Professional Documents
Culture Documents
Dont Judge
Dont Judge
Romans 3:23
23Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang
nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Luke 19:10
10 Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang
naligaw.
A. JESUS ON JUDGING
Luke 6:37
37 Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag
kayong magparusa at hindi kayo paparusahan ng Diyos.
Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo'y patatawarin din
ng Diyos.
What does it mean not to judge? Paano ginagawa iyon, tayo man,
nagiging tendency natin, manghusga. Kaya nga sinasabi natin,
mas nagiging relihiyoso, lalong nagiging judgmental tayo minasn
ang tao kapag hindi nag ingat.
Iba yung maging righteous at iba rin yung maging self righteous.
Maging tama ka na lang nang hindi mo kinukumpara ang sarili mo
sa iba at pinapababa mo sila at pinapataas mo ang iyong sarili,
so in effect the Lord is giving this as negative example. Justifying
oneself and judging others by the same standards that you
measure with yourself.
John 8:4-7
So hindi niya pinigilan iyong pagbato, mauna nga lang yung walang
kasalanan. Knowing na ang lahat ng tao ay makasalanan, iyong
babae hindi nabato.
Pag sinabi mong hindi ka judgmental, it also mean breaking the
fundamental literal interpretation and application of existing laws
. kasi may fundamental application eh, may litteral, meron naman
symbolic application, saan ka mag-aapply jan? at yun talaga ang
accusation ng tao sa Pnaginoon na hindi niya sinusunod ang
batas, na law-breaker siya.
Matthew 11:19
19 Nakita naman nila ang Anak ng Tao na kumakain at
umiinom, at ang sabi naman nila, Tingnan ninyo ang taong
ito! Matakaw, lasenggero at kaibigan ng mga maniningil ng
buwis at makasalanan. Gayunman, ang karunungan ng Diyos
ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng mga gawa nito.
Luke 11:37-39
37 Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang
Pariseo upang kumain sa bahay niya. Nagpaunlak si Jesus at
dumulog sa hapag.
38 Nagulat ang Pariseo nang makita niyang si Jesus ay hindi
muna naghugas ng kamay.
39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, Kayong mga Pariseo,
hinuhugasan ninyo ang labas ng baso at ng pinggan, ngunit
ang loob ninyo'y punung-puno ng kasakiman at kasamaan.
John 12:3-4
3 Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling
pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos
sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng
kanyang buhok. At humalimuyak sa buong bahay ang amoy
ng pabango.
4 Ito'y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo
sa kanya.
Matthew 18:21-22
Mark 2:27
Sa atin sa ngayon, hiindi malaking issue iyan eh, ibalik ninyo ang
panahon, isa sa 10 commandments iyang sabbath, huwag kang
magtatrabaho kung sabbath, ang mga Israelites, ni hindi nagluluto
pag sabbath, hindi sila naghuhugas ng platong pinagkainan nila
pag sabbath. Wala silang ginagawa, dahan-dahang kumilos, at
pagkatapos na-obserbahan ng mga tao lalo na ng mga critics ng
Panginoon, gumagawa pa siya ng mga kagilagilalas na himala sa
Sabbath, nacriticize siya, anong sabi niya? Well, nilikha ang
sabbath para sa tao, hindi ang tao para sa sabbath.
In other words, and sabi niya, kaya nga pinauso ng Diyos ang
sabbath para makapagpahinga ang tao dahil ikakabuti nilang
magpahinga, pero kung ikakabuti rin nilang may gawin para sila
mag-survive o para gumaling sila at mapaghimalaan sila, gawin
na! yung kabaligtaran ang nakabuti hindin yung pahinga. Ang
point ng sabbath, yung ikakabuti hindi yung literal na pahinga.
Thats how to apply the law, spirit over letters. The letter says,
dont work, but the spirit says, bakit ba ako hindi magwork, for your
good, pero kung hindi naman makabuti na hindi magwork, why not
work. Anong spirit? for your good.
Pero nga dahil naging masyadong legalista ang pag iisip ng mga
Israelites, kahit nga yung paggawa ng mabuti, mga himala ng
Diyos na nagpagaling sa sabbath, minamasama na nila. Nagiging
judgmental tuloy sila. At ito yung sinasabi natin mga kapatid na
habang nagiging relihiyoso ang mga tao, ang tendency nagiging
judgmental.
Pwede mong i-judge si Lord doon, mali ang ginawa niya. Son of
God bakit siya nagpabaptize? Pwde mong ijudge si John, ang
yabang naman niya. Ang kapal niya, binaptize niya ang son of
God. Pwede mong Sabihin iyon. Pero Nakita niyo ang namagitan
sa usapan? May Konteksto kasi. Hindi pwedeng ganito lang iyon,
pipilitin mong ganun dahil merong kalagayan na dapat isaalang-
alang.
Ano ang ibig Sabihin ng wag mong iimpose ang tama at mali sayo
sa iba? Yun lang yung personal morality. Hindi yung legal. Yung
legal na no parking, no parking talaga iyon. Iyong legal na pay your
taxes, pay your taxes talaga iyon. Talagang iiimpose sa lahat ng
tao iyon.
Ang pinag uusapan natin mga kapatid yung personal moral law.
Halimbawa sinasabi mo, aba dapat naman itong biyenan ko, najan
na nga ako eh, dapat umalis-alis na siya sa silyang maganda dahil
bahay ko naman ito. Personal Morality mo na iyon. Hindi mo
pwede iimpose palagi sa iba iyon. Kasi personal na pananaw mo
na iyon kung ano ang tama at mali. At lahat tayo may legal law na
may tama at mali that all of us have to obey nang may kaayusan
ang sibilisasyon. Pero meron tayong mga personal moralities ,
huwag niyong sasabihing iisa lang ang morality, kahit sa Bible
makikita niyo, yung mga ginagawa ng Pnaginoon could be
considered against the law of the land or the moral law of the land
pero sabi niya sabbath was created for man and not the man for
sabbath. Binigyan niya ng kind application ang legality na iyon. At
hindi siya dapat ijudge. Jesus continued and taught the
observance of legal law.
Matthew 22:21
21 Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa
kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos.
Kaya kung talagang makikita natin mga kapatid yung dont judge,
mas tatahimik ang mundo. Mas tatahimik ang ating buhay.
Luke 7:34
34 Nang dumating naman ang Anak ng Tao, siya'y kumakain
at umiinom, ngunit sinasabi naman ninyo, Tingnan ninyo ang
taong iyan! Matakaw, lasenggo at kaibigan ng mga maniningil
ng buwis at ng mga makasalanan!
Matthew 23:24
24 Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang kulisap sa
inyong inumin, ngunit nilulunok naman ninyo ang kamelyo!
Mark 2:16
FREEDOM
Galatians 5:1
1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya
magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
Whatever may be the context of this verse, the idea is still the
same. Christs main ministry is to give us freedom. Freedom from
sin, freedom from the punishment of sin at marami pang freedoms,
like freedom from judgmentalism.
These are the things that we need to learn. To relax. Why relax?
Because God is in control. May Diyos eh. Di mo masolve?
Hayaan mo muna, it will settle itself. Parang isang bagay na hindi
mo Makita. Tigilan mong hanapin biglang lumalabas. Pero yung
hanap ka ng hanap, lalong hindi mo mahanap.
How not to judge Your self and others?
Philippians 2:5
Yung mga liders mga prophets may mga tama at magagnda silang
ginawa pero hindi sila perfect, hindi sila Diyos. Hindi sila huwaran
lagi. Si Hesus ang kaging model.
So, si hesus walang jinudge kahit kalian, siya ang dapoat nating
tularan. Kung minsan, makakakita ka ng prophet o ng Bible
character na parang nangjujudge, hindi sila ang example. Ang
Panginooing Hesus ang example. Kasi may mga mahihigpit na
disciples, pero nakikita ninyo mga sablay din sila, nag aawayan pa
nga sila. Sino ang uupo sa kaliwa at kanan ng Panginooin sa
kalangitan. Sino daw ang greatest sa kanila. Kaya Makita niyo,
ang mga disciples, hindi sila perfect, Dont pattern your behavior
with the disciples, the safest model ofcourse is Jesus.
John 14:6
Hindi pwedeng one point lang yung truth, ang laki laki ng truth, hindi
pwedeng i-confince lang sa iisang utak. Sa iisang lang na
pananaw.
Romans 12:2
Ibahin mo ang iyong pag iisip, huwag mong kpyahin o manahin ang
pag iisip ng iba. Hindi komo relihiyoso sila, tama na silang mag
isip. Kailangan mag isip ka pa rin para sa sarili mo, salain ,
iproseso mo, gumawa ka ng Sistema na bagay sayo at bagay sa
kinalalagyan mo. But never stand superior to others. Never
think even in a moment that you are better.
Kaya kung minsan ang hirap kasama ng relihiyoso eh, hindi kayo
pwede tumawa, bindi kayo pwede magbiruan, OA, yung grupo niyo
tuloy mukhang kulto. Hindi yan nakukiuha sa pilitan, pagnakita nila
na maganda kang ehemplo, you are loving, caring they will change
their minds. But you cannot tell them what to do and not to do
unless it is coming from within their minds. Walang pilitan.
Judging is a very dangerous and destructive profession. Because
Judging makes one blind and heartless. Tulad ng estatwa ni Lady
Justice. May piring, may timbangan, at may espada, walang
kinikilala kaya may takiop ang mata, just eh. Justice means
punishing the wrong doer, kaya may tabak. Bale wala ang justice
kung walang parusa. Pero ang sabi ni Lord, dont judge.
Ngayon hindi lang adultery ang case, maraming case ang kapwa
natin. Sino ang unang babato? Nagbigay na ang Diyos ng
patakaran, pwedde kang bumato basta wala ka lang kasalanan.
Meron bang papasa dun? Eh di wala. Therefore, wla dapat
bumabato. Kahit ano ang kasalanan. Pero yung no parking,
ticketan, mo remember iba yung legal law, by the book yun. Iba
yung personal morality.
How can you love people if you are judging them, if you are judging
people, how can you win them if you are judging them, hindi mo
mamahalin ang taong hinuhusgahan mo. Kung mapanghusga ka,
wala si Kristo sayo, dahil mismo si kristo hindi nanghusga. Meron
lang nanghusga, si Judas. Hindi tayo hinusgahan, tayo ay
hinugasan.