HECTOR I LOVE YOU (Tagalog/english Novel) Prologue

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PROLOGUE

Pagtatakip silim.
Unti unting nagkukulay kahel ang buong paligid, napapawi ang liwanag na
tumatagos mula sa bintana nang mga silid aralan, ang haring araw ay pansamantalang
mamama-alam na muna, napapalitan na nang katahimikan ang kaninang maingay at
magulong pasilyo at mga tambayan, halos wala nang mga estudyante sa buong lugar,
maliban nalang sa dalawang taong seryosong nag uusap.
Clara...
Wika ng isang binatilyo, abot langit ang mga ngiti nito habang kaharap ang
isang dalagitang kasing edaran lang niya, parehas silang nakatayo sa gilid nang
malawak na quadrangle nang isang mataas na paaralan.
Napapadiin ang paghawak nang dalagita sa strap ng sukbit na pink na
backpack, naka yuko ito at namumula ang mukha, tahimik siya ngunit nangungusap
naman ang isipan, panay ang ayos niya sa unipormeng checkered na palda.
can you be my girlfriend? tanong ng gwapong binatilyo, mapupungay ang
mga mata nito at kumikinang sa sobrang kasabikan, pinagmamasdan niya ang
magandang dalagitang kaharap na halos hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Hindi makakibo ang dalagita habang unti unti namang mababakas ang
kawalan ng pag asa sa mukha ng binatilyo.
yes! Hector! matipid na sagot ng dalagita, uutal utal ito na kumukuha ng
lakas ng loob, matagal niyang pinag-isipan ang sagot na iyon.
Hindi maka-imik ang binatilyo, nagtaka ang dalagitang nakatitig sa kanya,
halos ilang segundo silang nakaharap sa isat isa at hindi nagkikibuan, bigla nalang
nagbago ang mukha ng binatilyo na tila nanalo sa isang pa-premyo.
YES!, YAHOOO!
Bigla itong nagtatakbo sa gitna nang quadrangle, at hindi mapigilang mapa
tambling sa sobrang kaligayahang nararamdaman, nagulat naman ang dalagita at
natawa sa ginawa niya.
Tumigil ang binatilyo at lumingon sa babae sa di kalayuan, nakangiti ito nang
ubod nang tamis, tila mababakas sa kanyang mukha na natupad na ang pinapangarap.
CLARA! I LOVE YOU!!! sigaw nito, hindi naman maipaliwanag nang
dalagita ang kanyang nararamdaman sapagkat naranasan niya ito sa unang
pagkakataon palang.
Dito niya unang naunawaan ang sarap ng pakiramdam na may taong
magmamahal sayo, teen ager man siyang maituturing ay tila walang pinagka iba ang
sayang iyon sa mga taong nagpapakasal o nagiging mag asawa, dito niya natutunan
ang ibig sabihin ng salitang pag ibig, at si Hector ang taong nagpakita nito sa kanya.
Napangiti si Clara ngunit bigla naman siyang nagulat, ang kahel na ulap ay
bigla nalang napalitan nang puting kisame, nakita nalang niya ang sarili sa isang
pasilyo, napalitan nang nakakabinging katahimikan ang kaninang masayang tinig
nang isang binatilyo, nawala ang malawak na quadrangle sa paligid bagkus mga
patong patong na nagkikintabang lapida ang kanya nang natatanaw.
Napabuntong hininga ang dalaga, napagtantong nagbalik diwa, nasa loob siya
nang columbarium nang sumandaling iyon, habang katabi ang isang may edad na
babaeng nakatayo at hindi maalis alis ang pagkakatitig sa lapida nang anak, ang lapida
ni Hector.
Sa araw na iyon ay umuwi ang ina ni Hector mula Amerika, dinalaw niya ang
abo nang anak, sinamahan siya ni Clara na madalas ang pagpunta sa lugar.
Palagi nalang nagiging madamdamin ang pagkikita nilang dalawa, wala silang
ibang pinag uusapan kundi ang masasayang ala ala nang yumaong kasintahan ng
dalaga.
baka heto na ang huling pagpunta ko dito hija malungkot na wika nang
matandang babae, pustura ito ngunit mahahalata pa din ang kalungkutan sa mukha,
malaki din ang itinanda nito nang muli niyang makita.
its okay mom!, madalas naman akong naandidito masayang sabi ni Clara,
nakatitig na din ito sa lapida katulad nang babaeng katabi niya.
kailangan kong alagaan ang daddy ni Hector, naging sakitin ito matapos
mawala ang anak namin, ayokong pati siya ay mawala na rin sa akin
sorry po kay dad mom!, hayaan niyo hindi mag iisa si Hector, araw araw ko
siyang dadalawin dito
Natahimik sila at parehong napatingin sa kawalan, hinawakan ng matandang
babae ang kamay ng dalaga.
hija!, mag move on kana
Hindi maka kibo si Clara, ayaw niyang sumagot, nagsimulang mamuo ang
luha sa kanyang mga mata, batid niya sa kanyang puso na hindi niya kayang gawin
ang bagay na iyon.
hindi maramot si Hector!, alam mo yan, gusto din niyang maging masaya ka,
naniniwala akong pinalaya ka na niya
hindi ganoon kadali yun mom!, hindi nga maramot si Hector, pero madaya
siya!, ang hirap kasi niyang malimutan! niyakap siya nang mahigpit nang
matandang babae, naaawa siya sa kalagayan ni Clara, hindi siya makapaniwalang siya
ang higit na nagdusa matapos mawala ang kanyang kaisa isang anak, hindi niya alam
kung saan siya huhugot nang mga katagang magpapakalma dito.
Magpa hanggang ngayon hindi nagbago ang damdamin ng dalaga para kay
Hector, hindi niya kayang pag-aralang malimutan ang taong iyon, nananatili itong
buhay sa kanyang mga ala ala, kahit pitong taon na ang nakakalipas.

You might also like