Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Batayan sa Pagsusuri:

1. Liwanagin ang uri ng akda

2. Basahing masinsin at igawa ng lagom

3. Bigyang halaga hindi lang ang nilalaman kundi estilo

4. Bukod sa kahnaan at kalakasan ng akda, karampatang


pagpapakahulugan (interpretasyon sa nilalaman)

5. Lakipan ng sipi para sa kabuluhan, bigyang katuturan (menaing)

6. Iwasan ang pagbibigay puna nang walang batayan (ipaliwanag


kung bakit maganda)

7. Nakaayon sa nakatakdang batayan plus sariling interpretasyon


(matapat)

Teoryang Pampanitikan

A. Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na


ginagamit ng isang manunulat bilang paksa o paraan upang
isulat ang isang akda. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa
ng teoryang pampanitikan.

1. Teoryang Pormalistiko- ang layunin ng panitikan ay


iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.

2. Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan


ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon pa
ra sa kanyang sarili na siyang nakasentro sa pananatili sa mundo.

3. Teoryang Romantisismo- ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakihan.

4. Teoryang Realismo- ang layunin ng teoryang realismo ay


ipakita ang mga karanasan, ipakita ang mga nasaksihan ng may
akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.

5. Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay


ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.

6. Teoryang Bayograpikal- naniniwala ang mga


bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay
na personal niyang naranasan at nakikita sa kanyang paligid.

7. Teoryang Feminismo- itoy teoryang pampanitikang


nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng kalalakihan
hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga
kababaihan.

8. Teoryang Queer- kung ang babae ay may feminismo at


ang mga nasa lipunan na homosexual ay may queer (gender and
sexuality).

9. Teoryang Historikal- ang layunin ng panitikan ay ipakita


ang karanasan ng isang lipi ng tao sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.

10. Teoryang Markismo-Feminismo- ang layunin ng


panitikan ay ilantad ang ibat ibang paraan ng kababaihan ng
pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.

You might also like