Professional Documents
Culture Documents
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong
siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon,
pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano
Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-
aralin siya sa Maynila.
Si Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa
rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban
sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-
aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto
sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at
sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at
bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at
nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo
na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik.
Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang
kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto
at panatag sa kanyang itinatag.
Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni
Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan
ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di
naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio
ay sina Valentin Diaz, Deodato
Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao
Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay
Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang
Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito
rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23,
1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod
Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang
kanilang mga cedula.
Edukasyon
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig
sa pagaaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na
nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos
niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.
Buhay
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta
sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding
sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga
gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga
repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang
kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si
Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12Hunyo 1898, si
Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang
makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados
Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946.
Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon.
Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng
Pilipinas.
Ipinnganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa
Luzon[1] sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde
ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Jesuit, nagpatala siya sa
Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.
Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak
niyang magturo subalit sumiklab ang Himagsikan.
Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni
Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2,
1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.