Bilanggo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bilanggo

Gusto ko ng makalaya sa rehas ng pagmamahal mo sinta


Nakakulong parin ako salitang ikaw at ako, sa tayo
At sana bukas, hindi ko man alam kung ilang bukas pa ang
bibilangin o hihintayin ko pero sana, dumating yung isang bukas
na makalaya na ako, yung tanggap ko na yung wakas
Dahil sa likod ng salitang ikaw at ako ay may bagong sya
sa buhay mo

Sya na nagpapasaya sayo, kahit nandito ako


Sya na kasama mo, sa oras na wala ako
Sya na bagong pumapapel sa buhay mo
Mahal gusto ko lang na malaman mo nakakulong parin ako

Palayain muna ako sakabila ng ipinapakita at


ipinaparamdam mo na may pumalit na sa salitang ako sa piling
mo
Mahal sabihin mo na ang mga salitang nais kong
marinig mula sa mga labi mo na magsisilbing susi sa kalayaan ko
Mahal handa na ako, Handa na ako sa paglisan mo sa
isip ko, sa puso ko, sa pling ko, at sa lahat ng meron ako kaya,
Mahal sa huling pagkakataon palayain mo na ako hindi
ko na kaya ang sakit na nadarama ko .

You might also like