Paniningil NG Utang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paniningil ng utang, pinasimple ng Korte

Suprema
Mike Navallo, ABS-CBN News
Posted at Jul 07 2017 09:09 PM | Updated as of Jul 08 2017 02:24 AM

Save
Facebook
Twitter
GPlus
LinkedIn
Mas mabilis at simpleng proseso ng paniningil ng pera ang isinusulong
ngayon ng Korte Suprema sa ilalim ng revised small claims procedure. Imbes
na taon ang aabutin, makakukuha na ng desisyon sa loob lamang ng 30 araw
mula nang magsampa ng kaso.
Mas madali na ngayong magsampa ng kasong sibil sa metropolitan at
municipal trial courts na ang hinahabol ay money claim.
Kabilang dito ang bayad para sa utang, upa, serbisyo, pagbebenta, at
pagsasangla.
Sa ilalim ng revised small claims procedure, hindi na kailangan ng abogado
para maningil ng hindi lalagpas ng P200,000. Kailangan lang ay small claims
form at supporting documents.
Matapos magsampa ng kaso, agad aabisuhan at pasasagutin ang
sinampahan ng kaso, at magtatalaga ng petsa para sa hearing na hindi
lalampas ng 30 araw mula nang isampa ang kaso.
Kapag hindi nagkaayos sa hearing, agad magdedesisyon ang huwes sa loob
ng 24 na oras.
Ang revised small claims procedure ang nakikitang solusyon ng Korte
Suprema para mabawasan ang libo-libong kasong isinasampa sa korte, at
mabigyan ng remedyo ang mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng
abogado.
Mas mura rin ang filing fee at posible pang makakuha ng exemption kapag
indigent o wala na talagang pinansiyal na kakayanan ang tao.
Ngunit para hindi maabuso ang sistema, may karagdagang bayad sa bawat
defendant na idadagdag. May dagdag-bayad din kapag higit limang beses
nang nagsampa ng kaso sa loob ng isang taon.
"Ito po ay abot-kayang hustisya. 'Pagkat sa pananaw namin, wala pong maliit
na halaga na hindi dapat solusyunan ng hustisya. Sa small claims,
pananatilihin natin na ang batas ay maging simple, mabilis, abot-kaya," ayon
kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Noong 2010 pa nang unang ipatupad ang small claims procedure pero
Pebrero ng nakaraang taon lang tinaasan ang halaga na maaaring singilin.
Mula sa P100,000 noon, P200,000 na ngayon.
Ayon sa Korte Suprema, umabot na sa 13,000 small claims cases ang
naresobla noong 2016 -- mas mataas ng 10,000 ang kaso kumpara noong
2015.
Pinaigting naman ng Korte Suprema ang information campaign sa social
media, maging sa mga paliparan at embassies para makinabang din ang mga
overseas Filipino workers.
-- Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

You might also like