Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Title of the Article: Edukasyong Kolonyal; Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin


II. Author: Bienvenido Lumbera
III. Synthesis:
Nothing About Us Without Us. Isa ito sa ilang mga sawikaing nakuha mula sa dumalo
sa pandaigdigang pagtatalakayan tungkol sa karapatan ng mga may kapansanan sa Silangang
Europa, na ngayoy ginagamit ni James I. Charlton sa kanyang aklat na may parehong pamagat;
na ang layunin ay magbigay ng kamalayan tungkol sa disability oppression and empowerment.
If we have learned one thing from the civil rights movement in the U.S., its that when others
speak for you, you lose. (Driedger, 1989)
Tunay na walang makapagdedesisyon para sa atin kung alin ang mainam (sa atin), na hindi
tayo kasama sa pagbabalangkas ng nasabing desisyon. Sa mga nagdaang napakaraming taon, tila
ang kapalaran ng sistema ng edukasyon sa ating bansa ay dumaranas din ng tinutukoy ng nasabing
sawikain. Sino ngayon ang makapagsasalita (para sa atin) kung ano ang nararapat para sa atin?
Kung pagninilayan, ang mga pangyayaring ito sa ating nakaraan ay nagdulot ng tila kapansanan.

The education of the Filipino must be a Filipino education. It must be based on the needs of the
nation and the goals of the nation The primary object is to produce a citizenry that appreciates and is
conscious of its nationhood and has national goals for the betterment of the community, and not an anarchic
mass of people who know how to take care of themselves only. (Constantino, 1959).

Sa nagdaang mga siglo, ang edukasyon sa Pilipinas ay pawang mga produkto ng pananakop
at kolonyalismo; at sa kalaunay nagbunga ng mapagsariling kaisipan. Mula sa edukasyong
nakatuon sa relihiyon (panahon ng pananakop ng Espanya) hanggang sa magkaroon ng biyaya
ng edukasyon upang sa gayon ay mapamahalaan natin ang ating mga sarili (panahon ng
pananakop ng Estados Unidos);

On the other hand, American education was the water that gradually diminished the spark of
burning Filipino nationalism. The educational system established by the Americans was not solely for
giving the Filipinos the gift of literacy, but more so for their economic and political purposes. This was
clearly seen in the Benevolent Assimilation decree of President William McKinley which states, among
others ..to provide the Filipinos the gift of civilization either by assimilation or conquest. Hence, in
spite of the announcement of the Americans that they were in the Philippines because the Filipinos needed
them as their guide and protector, the fact remained that the Filipinos were still a conquered nation and that
they had to weave their life according to the pattern of American dominance. (Durban & Catalan, 2012)

na parehong bumura ng ating kultural na memorya, hindi nakagugulat na ang mga


nagdaang henerasyon hanggang sa kasalukuyan ay mas tumatangkilik ng kaalamang hindi naman
nababagay sa ating paraan ng pamumuhay at kultura sapagkat may kasaysayan na tayo noon pa
man na mahulma bilang little brown Americans.

Noong 1925, pinuna ng Monroe Survey Report sa edukasyon ang sistemang pinaiiral ng kolonyal
na administrasyon sa mga unang dekada ng pananakop. Mula sa mga puna, mahahango natin kung anu-ano
ang mga sangkap ng edukasyong humubog sa isipan ng mga unang Filipino:
The books now used in the schools are cast from American models. These very books are now
used as textbooks by American children in the United States. The Philippine edition is but a slight
modification. The whole course of study, reading books included, reflects American culture.
As now organized and administered, (the secondary curriculum) reveals altogether too clearly
American parentage. The textbooks and materials on instruction are adapted to the needs of American high
school pupils and reflect American conditions.
In none of the textbooks (on Philippine history in high school) which are used in these courses and
which really determine what is taught, is there a comprehensive description and interpretation of Filipino
life and cultureOne seeking to learn of the life of the Filipino may read all of these volumes in vain, for
they describe but the shell in which that life is lived.
The textbook used in this course (Natural Sciences) is aptly entitled The Science of Everyday
Life, but it is the science of everyday American life, and American life is very different from Filipino life.
Ang mga puna ng Monroe Survey Report ay naglalarawan ng realidad ng kolonyal na edukasyon
na humubog sa kamalayan ng mga Filipinong produkto ng sistema ng edukasyong itinayo ng mga
Amerikano. (Lumbera, 2007)

Ngayon, upang ibalik ang naunang punto kung bakit tayo ay tila may kapansanan, ay dahil
mistulang hinahayaan nating may gumawa ng mga bagay para sa atin na parang wala tayong
kakayahan upang tumayo sa sariling mga paa. Ang ilan sa mga halimbawa; ang ating mga
babasahin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, ang paggamit ng wikang Ingles para sa paghahanda
sa pagiging globally competitive at ang pagpapanatili ng wikang ito bilang wikang panturo
upang mapanatili ang uniformity in communication; - lahat mula sa perspektibo ng kanluran.
Ang kawalan natin ng pantayong pananaw at ka-akohan ay nagpapatunay ng isang
kapansanang dulot ng matagal nating pagkakasakop at benevolent assimilation. Kung tayo ay
patuloy na ipinagsasagwan ng Estados Unidos sa direksyon na nanaisin niya at iniisip natin na ito
ay laging maganda para sa atin, hindi bat ito ay nagpapakita ng kapansanan, maliit man o malaki?

Nothing About Us Without Us.

IV. Educational Issues/Concerns:


Ang mga usaping nakapaloob sa pagninilay na ito ay ang mga usapin sa edukasyong
kolonyal. Upang bigyang halimbawa, nariyan ang mga usapin tungkol sa paggamit ng wikang
Ingles bilang panturo at medium ng pakikipagtalastasan sa mga paaralan. Ang paniniwala na ang
wikang Ingles ay nagpapakita ng higit na antas ng katalinuhan ay isang kaisipang kolonyal at
mabubunga ng ilan pang kaisipang hindi maka-Pilipino.

Ang wikang Ingles bilang wikang panturo ang pinakamatibay na kawing, sa ating panahon, ng
kadenang kolonyal na ibinilibid ng sistema ng edukasyon sa sambayanan. (Lumbera, 2007).

Isama na sa usapin ang komersiyalismo, kung saan ang edukasyon ay isa nang anyo ng
kalakal; ang pyudalismo, na isa sa mga nagtakda ng sikuhan sa pamamahala (halimbawa ng
sektor ng edukasyon) at ang elitismo na lalong nagpabagsak ng katwiran na ang edukasyon ay
karapatan, sa halip, ito ay naging pribilehiyo.

V. How do the identified educational issues affect the national development?


Sa usapin halimbawa ng paggamit ng wikang Ingles bilang medium ng pakikipagtalastasan
at panturo, nagbubunga ito ng panibagong paraan ng pag-iisip at pamumuhay. Inakala ng marami
na ito ang batayan na ang isang taoy mas edukado; ngunit kung iisipin ay nagsimula ito ng paglayo
ng ating damdamin sa ating pinanggalingan at simula ng kaisipang kolonyal. At dahil sa ganitong
kaisipan, nanganak ito ng kurikulum na hindi angkop sa pangangailangan ng bansa. Idagdag pa
dito ang isang pagsusuri na nagpakita ng walang pasubali (passive) na pagkatuto ng ilang mga
mag-aaral:
reading is perceived as an oral performance activity by Filipino students because reading aloud
is used frequently to negotiate the lack of resources in Philippine public schools. Comprehension does not
matter as much to these students; rather, they are concerned with how they are perceived as oral readers in
English, which is their second language. (Protacio & Sarroub, 2013)

Ang komersiyalismo at elitismo ay nagbunga ng ilang mga Pilipinong walang


pagpapahalaga (apathetic) hanggat nabibilang sila mga uring may kakayanang magbayad para
sa edukasyon; na nagbigay-daan sa pagkamaka-sarili (individualism).

Sa kabilang banda, ang mga isyung ito ay kakikitaan pa rin ng liwanag sa ilan sa mga nasa
posisyon upang gumawa ng hakbang sa pagbabago. May ilan nang reporma upang maisaayos ang
sistema ng edukasyon sa Pilipinas gaya ng K to 12 Basic Education Program na ayon sa DepEd ay
holistic human development ang kaibuturan at tugon (sana) sa matagal nang problema sa congested
curriculum. Mayroon na ring pagtatangka sa Culture-Based Education, na magbabalik at
magpapakilala muli ng cultural identity; ang contextualization, localization at indigenization na
unti-unti nang isinasama sa pagtuturo at marami pang patatangka para sa layuning pang-
edukasyon. Gaya ng mga panahong nagdaan, panahon na rin ang makapagsasabi kung matatanaw
natin ang makabagong Pilipino na hindi gapos sa nakaraang maling pagkatuto.

VI. References
Abad, M. L. (2007). Neoliberalistang Pagpaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at
Episyenteng Pagpapahayag. Mula Tore Patungong Palengke -Neoliberal Education in
the Philippines.
Constantino, R. (1959). The Miseducation of the Filipino. Weekly Graphics.
Driedger, D. (1989). The Last Civil Rights Movement. Disabled Peoples' International.
Durban, J. M., & Catalan, R. D. (2012). Issues and Cconcerns of Philippine Education Through
the Years. Asian Journal of Social Sciences & Humanities.
Lumbera, B. (2007). Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin. Mula
Torre Hanggang Palengke - Neoliberal Education in the Philippines.
Protacio, M. S., & Sarroub, L. K. (2013). A Case Study of Reading Instruction in a Philippine
Classroom.
Remollino, A. M. (2007). Philippine Education in the Neocolonial Period. Mula Tore Patungong
Palengke - Neoliberal Education in the Philippines.
Vizconde, C. (2006). English Language Instruction in the Philippine Basic Education Program.
Regional Language Centre Journal 37.2.

You might also like