

Pampabuhay, at malayelong lamig ang iyong mararanasan sa kakaibang hulma ng mga talon
ng Katibawasan at Tuawasan. Napapalibutan naman ng mga malalaking kahoy at mga bato ang
Santo Nino Cold Spring na nagbibigay 20 degrees na temperatura at may mga isda pang nagbibigay
ng kakaibang masahe sa iyong katawan.

Kung ikaw naman ay nilalamig at gusto mong painitin ang katawan, naghihintay sayo ang
Ardent Hot Spring na pinapainit ng Mt. Hibok-Hibok, isang aktibong bulkan sa Camiguin. Hindi
lamang yan ang hatid ng spring na ito dahil ang tubig nito ay nagtataglay ng Sulfur kung saan
nakakagamot sa ilang mga sakit gaya ng Therapeutic ailments.

Gusto mo bang makakita ng mga buhanging nagniningningan? Bisitahin mo na ang


Mantigue Island na lumulutang sa kalagitnaan ng dagat. Nag-aabang sayo ang walang katulad na
uri ng mga halaman at mga hayop. Nakahanda rin ang diving area kung saan masisilayan mo ang
ganda ng karagatan dahil sa makukulay na mga lamang dagat tulad ng isa, coral reefs, at iba pa.
Kumakaway naman ang White Island na matatagpuan sa gitna ng dagat kung saan punong-puno ng
mga buhanging walang kasing puti.

Pagdating naman sa mga baybayin ay tiyak aarangkada ang Camiguin Island dahil
biniyayaan ito ng mga malilinis at malaasul-asul na karagatan. Malalanghap mo dito ang taghoy ng
napakasariwang hangin na para kang nilulutang sa langit.

Bumabakas naman sa kasaysayan ang malaking krus sa gitna ng dagat o tinatawag na Sunken
Cemetery dahil libingan ito noon ng mga patay noon bago pumutok ang Mt.Vulcan. Nakatayo
naman ang lumang simbahan at napakataas na bell tower nito na naiwan din ng pagputok ng
Mt.Vulcan.

Kung sa mga kultura at tradisyon naman ang ating pag-uusapan ay talagang rarampa ang
Camiguin jan. Kilala sa buong mundo ang taonang pagdiriwang ng Lanzones Festival kung saan
matitikman mo ang tamis ng lanzones na walang makakapantay. Ang selebrasyong ito ay paraan ng
mga tao upang magpasalamat sa saganang ani, hindi lamang ng lanzones pati na rin sa ibang mga
halamang namumunga. Pinagdidiriwang nila ito ng abot langit ang saya.

Ang pinaka pinagmamalaki ng Camiguin ay ang mga tao na punong-puno ng pagmamahalan


at pagbibigayan. Kapamilya kaman nila o hindi, tatanggapin kang kusa at may kasabay pang
matamis na mga ngiti sa labi.
Sa dami ng isla dito sa Pilipinas ay talagang napakahirap mangibabaw. Ngunit ito ay
nagawa ng Camiguin Island na walang kahirap-hirap. Bagkus ang islang ito ay maituturing na isang
paraiso.
Pasko sa Pinas
Ni: Alejandro L. Rayon

May tatalo paba sa pasko ng Pinas? Ang kaligayahan natiy walang kupas.

Ito ang linya ng awiting pinasikat ng isang sikat na komposer at singer na si Yeng
Constantino. Ito ay tungkol sa kakaibang pagdiriwang ng mga Pilipino sa kanilang pasko.

Sa pagpasok palang ng Disyembre ay tila nag-iiba na ang ihip ng panahon. Ramadam na


natin ang kakaibang dagpi ng malamig na hangin sa ating mga katawan. Bawat tao na iyong
makasalubong sa mga lansangan ay dala-dala na ang kakaibang ngiti sa kanilang mga labi. Ito na
pala ang hudyat ng pagsapit ng pasko.

Kasabay ng paggalaw ng orasan, ay unti-unti ding lumilipas ang mga araw. Unti-unti naring
nagbabago ang anyo ng kapaligiran. Nagsisimula na ang pagpapaskil sa ibat-ibang makukulay na
mga palamuti sa ating mga tahanan, sa paaralan at maging sa mga pamilihan. Hindi lamang dito pati
narin sa mga kalsada ay makikita mo na ang mga nakasabit na mga makukulay na parol.

Sa pagkalat ng dilim ng ay doon mo masisilayan ang liwanag na hatid ng mga kumukuti-


kutitap na mga Christmas lights. Pakiramdam mo ay nasa paraiso ka ng kaliwanagan at nagkalat ang
kasiyahan sa buong lansangan.

Sa pagdating ng Disyemcre 16, maririnig mo na ang mga tunog na likha mula sa pinagsama-
samang mga tansan at tambol kasabay ang mga awiting likha ng mga batang masayang
nangangaroling. Madaling araw pa lamang ay para nang umaga dahil nagsisilabasan na nag mga tao
para sa Mesa de Gallo.

Habang papalapit ng papalapit ang pasko ay nadaragdagan pa ang mga makukulay na


dekorasyon sa mga lansangan. Nagpapatalbugan na ang mga malalaking Christmas Tree sa lahat ng
sulok at lumalakas pa lalo ang awitan ng mga batang nangangaroling. Ang mga pamilihan ay
punong-puno na ng mga taong halos hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga mukha. Mauulinigan
mo na rin ang mga kantang pampasko na gumigising sa iyong natutulog na damdamin. Ramdam mo
na rin ang pagbibigayan ng bawat isa. Ang mga pamilyang nasa malayo ay di alintana ang pagod sa
biyahe makauwi lamang sa kanilang mga pamilya.

Hayan na! sumapit na ang Disyembre 24, ang bisperas ng pasko. Ang mga malalaking
kompanya ay nagpapahinga mo na para maghanda sa pagdating ng pinaka iintay nilang Noche
Buena. Ang mga regalo ni ninong at ni ninang ay nakahanda na para sa kanilang mga inaanak.
Anyan din ang mga paputok na sumasabog at tila ba mayroong gyerang nagaganap. Ngunit sa bawat
pagsabog ng mga paputok ay dala nito ang walang humpay na kasiyahan.

Oras na nag Noche Buena! Ang buong pamilya ay sama-samang nagdadasal at salo-salong
kumakain sa kanilang hapag. Kahit na kaunti lamang ang kanilang handa ay di nila ito alintana at
nangingibabaw parin ang kanilang kasiyahan.

Ang pasko ay maituturing na isa sa pinaka hihintay na araw sa buong taon. Dito nagaganap
ang palitan ng mga regalo na kahit simple lang bastat galing sa puso ay may dala ng ngiti sa puso ng
bawat tao. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagmamahalan at pagbibigayan dahil ito ang
selebrasyon ng pagsilang ni Hesus, ang ating tagapagligtas.
Kalikasan
Ang ganda ng kalikasay, Tunay na kayamanan

Bahagi ito ng aking pagkabuo, Kaya dapat pangalagaan

Itoy pundasyon ng kinabukasan, Kayat sikaping itoy maiingatan

Wag natin itong iwanan, Tayo lamang ang masasaktan.

Ang kagubatan sa bukid, Kayamanang maituturing

Pagkat sari-saring biyaya, Doon ay matatagpuan

Mga ibong umaawit, Sikaping di maipit

Nang silay masilayan, Tulad ng langit.

Ngunit ang hanging sagana, Malimit na ngayon

Nasira ng usok, Na naglilimayon

Sanhi ay pag-usbong, Ng mga pagawaan

Bunga na likha, Nang pagkakataon.

Ang mga karagatan, ay nag-iba ang anyo

Datiy kay linis, Ngayon ay marumi na

Ang mga punong kahoy, Iilan nalang ang natira

Kailan pa tayo kikilos?, Dapat ay ngayon na.

Kalikasay dapat nating ingatan, Para sa kapanatagan

Ang ganda ng kalikasay, Ating pagmasdan

Itoy busilak sa kagandaha, Sanay iyong maunawaan

Tayoy magtulungan, Para sa kinabukasan.


Mutya
Ang bayan kong sinilangan

Munting paraisong kinagigiliwan

Halimuyak ng bulalak

Sariwang hangin iyong malalanghap

Sa bawat haplos ng hangin

Kalungkutay napapawi sa iyong damdamin

Mga luntiang tanawin

Umaakit sa iyong paningin.

Sinakop man ng mga banyaga

Pinaglupitan man ng tadhana

Taas noo paring nakatindig

Taglay ang Pilipinong dugo.

Mutyang aking kinagisngan

Ikay diko kakalimutan

Wikang Filipino ang pagkakakilanlan

Kaya dapat itoy ating pangalagaan.

Kulay may kayumanggi

Iisa lang ang lahi

Kabalikat sa anumang pighati

Kayamanang biyaya mula sa tadhana.


Bayani
Sila ang pusot kaluluwa ng paaralan

Inilawan lahat para sa pagkakaunawaan

Nagsusumikap na ating makamtan

Pangarap nating kinakailangan.

Ang kasipagay walang katumbas

Bayani nga kung tawagin

Silay palaging mapagkumbaba

Katulad ng ina na kumakalinga.

Sa araw-araw na pagtuturo

Kasiyahay ating nadarama

Kahit minsay makulit

Tayoy hindi sinusukuan.

Sa gabi-gabi ay nagpupuyat

Upang ihanda ang kanilang leksyon

Itoy sa kanilang kagustuhan

Na tayo ay may patutunguhan.

Kaya sa lahat ng mga guro

Taas kamay kamiy sumasaludo

Ang inyong pagiging magulang sa amin

Ay tunay ninyong nagagampanan.

Si Bern
Masdan natin ang taong dakila kung tawagin

Matiisin at laging matiyaga sa atin

Sa tungkuliy laging nakahanda

Walang tigil sa buong maghapoy gumagawa.

Siyay palaging nagtuturo sa atin

Na ang ating sariling lupa ay dapat mahalin

Tayo daw ay kumilos

Paunlarin ang munting paaralan natin.

Ang kanyang paalala ay maging tapat

Sa mga tungkuling ating ginaganap

Nagtatagumpay daw ang masipag

Di giginhawa ang tamad.

Ang sabi niyay tangkilikin

Mga bagay na laan sa atin

Sino daw ang tutulong sa atin?

Kundi ang mga sarili natin.

Siyay aming inspirasyon

Tungo sa aming destinasyon

Siya ang ilaw sa daan

Daan tungo sa kinabukasan.

SAANHS
Malawak na bakuran, Ang iyong matatanaw

Sa tayog ng mga puno, Mata moy mapapagalaw


Pati mga halamay, Sumasayaw-sayaw

Dahil sa aliw, At lamig ng hanging tumataghoy

Kahit na pampubliko, Mga kabataay aktibong-aktibo

Di pahuhuli sa mga patimpalak, Sa katunayay nanalo

Di nagpapatalo, Lumalaban kahit papaano

Pursigidong-pursigido, Yan ang totoo.

Di naman patatalo, itong aming mga guro

Sa leksyon ay sigurado, Kayat utak namiy punong-puno

Sa kanilang estelo, Tiyak ang panalo

Ikay makasisigurado, Ito ang totoo.

Kinaiingitan ng iba, Dahil sa walang kupas na ganda

Lalo pang umarangkada, Saan man mapunta

Pinag-uusapan ng iba, Dahil naiinggit sila

Ibang-iba talaga, Kaya dito kana.

Ito ang aming paaralan, Wala nang iba pa

Sixto A. Abao NHS, Walang kasing-ganda

Lalo pang nakilala, Dina mapipigilan pa

Saan man mapunta, Sa puso koy nakaukit ka.

Tanging Yaman
Mahal kong hirang, Ikaw ang kadahilanan

Nang aking pagsilang, Sa mundong kaibigan


Sa iyong pag-aaruga, Nahubog ang lahat

Pighatit pasakit, inako mong lahat.

Sa tuwing akoy nagdaramdam, puso moy nasasaktan

Kalungkutay kakalat, Sa mukha mong mapagmahal

Di alintana ang pananamlay, Nang braso mong nahihimlay

Kaya salamat ina, Sa pagmamahal mong kay sarap

Hanggang sa iyong mga pangarap, Para sa akin ang lahat

Sarili moy nakakalimutan, Di bale na bastat akoy masaya

Ngunit aking nakikita, Sa iyong mga mata

Ang pighating nadarama, Sa tuwing akoy naluluha

Kaya aking ina, ako sayoy nanunumpa

Lahat ng mga pangarap, Ay sisikaping makamtan

Sisikaping maibigay, Ang iyong inaasam

Ang guminhawa ang buhay, Nang munti mong minamahal

Ikay diko makakalimutan, Saan man mapadpad

Tangayin man nang alon, Ikay hahanaping kusa

Dahil pagmamahal sayo ina, Umaapaw talaga

Tandaan mo sinta, Tanging yaman kang talaga.

You might also like