Higit labing pitong taon na sa amin Inalagaan niya kaming lahat Tulad nang sarili niyang pamilya At ang aking si Yaya Lorna Bahagi na ng aking pamilya
Maaga siya nag-asawa
Anim ang naging anak nila Para tumulong sa kanyang mag-anak Siya ay nagtrabaho at tumira sa amin Mula ng ako ay isang sanggol Inalagaan niya kami at minahal
Gumigising ng alas singko araw-araw
Para tumulong sa mga gawain Iba't-ibang masasarap na pagkain Sa amin ay hinahain Kahit siya'y napapagod Lagi pa rin nakangiti
Sa pagtanda ni Yaya Lorna
Ako ay may dalangin Lagi sana siya malusog at masaya Pati na ang kanyang pamilya Sa lahat ng kaniyang sakripisyo Habang-buhay ang pasasalamat ko
Martin Viladolid
Lagi siyang tumutulong
sa mga oras na kailangan natin siya. Kung baga lumilinis o nagluluto, Nandito siya sa bahay tumutulong para sa lahat
Dahil dito, may respeto ako sa aking yaya
At gusto kong ipakita sa kanya ito Kaya, gagawa ko ang mga gawaing bahay ko, at ang mga responsibilidad ko para sa kanya Kaya ako ay may insperasyon sa kanya para ako ay maging masipag para ako ay maging responsable para ako ay maging isang mabuti na tao.
Sa pagtatapos, gusto ko lang magpasalamat sa aking yaya
sa lahat ng mga ginawa niya para sa pamilya ko. Siya ang dahilan kung bakit tayo ay maginhawa Dapat lahat kayo mauunawa ang makatutulong sa atin.