Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita

1. Suriing mabuti ang datos na mula sa interbyu at pananaliksik


2. Pag-aralang mabuti kung ano ang dapat bigyang-diin sa pagsulat mula sa mga datos na nakalap
3. Simulan ang balita sa pangyayari. Gumamit ng pandiwa sa simula ng balita
4. Tiyaking tama ang baybay ng mga pangalan ng mga personalidad sa balita
5. Isulat agad ang balita matapos makalap ang mga datos

Katangian ng Balita

1. napapanahon
2. nagbibigay ng tamang impormasyon
3. walang opinyon
4. walang kinikilingan

Anyo ng balita

1. Tuwirang balita - isinusulat batay sa baligtad na pyramid.


2. Balitang may lalim - nagbibigay ng higit na impormasyon sa paksa
3. Balitang Panglathalain - nasa pagitan ito ng pagbabalita, editoryal at lathalain batay sa paksa at
pamamaraan

Pagsulat ng balita - isinusulat ang balita sa pamamagitan ng baligtad na pyramid

1. Pamatnubay- pinakamahalagang detalye


2. Mahalagang detalye
3. Hindi gaanong mahalagang detalye

ASSaKaPaBa

-Ano?
-Sino?
-Saan?
-Kailan?
-Paano?
-Bakit?

Mga Uri ng Pamatnubay


1. Pamatnubay na pabuod - ang AssaKaPaBa na nasa una-ikalawang talata na buod ng balita

2. Makabagong Pamatnubay - nagbibigay ng mas kawiliwiling pamaraan ng pagbabalita, ginagamit din


sa balitang may lalim at balitang pang-lathalain.

-Panggulat - maaaring isang salita o maikling pahayag na puno ng emosyon. Hal. May asim pa!

-Naglalarawan - naglalarawan ng pangyayari sa isang detalyadong paraan. hal. Sira-sirang bahay,


mga nagtumbahang mga puno ang matinding epekto ng bagyong lando...

-Paghahambing - paghahambing sa dalawang pangyayaring pinag-ugnay. hal. pag asa ang hatid
ni Pope Francis: pagluluksa naman ang bunga ng kamatayan ng SAF 44-
dalawang magkasunod na pangyayari sa buwang ito

-Patanong- mga tanong maaaring wala ring katiyakan ang kasagutan? hal. sino ang
makapagsasabing puwedeng mabuhay muli ang patay na, makaraan ang 15 minuto?

-Siniping sabi- pinakamahalagang sinabi sa isang panayam, forum, seminar, talumpati. hal.
"Maging matalino sa pagboto sa halalan 2016." ito ang binigyang-diin ni...

Mga Dapat Tandaan sa Pag-ulo ng Balita

1. Gawin batayan ang mahahalagang salita sa pamatnubay

2. Gumamit ng pandiwa at simuno

3. Iwasang gumamit ng pantukoy sa panimula

4. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa headline na may dalawang linya

5. Iwasang maglagay sa headline ng animang saliata na wala sa balita

6. Isulat ang numero, simbolo o kaukulang salita ayon sa pangangailangan ng espasyo

7. Iwasan ang opinyon sa balita

8. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa

9. Gumamit ng kuwit bilang pamalit sa pangatnig na at

10. Maging tiyak, Iwasan ang masaklaw na pagpaahayag

11. Gamitin ang mga kilala nang daglat

12. Gamitin ang maikli at kilalang salita

13. Huwag magtapos sa pang-angkop. pantukoy o pang-ugnay sa bawat linya


14. Lagyan ng isang panipi kung gagamit ng tahasang sabi. Kung ang pinagkunan ay ibinigay,
gumamit ng galtang sa katapusan ng huling salita sa headline upang ipakilala ang nagsabi nito

15. Gumamit ng tuldok-kuwit (;) sa pag-uugnay ng dalawang kaisipan.

16. Gumamit ng pangalan na kilala

17. Huwag gumamit ng tuldok sa wakas ng headline

18. Iwasan ang headline na pang-etika (label head)

Uri ng Headline ayon sa anyo

Flush left- binubuo ng dalawa o higit pang linya na pantay sa kaliwa

Barline o crossline- may isang linya na sumasakop sa kolum ng balita

Flushline- dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang mardyin

Dropline- may dalawa o higit pang linya na ang bawat kasunod na linya ay iniurong pakanan

Pagsulat sa uloi ng balita

-Ito ang pamagat ng balita na may mas malalaking tipo ng letra kaysa teksto nito

-nagbibigay-buod ito ng balita

-nabibigyan-diin ang kahalagahan ng balita

-napapaganda ang bawat pahina

Uri ng ulo ng balita

Banner o headline - ulo pinakamahalagang balita na may pinakamalaking tipo

Streamer - isang banner na tumatawid sa buong pahina

Binder - ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina

Deck, Drophead - pangalawang ulo ng balita na bahagi pa rin ng banner na may maliit na letra
at naiiba ang tipo sa una

Umbrella o skyline headline - nasa itaas ng pangalan ng pahayagan (nameplate)

Tagline, teaser o kicker - isang maikling linya na nasa itaas ng pinaka-headline sa bandang
kaliwa o sa sentro

Boxed Hear - kinulong ng mga guhit o kulay para maipakita ang kahalagahan

Subhead - isang maikling pamagat na ginagamit upang mabigyan ang mahbang istorya ng break
Jump Head - ulo ng karugtong ng balita na nasa ibang pahina

Uri ng Headline ayon sa istilo

-ALL CAPS
-Cap and Lower Case o Clc
-down style

You might also like