Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

IKALIMANG BAITANG - JEGUDIEL

1. Narinig mo ang balita na may naganap na malakas na paglindol sa inyong karatig lugar at
marami ang nasawi. Kaya minabuti ng inyong klase na italaga kang mamuno para sa
pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ano ang gagawin mo?

2. Isang malakas na bagyo ang dumating sa inyong lugar. Marami ang nabaha kung kayat
damit o kasuotan ang kanilang naging pangangailangan. Marami kang mga kasuotang hindi
na nagagamit. Ano ang dapat mong gawin sa mga ito?

3. Hindi inaasahang balita ang inyong nasagap na nasunugan ng bahay ang dati mong
kapitbahay. Agad mo itong napatunayang totoo nang makita mo ang naka-post sa Facebook.
Batid mong nangangailangan sila ng tulong dahil wala silang naisalbang mga kagamitan.
Ano ang dapat mong gawin?

4. Malakas ang bagyong rumagasa sa kabilang bayan. Dahil dito, karamihan sa mga
mamamayan ay pansamantalang nagpunta sa mga evacuation areas. Kaya, ipinaalam sa lahat
na ang munisipyo ay nangangailangan ng mga pagkain. Ano ang dapat mong gawin?

5. Bilang paghahanda sa posibleng pagdating ng The Big One, ang lahat ay nagkakaroon ng
malawakang pagsasanay para rito. Paano ka makakatulong sa gawaing ito?

6. Napanood mo na may paparating na bagyo sa inyong lugar. Alam mong hindi pa handa ang
iyong mga magulang dahil hindi naman nila alam ang ganitong balita. Ano ang dapat mong
gawin?

7. Isang panawagan ang isinagawa ng mga Kagawad ng inyong barangay upang makaiwas sa
sunog. Kabilang sa panawagang iyon ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng kandila
lalo na kung may malakas na hangin. Alam mong madalas magsindi ng kandila ang iyong
Lola na kanyang inilalagay malapit sa may kurtina. Ano ang dapat mong gawin?

8. Pinapalikas na ang lahat ng tao sa inyong barangay dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa
inyong lugar. Narinig mo ang panawagang iyon subalit hindi mo ito sinabi sa iyong mga
magulang. Ang nangyari, lalo pang tumaas ang tubig sa inyong lugar. Ano ang dapat mong
gawin?

9. Naganap ang malakas na paglindol kagabi. Kinabukasan, binigyan ng babala ang lahat ng
mga mag-aaral na hindi muna papasok sa silid-aralan nang hindi nakatitiyak na ito ay ligtas
na mula sa pagguho. Ano ang dapat mong gawin?

10. Batay sa balita, hindi pa ligtas ang ilang mga lugar na puntahan dahil sa banta ng posibleng
pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan. Ano ang dapat mong gawin?

You might also like