Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Tuberculosis (TB)?

Ang Tuberculosis (TB) ay isang pangkaraniwan, madalas na nakakamatay at


nakakahawang sakit sanhi ng iba’t ibang uri ng mikrubyo, kadalasang Mycobacterium
tubercolusis sa tao. Ang TB ay karaniwang sakit sa baga ngunit maaari ding
makaapekto sa ibang bahagi ng katawan. Karamihang nagkakaroon ng ganitong
klasing sakit ay mga taong malnourish na nakatira sa magulo at maduming kumonidad.
Ito ay kadalasang nakikita sa mga bata, partikular na sa mga papalagong bansa, sanhi
ng pagkakaroon ng nakapanghihinang sakit tulad ng tigdas.

Mga Sintomas

• Malubhang ubo

• Lagnat

• Pananakit ng kasukasuan

• Paulit ulit na pagdura na may kasamang dugo

• Pagbaba ng timbang

• At iba pang sintomas katulad ng pagpapawis, pagkawala ng gana sa pagkain,


pamumutla at madaling pagkapagod.

Paano ito nakakahawa sa iba?

Ang TB ay nakakahawa. Ito’y kumakalat sa pamamagitan ng hangin. Kapag ang isang


tao na may aktibong TB ay bumahing, dumura at umubo, maaaring malanghap ng tao
ang bakterya dala ng TB.

Paano ito ginagamot?


Kalimitang ginagawa ng doktor ngayon ay pagsamahin ang apat na antibiotics para
gamutin ang aktibong sakit na TB. Mahalagang inumin ang gamut sa loob ng anim na
buwan. Halos lahat ay malulunasan kung susundin at iinumin ng mabuti ang gamot na
naaayon sa sinabi ng doktor. Kung sakaling lumabas na positibo pa rin ang pasyente
sa aktibong sakit na TB pagkatapos ng anim na buwan (6), kailangang ipagpatuloy ang
paggamot sa isa pang 2 o 3 buwan.

Karamihan sa mga taong may asymptomatic (tagong sintomas) TB ay ginagamot sa


pamamagitan lamang ng isang antibyotiko sa loob ng 9 na buwan. Ginagawa ito upang
maiwasan ang panganib para sa pagkuha ng aktibong sakit na TB.

Kung sakaling makaligtaan o itinigil mo ang pag-inum ng gamot, ang iyong panggamot
ay maaaring mabigo. Kailangang ulitin muli sa simula ang iyong panggamot. Ito ay
maaari ding maging sanhi ng impeksiyon upang makakuha ng mas masama o
humantong sa isang impeksiyon na lumalaban sa gamot.

Ito ay lubhang mas mahirap gamutin.

Ang TB ay mas lalong malulunsan kung siguradong na ibigay sa iyo ang lahat ng
gamot. Ang isang doktor o nars ay kailangang nakabantay kung iinom ka ng gamot,
upang tiyakin na di ka kailanman papalya at siguraduhin na nainum mo ito ng tama.
Ikaw ay maaring pumunta sa opisina ng doktor araw araw, o kaya’y maaring puntahan
ka ng nars sa bahay o trabaho. Ito’y nakakatulong sa mga tao na sundin ang lahat ng
mga tagubilin at panatilihin ng maayos ang paggamot, kung saan ay maaring maging
mahirap unawain at tumagal ng mahabang panahon.

You might also like