Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

CHAPTER 2

Kinawayan ni Clara ang mga magulang sa di kalayuan, patuloy naman sa pagkuha


nang litrato ang kanyang ama.
Nang muling makabalik nang pwesto, naramdaman niya ang pagtapik nang
kanyang katabi sa kanyang balikat, napalingon ang dalaga at napansin ang paglipad
nang paru-paro palayo sa kanya.
may importanteng balita ka girl ngiting wika nang katabi, binaling ni Clara
ang tingin dito.
totoo ba yun? tanong niyang may halong pagdududa.
sabi daw nila, good or bad news dinig nito, sumeryoso ang kanyang mukha
at napatingin sa kawalan.
dont worry girl, good news na yan kasi naka graduate na tayo, natapos na
din sa wakas ang pagdurusa natin dagdag nang katabi, nagbalik diwa si Clara,
muling lumingon sa katabi at ngumiti.
congratulation! bati niya, niyakap niya ang katabi, sumunod naman sa
kanila ang mga kahelera.

***

maghapon ata tayo uulanin sambit nang ama.


Pa-uwi na sina Clara matapos ang graduation ceremony, ang ama ang
nagmaneho nang kanilang sasakyan, naghihintay naman ang kanyang ate at mga
kamag-anak para sa gaganaping selebrasyon, hindi pa din matigil tigil ang pagbuhos
nang malakas na ulan.
hay naku! Victor mabuti nalang naka-alis agad tayo, mahihirapan tayong
magbyahe niyan, mukhang babaha na oh! bulalas nang ina, pinahinaan nito ang
aircon na nakatapat sa kaniya, tumitindi na ang lamig na nararamdaman nila sa loob
ng kotse.
ma!, bat ganun tinatawagan ko si Hector, naka off ang cel niya putol ni
Clara, hawak hawak niya ang celphone at panay ang pagkalikot nito.
Ara! dederetso nalang sa bahay yan, wag kanang mag-alala diyan
lumingon sa kanya ang ina na nasa shotgun seat.
naku na-trapik na yun malamang!, alam mo namang kakambal nang ulan ang
trapik biro nang ama.
nakaka-inis siya!, sabi ko umattend eh! asik ng dalaga na parang isang
bata.
Tinigil niya ang ginagawa, umayos siya nang pagkaka-upo, sumilip siya sa
bintana at pinagmasdan ang maulang paligid.
Binuksan naman nang ama ang stereo nang sasakyan.
sa ngayon mahaba haba na ang trapik dito sa NLEX, at nagsisimula nang
magdatingan ang mga fire rescue, kung makikita mo lang etong kinalalagyan ko
ngayon ay sobrang napaka lawak talaga nang pinsala! bungad na balita.
ano daw pa? usisa ni Celia, na tila napako ang atensyon at napatitig sa
stereo.
me aksidente ata Celia, ewan ko, hindi kasi natin naabutan ang balita tugon
ni Victor, na tutok ang paningin sa maulang daan.
Hindi naman napansin ni Clara ang pag-uusap nang mga magulang , tahimik
ito at nakikinig nang tugtog sa kanyang celphone, at gawa na din nang puyat para sa
paghahanda sa araw ng kanyang pagtatapos ay nakatulog na ito sa byahe.
Pagkarating sa kanilang tahanan ay dali dali na silang lumabas nang kotse at
pumasok, bumungad naman ang lamesang punong puno nang pagkain, isang banner
ang nakapaskel malapit sa dining table at nakalagay ang katagang congrats ara we
love you .
Sinalubong si Clara nang kanyang ate Mia at mahigpit itong yumakap, dalawa
lamang silang magkapatid at parehong mga babae, anim na taon ang tanda nang
kanyang ate at malapit nang ikasal, sunod namang nagsilapitan ang kanyang mga
pinsan, tito at tita, lahat ay masaya para sa kanya dahil may nagtapos na naman nang
kolehiyo mula sa kanilang angkan.
ate si Hector dumating naba? tanong ni Clara, pa-ikot ikot ang paningin
nito sa kanilang tahanan nagbabaka sakaling naroroon na ang kasintahan at nagtatago
lang sa mga parte nang sulok nito, nilapag niya sa upuan ang nakabalumbong toga.
akala ko ba a-attend siya nang graduation mo seryosong sagot ng kapatid.
hindi siya umabot!, nakaka-inis yun! ewan ko sa kanya natawa si Mia sa
asik ni Clara, alam nito ang tampuhan nilang dalawa, naa-aliw sa kanila ang kanyang
ate dahil para silang mga batang away-bati.
tinawagan mo ba? tanong nang ate.
kaninang umaga tumawag siya pero ngayon naka off na ang cel niya
baka na-ipit na sa trapik yun kasi may aksidente pala sa NLEX oh! singit
nang kanilang pinsan na nakaturo sa telebisyon.
Nabaling ang atensyon ni Clara sa telebisyon, naglakad siya patungong sala at
pinanuod ang balitang pinapakita, naroroon naman halos ang lahat at nakatutok.
pitumpu ang nasawi sa aksidente, habang di kukulangin sa isandaan ang
sugatan na ang dalawampu dito ay nasa kritikal na kalagayan ayon sa
tagapagbalita.
Sari sari ang naging reaksyon nang lahat sa pinapakitang kalunos lunos na
pangyayari, tahimik na nanunuod ang dalaga, muling sumagi sa isip niya ang paru-
parong dumapo sa kanya, muli siyang napalingon sa kawalan.
may breaking news po tayo kaugnay nang balitang iyan!, hawak po namin
ang listahan nang ilan sa mga casualty, may na-identify na po sa mga nasawi...
muling banggit nang tagapag-balita.
Napahawak si Clara sa kanyang dibdib, bigla nalang siyang kinabahan.
heto po ang unang pangalang na-identify...
Hector Villanueva!, isa po itong estudyante
Biglang natahimik ang mga tao sa kanilang bahay at hindi naka-kibo.
Bigla namang nabitawan ni Mia ang hawak na plato, dahilan upang ito ay
mabasag sa sahig.
Bigla nalang natumba si Clara at nawalan nang malay.

***

Nakita ni Clara ang sariling nakatayo sa isang puting kwarto, napansin niya
ang puting pinto sa kanyang harapan, dahan dahan siyang lumapit dito.
Binuksan niya ang pintuan at sinilip ang nasa kabilang parte nito, bigla nalang
naglitawan ang pagkadami daming paru-parong lumipad patungo sa kaniya nang
mabuksan iyon, nataranta ang dalaga, pinaghahawi niya ito gamit ang mga kamay at
braso, nawala naman bigla ang mga insekto.
Napansin niya ang paglitaw ng isang lalakeng hindi masyadong ma-aninag
dahil sa makapal na usok na nakapaligid dito, nagulat si Clara sapagkat hindi naman
siya nagkakamali kung sino ang nakatayong iyon.
Hector! bulalas niya.
Lumapit ang lalake patungo sa dalaga at bigla nalang huminto, nananatili itong
malabo sa paningin nang babae, nagtaka si Clara kung kayat siya na mismo ang
kusang lumapit dito, akmang yayakapin niya ang lalakeng iyon nang bigla nalang
bumulaga sa harap niya ang pagbabago nang anyo nito, unti unting nasusunog ang
katawan nito hanggang matira nalang ang lapnos na balat, bumabagsak pa ang mga
balat nito nang muli itong magpatuloy sa paglalakad patungo ito sa direksyon ni Clara
upang salubungin ang kanyang pag-yakap, napa-atras naman ang dalaga bakas ang
kilabot na mababanaag sa mukha.
Nagti-titili siya habang unti unting lumalapit ang sunog na lalaki.
Hinimatay siya nang hindi niya makayanan ang labis na takot na
nararamdaman.
Napadilat muli ang kanyang mga mata at napabangon mula sa pagkakahiga,
nabigla naman ang kanyang ate at mga pinsan na nakapalibot sa kanya at nakabantay,
nagsitayuan ang mga ito at lumabas nang kwarto upang tawagin ang mga magulang,
inalo si Clara ng kanyang ate Mia, pawisang pawisan siya at namumutla, napagtanto
niyang siyay binangungot.
Dali daling pumasok ang kanyang mga magulang kasunod nang mga tiyuhin
at tiyahin.
Sinuri siya nang tiyuhin na isang physician.
hija kamusta na ang pakiramdam mo? tanong nito, hindi maka-kibo ang
dalaga.
ma!, puntahan po natin yung lugar nang aksidente!, please!, pa! balisang
wika ni Clara, hindi na maitago ang bigat na nararamdaman kung kayat napabulalas
siya nang pag-iyak.
Natahimik ang lahat, mahal nang buong pamilya si Hector kung kayat hindi
maiwasan na ang lahat ay maapektuhan sa narinig na balita, tumabi si Mia sa kapatid
at yumakap, mababanaag naman ang panlulumo sa mukha nang mga magulang.
magpahinga ka muna anak, pupuntahan namin nang tito mo yung
pinangyarihan nang aksidente bukas sambit nang ama, na-upo ito sa kama at
hinawakan ang kamay nang anak, nanginginig ang mga kamay nito dala na din nang
biglaang pagka-gulat sa nalaman, sumunod naman ang kanyang asawa na katulad
nang anak ay nagsimula na ding ma-iyak dahil sa hindi magandang nangyayari.
Unti unting napalitan nang kalungkutan ang dapat sanang masayang
selebrasyon.

You might also like