MA

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MA, mahal na mahal kita

-Ian Guevarra

Uumpisahan ko ang tulang ito sa pagbibigay pugay sa mga magulang


Kung saan sa lahat ng bagay ay hindi sila nagkaroon ng pagkukulang
Sa mga bata na kanilang inarugaan simula pa ng kanilang pagsilan
At sobrang pagmamahal nila na hindin-hindi matatawaran

Ma, salamat dahil lagi kayong nandyan sa aking tabi


Napupuyat sa pagpapatahan sa tuwing umiiyak ako sa gabi
Hindi alam alin ang unang gagawin kung ang bote ba ng gatas ay kukuhanin o ako muna
ay bubuhatin
Ntataranta sa bawat paghagulgol at bawat luha ng mata na pumapatak sa akin

Ma, salamat dahil lagi kayong nandyan sa aking tabi


Tabi na aking nasandalan noong ako ay nasaktan at lumuluha
Lumuluha dahil sa pag-iwan sa akin ng mapaglarong kasintahan
Kasintahan na kung saan labis kong minahal kaysa sa inyo na tunay na nagmamahal

Ma, salamat dahil lagi kayong nandyan sa aking tabi


Noong ako ay unti-unting kinakain ng nakasanayan kong sistema
Iinom ng alak, sisindi ng damo at uuwi ng hating gabi
Pinili kong sumama sa mga kaibigan na alam kong ang ginagawa ay mali

Ma, salamat dahil lagi kayong nandyan sa aking tabi


Na kung saan unti-unti mo kong inaalalayan hanggang sa aking paglaki
Hindi mo ako pinabayaan ako ay pinayuhan at itinama ang mga pagkakamali
Uumpisahan ko ng magbagong buhay at hindi na ulit magkakamali

Ma, bakit nawala ka sa aking tabi?


Hindi ko alam kung patuloy pa akong mabubuhay
Buhay ko na tila itim na lang ang natitirang kulay
Kulay na kung saan magbibigay sa akin ng pagbabagong buhay

Ma, bakit nawala ka sa aking tabi?


Kung kailan ako ay tapos na sa pag-aaral at meron ng magandang trabaho
Madadala ng kita sa mga pinapangap mong lugar noon
Mabibigyan na kita ng marangyang pamumuhay na hindi mo nakamtan noon
At ako naman sana ang magaalaga at magsisilbi sa inyo

Ma, bakit nawala ka sa aking tabi?


Sana noon pa man naisip ko na tama ang inyong m ga sinasabi
Sinunod ang bawat utos dahil ikaw ang nakakaalam kung anong tama sa mali
Totoo talaga ang sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi

Ma, kung nasaan ka man ngayon


Ang anak mo ay isa ng matagumpay na tao ngayon
Ginagawang inspirasyon ang mga kabutihang ginawa mo sa aking nakaraan
At kung mabibigyan lang sana ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan

Yayakapin kita ng mahigpit at sasabihin kong MA, Mahal na mahal kita

You might also like